Chapter 19

2.9K 69 0
                                    

Nabitin siya sa halik ni Agatha kaya agad niya kinabig ang batok nito at saka hinalikan. He made sure to taste her sweet lips and he could hear her moan. Maging siya ay hindi na nakapagpigil napahiga na sila sa kamang dalawa.

He kissed her all over the face making sure she would feel his love for her. Nasa kalagitnaan na sila ng ritwal ng bigla tumunog ang cellphone niya. Hindi niya iyon pinansin.

"Answer it Grey baka importante." Marahan siyang tinulak ni Agatha. Pero pinabayaan niya lang ito and claimed her lips once more pero patuloy pa rin ang cellphone sa pag-iingay

"I said aswer it Grey or else you wont get any from me."

"Hayaan mo na iyon love." Malambing na sabi niya sa babae.

"I can't concentrate Grey!" Bakas ang iritasyon sa mukha ni Agatha. He stood up to answer his phone. Sisiguruhin niyang i-off ang cellphone niya kapag kasama si Agatha lalo na sa gabi. When he checked it's his sister, gusto niyang kutungan ang kapatid ngayon din.

"What?!" asik na sagot niya hindi ba nito alam na nasa importanteng kaganapan sila ni Agatha ngayon?

"Where is bff? Kanina pako tumatawag sa kanya?"

"Tulog na si Agatha kaya matulog kana rin." Pero bigla nalang may humablot sa cellphone niya, walang iba kundi si Agatha.

"bff ikaw ba'to? Sorry hindi ko nasagot yung tawag mo." saka ito lumabas sa balcony ng kwarto niya. Ni hindi man lang nito napansin na naiinis siya.

Halos isang oras ng nag-uusap ang dalawa. He hates his sister now kahit kelan ay kaagaw niya ito sa atensyon ng babaeng mahal niya. Bukas na bukas ay pupuntahan niya si Ram at ipapaalam ang kalokohan ng kapatid niya, kay Ram lang naman naniniwala ang babaeng iyon.

Sinilip niya si Agatha sa balcony na panay pa rin ang tawa. Narinig niyang nag-uusap ang dalawa tungkol sa alumni homecoming ng batch ng mga ito noong highschool. Kanina pa siya nanggigigil dahil sa pambibitin sa kanya ng dalawang babae. Umupo siya sa tabi ni Agatha at saka hinalikan ang leeg nito pero hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

"Grey ano ba?!" Siniko siya nito saka binalik ang atensyon kay Cassy. Gusto niyang pilipitin ang leeg ng kapatid niya sa mga oras na yon. Inagaw niya mula sa kamay ni Agatha ang cellphone at saka dinakdakan ang kapatid niya.

"Althea you better sleep now. I'm having my time with my wife at binulabog mo iyon!" tumawa naman ng malakas ang nasa kabilang linya na mukhang sinadya ang ginawa upang asarin siya.

"I told you kuya, hindi ko hahayaan na makalapit ka ulit kay Agatha."

"Whatever. Stop disturbing us or else isusumbong kita sa asawa mo." Pananakot niya dito pero lalo lamang itong tumawa.

"Such a jealous cow." Iyon ang huling sinabi ng kapatid niya bago niya itinapon ang cellphone niya sa ibaba. Wala siyang pakialam kong may matamaan man niyon.

"Why did you do that?" wala na ang ngiti sa labi ni Agatha ng lingunin niya.

"I told you, you can talk to my sister all day pero sakin ka sa gabi." Saka niya nilapitan ang dalaga at saka hinalikan upang matuloy na ang dapat ituloy.

"Anong akala mo sakin call center agent?" Inis na sinipa ni Agatha ng binti niya dahilan upang mapaikyad siya sa sakit. Goodness! The woman is fierce again. Tumuloy ito sa loob saka nahiga at nagtalukubong ng comforter.

"Agatha..." Saka niya hinila ang comforter.

"Bwisit ka Grey kung anu-anong sinasabi mo kay Cassy.Anong wife ha? Mamaya makarating na naman ito sa mga magulang mo lalo pang madagdagan ang problema natin!"

My sister's BestfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora