III

38 8 11
                                    


" Sakripisyo ng Isang Ama "
By: MallowsYeon25

-----

—6 year old—

🧑: Anak! Mahal na mahal ka ni Papa ha!
👧: Opo, Papa! Mahal na mahal din po kita.

—10 year old—
🧑: Nak! Sorry ha. Aalis muna si Papa. Mahal ka ni Papa ha! Lagi mong tandaan yan.
👧: Naiintindihan ko po huhuhuhu! Bumalik ka po Papa huh!? Mahal din po kita.

—Makalipas ang ilang araw—

*Video call

👧: Papa, kailan ka po ba uuwi dito? Miss na miss na po kasi kita 'e
🧑: Miss ka na din ni Papa. Hindi ko alam anak kung kailan ako makakauwi 'e. Mukhang matatagalan si papa dito.
👧: Bakit ganon pa? Dito ka nalang po mag trabaho.
🧑: Gusto din naman ni Papa, kaso anak, kulang ang kita jan sa atin kaya kailangan lumayo ni Papa. Intindihin mo sana ako anak ginagawa ko ito para sayo kasi mahal kita.
👧: mahal din kita Papa. Miss na po kita agad.

—13 year old—

*Video call

🧑: Happy 13th birthday anak!! I love you and I miss you!!
👧: Salamat po...
🧑: Oh! Bakit ang lungkot mo naman?
👧: Sino ba naman ang hindi malulungkot papa? Wala ka naman sa birthday ko. Kailan ka po kasi uuwi? Sawa na akong nakikita kalang sa Screen.
🧑: *fake smile. Sorry anak... Gusto din ni Papa umuwi sa birthday mo kaso hindi pinayagan si Papa sa work. Di bale! Babawi nalang si Papa ano ba gusto mo?
👧: Ang umuwi ka.

*End call.

At doon na nga nagsimula ang pagtubo ng pagtatampo ng anak sa kanyang Tatay na nasa malayo. Nagpatuloy ang pagtatampo nito sa mga taong lumipas na hindi umuuwi ang kanyang Tatay.

—18 year old—

👱‍♀️: Anak! Ang papa mo oh! Gusto kang kausapin.
👩: Paki sabi nalang po at abala ako sa mga bisita.
👱‍♀️: Anak! Mas mahalaga pa ba yang bisita mo kesa sa Papa mo na ang gusto lang naman ay makausap at mabati ka.
👩: Fine!

🧑: Anak!! Miss na Miss kana ni Papa! Happy 18th birthday! Ang bilis nga naman ng panahon dalagang dalaga na ang baby noon ni Papa.
👩: Salamat, Pa.
🧑: Anak.. Sorry kung hindi na naman nakauwi ang Papa.
👩: Lagi naman pa...
🧑: Babaw–
👩: Ayan ka naman sa bawi bawi! Papa naman! Hindi ko kailangan yang mga materyal na binibigay mo. Ikaw Papa ang kailangan ko.
🧑: Patawad talaga anak. Sorry... Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka ni Papa ha!
👩:Hmm..

*End call

Lumipas ang ilang araw, buwan, at taon. Ay hindi na muli kinausap o kinamusta lamang ng anak ang kanyang sariling Ama. Halos wala na itong pake sa kanyang Ama na sa puntong tuwing tatawag ang kanyang Papa ay gumagawa ito ng kung anong palusot upang huwag lamang ito makausap.

Sa kabilang banda naman ay sobrang lungkot at pag-iisip ang nangyayari sa kanyang Tatay. Umabot sa puntong sobrang nag-aalala ito at hindi na makapag trabaho ng maayos sa kakaisip sa kanyang anak na hindi na ito kinikibo. Sa pag-iisip at sa ginagawang pamomoblema nito ay nagkaroon siya ng malalang sakit na siyang hindi niya ipinaalam sa kanyang pamilya.

—21 year old—

👩‍🎓: Mama..
👱‍♀️: Ano iyon anak?
👩‍🎓: Darating ba ngayon si Papa?
👱‍♀️: Oo naman anak! Sinabi niyang uuwi siya para sayo.
👩‍🎓: Salamat naman sa wakas! Ang rami kong gustong sabihin kay Papa... Ang rami kong gustong ihingi ng patawad.
👱‍♀️: Shhh... Tahan na... Magkikita na kayo.

*Pero bigong nakarating ang kanyang Tatay sa araw ng kanyang graduation. Hindi ito nakauwi dahil sa sobrang panghihina na nito.

—Makalipas ang ilang linggo—

*Araw ng mga dakilang Ama

👩🏼: Uy Jack! Anong balak mo para sa Papa mo? Fathers day ngayon ha!
👩: Hindi ko alam...
👩🏼:Hindi niyo parin ba ma contact ang Papa mo? Halah ka!
👩: Natatakot ako... Natatakot akong baka hindi ko na siya makita... Natatakot akong baka wala na siya... Ayoko! Ayoko...
👩🏼: Shhh! Tahan na! Makikita mo pa siya! Makakapag usap pa kayo. Mababati mo pa siya.

*Umuwi ng bahay ng lutang at malungkot ang dalaga sa kanilang tahanan habang dala-dala ang mga isipin nito tungkol sa kanyang Papa. Nung araw ng graduation kasi nito ay hindi nakarating ito at nabalitaan nilang nawawala at hindi nila ito ma contact. Kaya naman labis ang pag-aalala at mga isipin ang dinadala nila ngayon.

🧓: A-Anak...
👩: Papa? Papa!! Huhuhuhu
👩: Anong nangyari sayo Pa?! Papa!!
🧓: Shhh... Na miss kita anak! M-Miss na Miss..
👩: Miss na miss din kita Papa. Sorry po... Sorry kung nagawa kong hindi ka kamustahin o kausapin man lang ng ilang taon. Patawad pa! Patawad po.
🧓: A-Anak... Patawarin mo din ang papa... Sorry sa lahat a-anak Mahal na mahal ka ni papa.
👩: Sorry po kung hindi ko po kayo inintindi. Sorry po kung hindi ko naintindihan na kaya po kayo nasa malayo para kumayod para saakin. Sorry kung naging ganto ako. Sorry pa! Sorry po.
🧓: Okey na a-anak
👩: Mahal na mahal ko po kayo pa! Mahal na mahal!
🧓: mahal na M-mahal din kita.. A-Anak..
👩: Alam kong hindi pa huli ang lahat. Salamat sa lahat Pa! Happy fathers day papa! Mahal na mahal kita.. Patawad sa lahat.... Patawad...

At doon napuno ng luha at kalungkutan ang buong silid habang akap akap nito sa kanyang bisig ang kanyang ama na payapa at may ngiti na sa kanyang mukha na ngayon ay wala ng buhay....




-WAKAS-



----

Lahat ng ginagawa ng magulang natin. Nang Papa o Mama natin ay para sa ikabubuti at para sa ikakapakinabangan natin iyon. Lagi nating isipin na ang mga sakripisyong ginagawa nila sa atin ay para sa atin dahil ganon nila tayo ka mahal.

Malagiyang araw sa mga haligi ng ating  tahanan💛✨ GOD bless us all😊.  This is a special story for all great fathers!

T R A G E D Y✔️Where stories live. Discover now