Chapter 11

2.9K 62 1
                                    

Nang makarating kami sa mansyon ay tumuloy ako agad sa kwarto ni Grey. Buti nalang tulog na ang parents nila kaya tahimik na. Wala pa rin ako sa mood dahil naiinis ako sa nangyari kanina.

Oo, nagseselos ako. Kahit noon pa nagseselos talaga ako kapag may lumalapit kay Grey pero noon wala akong lakas ng loob na ipahalata yun. Kasabay ng pagbabago ko unti-unti ring nawala ang hiya ko. Kaya siguro nagawa ko yun kanina kasi kumapal na talaga ang mukha ko sa loob ng limang taon. At syempre si Grey parin ang dapat sisisihin dun.

Naramdaman kong nakasunod sa akin si Grey pero di ko sya pinansin agad akong pumasok sa banyo upang maligo. Paglabas ko ay nakita ko si Grey na nakaupo sa kama at mukhang hinihintay ako.

Nilagpasan ko lang sya at kinuha ko ang unan at kumot ko. Nang mapansin yun ni Grey ay agad nitong hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Where are you going love?" Binawi ko ang kamay ko at naglakad palayo. Pinigilan naman niya ako ng malapit na ako sa pinto. Hindi ko pa rin siya iimikin. Akala ba nya ganun lang kadali yun. Tiningnan ko lang sya ng masama at ng mapansing niya hindi ako nagbibiro ay binitiwan naman niya ako. Dire-diretso ako sa kwarto ni Cassy. Namiss ko din katabi ang babaitang iyon

"bff pa sleepover." pacute na sabi ko ng pagbuksan niya ako ng pinto hindi ko na sya pinasagot mabilis akong tumungo sa kama ang prenteng humiga doon.

"Loka ka bff bat mo iniwan si kuya? Magagalit sakin yun eh" 

"Bahala sya. Sawang-sawa nako sa pagmumukha niya kaya dito ako matutulog. Bakit hindi mo ba akong namiss katabi? Nag-asawa kalang nakalimutan mo na ako" hinaluan ko pa ng tampo yung boses ko para mas effective.

"Syempre na-miss kita. Yayayain nga sana kita kanina na tabi tayo kaso kilala ko yun si kuya, masyadong maramot hindi mahilig mangshare."

Mga dalawang oras ang lumipas at hindi parin kami natutulog ni Cassy. Katulad noon nag-usap at nagtawanan lang kami ng parang wala ng bukas. Nagulat kami ng biglang pumasok si Grey doon at nagsalita.

"Siguro naman tapos na ang quality time nyo? Can I now take what is rightfully mine Althea?"

"No. Dito matutulog si Agatha. Lumabas kana nga kuya. Kwarto ko kaya to, basta-basta ka nalang pumapasokng walang paalam."

"Eh ano naman ngayon dati ko pa naman to ginagawa sa inyo ha? Bakit may ginagawa ba kayong dalawa?" Nakita kong bigla nagsmirk si Cassy. Bahala silang dalawa mag-usap total parehas naman ang wavelength ng utak nila.

"yeah. Actually may kachat kaming foreigner yung suitor ni bff sa isla" Hano raw??Kachat? At kelan pako nagkaron ng kachat? nagulat nalang ako ng biglang akong hablutin ni Grey pero hinawakan din ako ni Cassy.

"Hoy mabali yung braso ko ano ba kayong dalawa!" nagreklamo nako. Aba gawin ba naman akong tug of war eh

"Halika na Agatha. Inaantok nako." parang bata na nagmamaktol si Grey.

"Eh di matulog ka." inis na sagot ko. Humiga ulit ako sa kama ni Cassy.

"Hindi ako nakakatulog mag-isa!" tawa lang ng tawa si Cassy habang nakatingin sa kapatid. Humiga narin to sa tabi ko.

"Tumabi ka kay manang." tukoy ko sa isa nilang katiwala. Akala ko ay susuko na ito pero nagulat ako ng bigla itong sumiksik sa pagitan namin  ni Cassy.

"kuya ano ba! Ang sikip na dito ano kaba!"

"Grey umalis kana nga dito" gusto ko ng kalmutin ang gwapo niya mukha kung hindi lang ako nanghinayang.

"No! Kung hindi ka lilipat sa kwarto natin dito din ako matutulog." Inis na inis ako kaya tumayo ako bago pa ako mahulog pero mukhang wrong move iyon dahil tumayo din si Grey maagap na tinakpan ang bibig ko at walang kahirap hirap na binuhat ako palabasa ng kwarto ni Cassy.

Kahit ang pagpupumiglas ko ay walang nagawa. Mabilis kaming nakabalik sa kwarto niya hiniga ako sa kama at saka ako dinaganan. 

"Ano ba Grey!" tinulak-tulak ko siya. Anong akala niya sakin kama?

"Let's sleep." pagod na sabi nito habang ang buong katawan ay nakadagan parin sakin.

"Hindi ako makahinga ng maayos Grey!" Mukhang naalarma ito, agad akong tiningnan pero ang sunod nyang ginawa ay pinagpalit ang posisyon namin. Ako na ngayon ang nakahiga sa matipuno niya katawan habang ang dalawang braso nito ay nakayakap sakin. 

Naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Naramdaman ko pa ng halikan niya ang tuktok ng ulo ko bago nagsalita.

"I'm sorry Agatha. Hindi ko na gagawin yun. May gusto lang akong patunayan kaya ko nagawa yun."

"Ano naman yun?"

"Gusto ko lang malaman kung magseselos ka and true enough you were jealous. Kung alam ko lang na matindi ka pala magselos eh di sana hindi ko nalang ginawa. Now, i've learned my lesson."

"Hoy hindi ako nagseselos noh!"  inangat ko ang mukha ko para magpantay kami

"Nah! Dont you dare deny it. Hindi ko na gagawin yun basta huwag mo na ding uulitin na layasan ulit ako. Gusto ko sana na hayaan kang tumabi kay Althea dahil alam kong namimiss mo na din siya pero hindi ko din natiis. Pwede kayong mag-usap buong umaga pero sakin ka sa gabi" Namula naman ako sa sinabi niya. Kinilig ako dun sa totoo lang ah! 

"Ewan ko sayo Grey! Ako pa ang inaakusahan mo na nagseselos eh ikaw nga dyan pati sa kapatid mo nagseselos ka."

"Kasi matagal na kayong nagsama ni Althea samantalang tayo ngayon palang."

Total naman ay ininis niya ko kanina, hindi naman siguro masama kung gaganti akong ng konti diba. Aasarin ko muna tong lalaki nato.

"Mas gusto kong katabi si Cassy kaysa sayo noh." pinigil kong mapatawa ng makita kong kumunot ang noon niya habang nakatitig sakin. 

"Ah ganun?" si Grey

"Oo, boring mo kasing kasama unlike Cassy kahit magdamag pa kaming gising hindi ako nababagot." Pinagpalit muli ni Grey ang posisyon namin dalawa.

"Hinahamon mo ba ako Agatha? Gusto mo bang ipakita ko sa'yo na hindi ako boring kasama at kahit magdamag pa tayong gising ay hindi ka rin mababagot?" Para namang naging waterfalls ang pawis ko. Hindi ko kasi gusto ang pinapahiwatig ni Grey ngayon. Hinarang ko ang dalawa kong kamay sa dibdib niya.

"Hep! Anong gagawin mo?" Hinawi nya lang ang dalawang kamay ko saka mariin akong hinalikan sa labi

***A/N***

Hello Guys!!!!

Yung BS nila nakaseparate kasi hindi ko keri na isali dito. hehe

Credits to simrkupido - siya ang salarin sa BS natin ngayon! hehe. I hope you are enjoying the story guys! Huwag kayong magalit masiyado kay Grey mabait naman siya pagtulog! Lablab ko na si babaita Lawrence :)

My sister's BestfriendWhere stories live. Discover now