Chapter 37 -A Single Tear

6.6K 428 86
                                    

I can't move my limbs. My inside is screaming. I want to scream. Loud. So loud!

Sinubukan kong humakbang palapit sa kinaroroonan ni Lady Montay at ang royal army nito. Nagkasalubong ang mga titig namin ng The Miss. She's still the same old bitch who dislikes me. But now, her fondness of disliking me grew bigger. I can sense the way she looks out me how much she wishes my death. Her lips twitch as if staring at me gives her the highest form of anger she has ever felt.

"Bilisan mo! Bago magbago ang isip ko!" muli nitong sigaw.

Hindi ko pa rin maigalaw ang mga binti ko. Ang buong katawan ko. Nagsimula na akong pagpawisan ng malamig dahil sa magkahalong kaba, takot at galit.

"Ready your bows!" sigaw ng isang commander na nasa gawing kanan. Mukhang siya ang pinakamataas ang ranko sa lahat ng high-ranked warriors na nandito ngayon.

If we don't move, the arrows will.

"Maglalakad ka palapit dito o dudurugin ka ng mga pana at sibat na nasa paligid mo?" muling pagbabanta ng babaeng kanina ko pa gustong gilitan sa leeg.

Natigagal ang aking bibig. Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko. Tila may isang malakas na pwersa sa dibdib ko na gustong pigilan ang pagsuko ko. Pakiramdam ko'y kontrolado nito ang buo kong katawan. Muli akong nagtangkang gumalaw at magpatuloy sa paglalakad. Nagawa kong maihakbang ang mga paa ko pero hindi nagtagal ay naramdaman ko uli ang paninigas ng aking mga kalamanan. Something's stopping me.

"Nock!" Isa na namang hudyat mula sa commander ng high-ranked warriors ang sumakop sa buong Meridio.

I hear the sound of strings stretched to the knot of all bows. Silver flashes randomly appears everywhere as spears are raised by some. Energy balls quickly form the mist roaming around the place disappears quickly.

"Mark!"

Dumagundong ang puso ko nang isa-isang tinutok ng mga nakapalibot na kalaban ang mga patalim. Naglaro sa utak ko ang mukha nina Poras at Cali. Katapusan ko na... katapusan ko na.

Lumingon ako sa gawi ni Killan na ngayo'y ilang pulgada lang ang layo sa aking likuran. Nagtama ang aming mga mata. Batid ko ang nais nitong sabihin kahit na walang salitang namutawi sa kanyang bibig.

He wants to change the course of events. For a moment his eyes lock into mine, channeling the message he's supposed to bring. I immediately notice the small flickers of flame on the fingers of his left hand. Then he nods his head as he gives me the beacon to rebel against The Miss and her army.

"Idrish, CHARGE!" His voice is heard all over camp Meridio.

Sinundan din iyon ng isa pang malakas na hudyat mula kay Kenru. "Charge!" he shouts as he moves fast pass our team and Killan. Naramdaman ko ang paghampas ng malakas na hanging dulot ng kapangyarihan nito nang mabilis itong lumipad paharap. "Curse of the wind!" muling sigaw ng lalaki at mabilis na umikot sa paligid ang malakas na pwersa ng hangin. Nilipad nito ang mga tuyong dahon, sanga, damo at buhangin patungo sa mga warriors na nakapalibot sa amin.

Kenru distracts the crowd using his efficient wind skill. Napaatras ang mga kalaban sa lakas ng pwersa ng hanging sumalubong sa kanila. Nagawa pa nitong liparin ang ilan sa mga mandirigmang elven na naroon dahil isa-isang nagsisulputan ang mga ipu-ipo sa paligid.

This is Kenru's power. He is the master of the wind. Nasa harapan ko ito habang nakalutang at hinaharap ang mga kalaban.

"Meteor flame!" Muli kong narinig si Killan na ngayo'y balot na ng malakas na apoy ang buong katawan. Biglang lumitaw sa ere ang mga bola ng apoy na kontrolado ng kanyang mga kamay. Bumwelo ito na parang sumasayaw sa kinatatayuan bago ikinumpas ang mga bisig patungo sa direksyon ng army ni Lady Montay.

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon