Chapter 28-The Miss

6.9K 470 42
                                    

I have always thought that there is something more important than fear—courage. It has always been my emblem against the cruelty of life. The only weapon I have been carrying to survive every day— every damn hard day.

I never knew that the mold of bravery I have in my chest isn't sufficient at this moment. That it could melt with intense fear. Danger. Four enemies—one almost an ally—surrounding me like a precious white fawn ready to be killed.

Hindi ko alam kung saang direksyon ako tatakbo. I know Tigrani and Brugour's capability. They're not an easy kill. It's a 50-50 percent chance if I take their direction. Hindi ko rin alam kung ano ang kayang gawin ni Princess Lanuza. She might be even worse.

Lumingon ako kay Lanuza. Nagngingitngit ang mga panga nito sa gigil at halos madurog ang kanyang mga kamao sa sobrang tindi ng pagkakakuyom no'n. She hates me. Obviously, she was faking it the first time we met.

Napatingin ako sa lalaking nakamaskara sa harapan ko. Umigting ang panga nito nang magtama ang aming mga tingin. Sinubukan kong basahin ang reaksyon nito. Ang bawat titig. Pag-igting ng panga. Paggalaw ng mga braso at magkabilang balikat pati na ang mga binti.

His body language is telling me the opposite. He steps back with the tension on his lead foot. His right shoulder leans back as if they're letting me pass and showing me the way to escape. Gusto niya akong tulungang tumakas. What is he doing? What's his reason?

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Mabilis na dumaloy ang enerhiya mula sa gauntlet patungo sa mga paa ko. Wala pang dalawang segundo ay naramdaman ko nang mabilis na tinatahak ng mga paa ko ang direksyon ni Killan.

Wire grasses come past me as I run. I was fast enough to escape, or atleast it's what I thought it was, but Tigrani's hair won't let me make it easier. Mabilis na sumugod patungo sa akin ang mga buhok nito. Tanaw ko sa aking pagtakbo ang tila mga higanteng sawang matulin na gumapang sa lupa para habulin ako.

"You can't escape!"

Dinoble ko ang aking bilis. Nasa likuran ko lang ang buhok ni Tigrani na pursigidong puluputan ako para hindi makatakas. Napansin ko ang paggalaw ng mga damo mula sa kinatatayuan ni Brugour. I can see sparks from where he is standing.

Aatake ito!

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay naramdaman ko ang malakas na pwersa ng kuryente sa ere. Mga bato iyong balot sa kuryente na siyang ginamit niya para pabagsakin ang pangunahing pax towers ng Meridio. Tantiya ko'y dadapo ang higanteng bato ilang metro kung saan ako patungo.

Naramdaman ng katawan ko panganib sa babagsakan ng bato. The electric current that covers the rock itself could strike back once it hits the ground. Kaya yumukod ako para bumwelo paikot at pabalik sa umaapoy na circle of flame na binuo ni Killan. Kumapit ang kaliwang kamay ko sa makapal na damo saka ko pinadausdos ang katawan ko paikot.

Tumakbo ako pabalik sa pinagmulan ko. Ilang segundo lang ay sumabog ang bumagsak na bato sa direksyong dapat sana'y lulusutan ko para tumakas. Muli, naghanap ako ng malulusutan. Walang tigil ang pagtakbo ng aking mga paa habang inoobserbahan ang bawat galaw ng mga kalaban. I feel every joint in my body burning.

"Groar!"

Sinundan ni Brugour ang naunang bato. Mabuti na lang at ramdam ko ang lakas ng pwersa ng kuryente ng mga bato nito kaya alam ko kung saang direksyon tatama ang mga ito. Tumalon ako pakaliwa nang mapansin kong babagsakan ako ng pag-atake ng taong-bato. Sinadya kong taasan ang pagtalon ko para makaiwas sa nakakakuryenteng hibla na nakabalot sa bato.

Lanuza is standing with calmness in her spot at the left corner. Hinihintay siguro nitong makalapit ako at magkaroon siya ng sapat na distansya para sugurin ako. She just needs enough distance, just the distance, because she already has that big reason to kill me.

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Where stories live. Discover now