I

50 7 10
                                    


" 12:00 "
By: MallowsYeon25

×××

Mag a-alastres na nang hapon at mas lalo akong natuwa ng medyo pabilis na ng pabilis ang oras. Halos hindi na ako makapag hintay at sabik na sabik na akong makita ang aking Love. Mamayang gabi kasi ay mag kikita kami nito para mag celebrate ng one year anniversary naming dalawa.

Sabay naming sa salubungin ang pagpatak ng 12:00 at babatiiin ang isa't-isa ng may matamis at masayang ngiti sa aming labi.

Hindi ko na talaga mapigilan ang pakasabik na makita ang Love ko kaya naman agad kong dinampot ang aking cellphone para itext ito.

To: Love na mapagmahalxz

  Love!! Hindi na ako makapag hintay. Pwede bang wag nalang natin sundin ang oras na usapan natin? Gusto na kasi kitang makita. Alam mo naman miss na miss na kita.

Ilang linggo din kasi kami hindi nakapag kita dahil galing ito ng business trip sa dubai. Kaya naman ayun labis ang pag kamiss ko sa lalake't excited na makita na ito.

Nag pagulong gulong ako sa kama dahil sa bagot na bagot na ako. Wala naman kasi ako ginawa buong mag hapon kundi ang manuod ng tv, mag linis ng bahay, at ayusin ang regalong binili ko para kay Gino my Love—at! Titigan at bantayan ang orasan. Oh dibuh!

Nakaramdam naman ako ng pagdalaw ng antok kaya naman napag desisyonan ko nalang na umiglip saglit tutal naman ay 11:00pm ang usapan namin.

----

Makalipas ang ilang oras ay mahimbing padin sa pagkakatulog ang dalaga. Nakilumatan ata nito ang sinabi niyang iiglip lang ito at mukhang ang nangyari ay tuluyan itong nakatulog. Nakalimutan din nitong mag alarm at mukhang hindi rin niya naririnig o napansin lamang ang pag tunong ng ilang beses ng kanyang telepono.

Ilang beses itong nag ring dahil ilang beses din itong tinatawagan ng kanyang nobyo. Halos 11:11 na nang gabi at lumampas na ito sa usapan nila ng kanyang kasintahan.

Halos hindi na mapakali ang lalake sa lugar kung saan sila magkikita ng kanyang girlfriend. "Damn! Answer your phone, Jaira!" usal ng binata ng tawagan niya ito sa pang ilang beses.

Nang wala na namang sumagot ay hindi na nag dalawang isip pa ang lalake at umalis dito. Sumakay sa kanyang kotse at binaybay ang daan patungo sa tahanan ng dalaga. Ngunit! Sa pagmamadali ng lalake at ang mabilis na pagpapaandar nito ng kotse ay hindi niya napansin ang isang batanh papatawid.

Nanlaki ang mga mata nito at napa mura. Mabilis niyang ikinabig sa ibang direksiyon ang manibela at bumanga ang kanyang kotse para naman salubungin ang isang bus na paparating. Hindi na nito nagawa pang umiwas kaya naman malakas na sumalpok ang kotse nito at bumungo bungo ang kanyang katawan at ulo sa kung saan saan sa loob ng kanyang kotse.

----

Matapos ang ilang minutong lumipas ay doon lamang nagising ang dalaga. Pumupungay pa ang mga mata nitong bumangon at dinampot ang kanyang telepono. Halos lumuwa ang mga mata nito dahil sa pagkagulat at mapamura ito ng makita kung anong oras na at ang maraming miss called at text messages ang natanggap nito mula sa kanyang nobyo.

Dali-dali itong tumayo at nag bihis, at pagkatapos nito ay agad na dinampot ang kanyang bag at kumaripas ng takbo palabas ng kanyang bahay. "Tangina!" mura pa ito ng wala man lang tricycle or taxi ang dumadaan sa kanilang subdibisyon kaya naman ay no choice ito kundi tumakbo.

Halos hingal ito at habol ang hininga ng makarating sa highway. Pero imbes na mga sasakyan at jeep ang bumungad sa kanya ay mga nagkaka gulong tao, mga pulis, at ambulansiya, at ang kahabaan ng trapiko ang bumungad sa kanya.

"Sh*t! Ano bang meron?!" hindi niya mapigilan ang mabanas at mainis kung bakit ngayon pa ito nangyari.

Naptingin siya sa kanyang orasan at limang minuto nalang ay mag 12:00am na ng gabi at magdidiwang na sila ng kanyang nobyo ng kanilang anibersaryo.

"Kawawa naman ang binata"

"Oo nga 'e! Bakit pa kasi siya nagmamadali at mukhang may importanteng lakad pa."

"Ang rami ba namang rosas sa loob ng kotse."

"Mukhang may Girlfriend! At baka para sa nobya ang mga iyon."

Hindi naman niya naiwasan mapakinggan ang usapan ng mga matatandang nasa gilid niya na nag chichismisan. Halos kumabog ang puso niya sa kaba ng madinig iyon. Napadapo ang tingin niya doon sa mga taong nagkukumpulan. Ang rami namang tumakbo sa isip niya at mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya namamalayan at bigla nalamang siyang kumaripas ng takbo at nakipag siksik an sa mga taong iyon.

Halos matigilan siya at himatayin ng makita at bumungad sa kanya ang kotse ng kanyang kasintahan at ang lalakeng kanyang mahal na kasalukuyang inilalagay sa isang stretcher sa tulong ng mga medic. Nang hihina man ang mga tuhod ay agad agad itong tumakbo at lumapit sa kanyang nobyo bitbit ang malakas na kabog at ang pag agos ng kanyang mga luha.

"G-Gino?! Love!!" iyak nito ng makita ang duguan at putlang putlang mukha ng lalake. Agad niya itong sinipat sipat at niyakap at sa dibdib ng binita umiyak.

Natigilan ito at nag anggat ng tingin ng may magsalita sa kanyang harapan.

"Excuse me, Miss. Kayo po ba ang girlfriend ng lalakeng ito?" tanong ng isang medic. Walang boses ang lumabas sa dalaga at pagtango lamang ang naisagot nito.

Hindi niya nagustuhan ang malungkot at itsurang binibigay ng medic na kausap niya. Halos double doubleng kaba ang nararamdaman niya at parang nararamdaman nito na hindi maganda ang sasabihin ng kanyang kaharap.

"I'm sorry, Miss....

Pero wala na ho siyang buhay."

At doon ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga. Saglit itong natigilan at binalingan ang kanyang nobyo. Tulala itong napatingin sa mukha ng lalakeng pinakamamahal niya na ngayon ay putlang putla na at isang malamig na bangkay na pala.

Halos mag unahan sa pagbuhos ang luha nito sa kanyang mukha hanggang sa mauwi sa isang paghikbi. Inianggat nito ang kanyang kaliwang kamay at mapait na napangiti ng makita ang orasan.

It's already 12:00am..

Ang oras na dapat ay sabay nilang sa salubungin at babatiiin ang isa't isa ng maligayang unang anibersaryo nila bilang isang magkasintahan.

Sabay na babatiiin nang may matamis at masayang ngiti sa kanilang labi.

Ngunit ngayon... Heto siya at mag-isa nalamang kasama ang walang buhay na kanyang nobyo. Lumuluha at sobrang sakit ng nararamdaman.

Nahihirapan man ito ay nag ipon ito ng lakas at saka naman sumilay ang mapait nitong ngiti at puno ng hinanakit bago binitawan ang mga salitang mas lalong nagpaluha sa kaniya.

"H-Happy 1st A-Anniversary.... Love."


-WAKAS-

T R A G E D Y✔️Where stories live. Discover now