II

27 7 8
                                    


" Good bye "
By: MallowsYeon25

×××

"Mary" tawag nito.

"Hmmm?" napangiti siya ng sagutin siya ng dalaga.

"Excited ka na ba talagang makita ako?" tanong nito habang may ngiti sa kanyang labi.

Habang hawak hawak niya ang kamay nito ay walang tigil ito sa paghihilot sa kamay ng dalaga habang nakatingin sa maamong mukha nito.

"Oo naman." sagot ng dalaga.

"Bukod sa makita ako. Ano pang gusto mo'ng makita?" pinapanood lang ng binata ang dalaga habang saglit itong na tahimik at para bang nag-iisip.

"Lahat lahat! At siyempre dapat kasama kita habang tinitignan ang mga ito."

Nag halo ang tuwa't lungkot sa binata ng marinig niya ang sagot ng dalaga. Mukhang natigilan ito at nawala sa sarili kaya naman nag taka si Mary ng hindi na ito kumibo.

"Raven? Ayos ka lang ba?" nabalik naman ang lalake sa sarili. Pinakatitigan nitong mabuti ang mukha ng dalaga. Napaka ganda talaga nito.

May mahahabang pilikmata, katamtamang tangos na ilong, at ma-mula mulang pisnge tuwing sa na iinitan ito. Hindi lang ito sa panlabas na anyo gumanda dahil maging sa pag uugaling meron ito na siyang mas lalo niyang nagustuhan.

"Oo naman! Masaya lang ako dahil sa wakas makakakita ka narin. Matutupad na ang gusto mo." masayang tonong ani nito.

Oo, bulag ang dalaga. Nabulag ito simula nung sanggol palamang ito at ngayon. Ngayon lang dumating ang pinakahihintay at pinaka-aabang niyang mangyari sa buong buhay niya.

Ang makakita muli!

Ngayon lamang kasi nakahanap ng eye donor para kay Marry. Ang raming test and etc ang ginawa at sa wakas nakahanap narin.

At ang magiging Eye donor nito ay walang iba kundi





Siya.

At walang kaalam alam ang dalaga tungkol dito.

Mapait siyang na pangiti. Binuhat niya ang palad ng dalaga at hinalikan ang kamay nito.

"Raven..." mahinang tawag ng dalaga sa pangalan nito. Dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ng lalake sa kanyang kamay at in iangat ang dalawang kamay niya patungo sa mukha nito.

Dahan dahan niyang kinapa kapa ang bawat parte ng mukha ng lalake hanggang sa tumigil ito sa mata ng binata. Napangiti ang dalaga.

"Alam mo... Sabik na rin akong makita yang mga mata mo." ani nito.

"Huwag ka mag-alala.... Makikita mo na ito."

----

"Okey, Ms. Dela Cruz. You can now open your eyes slowly." nang marinig ko ang sinabi ng aking doktor ay pagkasabik at doubleng kaba ang aking nararamdaman. Una, kinakabahan sa magiging resulta. At pangalawa, ay kinakabahan akong makita siya.

T R A G E D Y✔️Where stories live. Discover now