Chapter 29 -Feeding Dominus

6.7K 451 78
                                    

Death is an inevitable part of life. I am feeling that my life is short-lived. I am not ready to face death.

Ramdam kong tila hinuhukay na ang aking libingan sa bawat paghakbang ng mga kalaban patungo sa dominus. My soul feels like the word dominus means death and I am about to face it.

I can feel a set of the harsh force around me. My hands are tied behind my back. My feet are taut with the massive amount of Tigrani's hair. I can barely breathe. My legs are swollen. My back aches like hell.

Tila isa akong mabangis na hayop na hinihila sa madamong lupa. Nagkasugat-sugat na ang buo kong katawan. Naramdaman ko ang hapdi nang kusang tumulo ang mga luha ko sa sugatan kong pisngi. Nakapanlulumo marahil ang aking itsura habang tinititigan ako ng apat na kalaban. Nasa unahan ko si Tigrani at ang hindi ko pa rin maaninag na si Brugour habang nasa likuran ko ang tahimik na si Killan at Lanuza.

"Tigrani, m-maybe you should carry her. Dragging her towards the dominus is even harder." Narinig ko ang boses ni Killan na nasa bandang paanan ko. Hindi ko alam kung sinasabi niya iyon para mabawasan ang paghihirap ko o sadyang suhestiyon lang niya para mapadali ang trabaho ni Tigrani.

Suminok si Tigrani bago nagsalita. "Red mask, why do you even care? Bihag ko 'to. My captive, my rules!"

"Grouaarr!"

"She'll be gone in a few minutes. The dominus would want a bloody meal. So let her bleed before death." Nagpanting ang tainga ko sa narinig mula kay Lanuza.

Magsasalita pa sana ako pero napigilan iyon ng hindi mapuknat na kirot sa aking likuran nang muli akong ipadausdos ng babaeng buhok sa mabatong bahagi ng daanan. Pakiramdam ko'y binalatan ako mula ulo hanggang paa at halos maihi ako sa sobrang sakit.

I scream in pain. The soreness grows deeper. It's like a seedling with roots as sharp as knives begin to settle in my flesh, in my bones. Magkahalong iyak at sigaw ang lumalabas sa bibig ko habang ramdam na ramdam ko ang init, hapdi at sakit na nakabalot sa buo kong katawan.

"Tigrani! Just carry her or you'll kill her before we get to the dominus!" Malakas na sigaw ni Killan. Ramdam kong ginagaw niya iyon para mabawasan ang hirap ko. Napansin ko ang mga biyas nitong mabilis na lumapit kay Tigrani na tila susugurin na ang huli kapag hindi ito tumigil sa pagpapahirap sa akin.

"She's lucky the dominus won't eat her dead. Tapos na ako sa kanya. Infact, we're here!" Naalarma ako sa anunsyo ni Tigrani.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad at pag-araro ko sa daanan ay nakarating na kami sa sinasabi nilang dominus. Namamaga ang mukha ko sa tindi ng bugbog na natamo ko. I can barely open my eyes, but I still have vision around.

Tahimik ang paligid. Madilim dahil sa makapal na lilim na galing sa mga matatayog na puno sa kagubatan kung saan kami naroon. amoy na amoy ko ang magkahalong aroma ng mga dahon, damo at ng tila naaagnas na mga bangkay sa 'di kalayuan. Walang ibang tunog na narinig—tanging ang impit na ungol na dulot ng kirot ko sa katawan at ang pabugso-bugso kong paghinga.

I fear death. Most elves would tell not to fear death, but I fear death—for I have not lived. I have not seen Cali's wedding with her dream elf. I have not witnessed Poras' wearing his military armor. I have not found the answers about Killan, the gauntlet, and the season queens.

"Ready to die?" Lumuhod pa si Tigrani para matitigan ako. Nakangisi ito na tila nagtagumpay sa planong dakpin ako at ipakain sa dominus. "Your death means gold, Idrish. I hate to kill you because you are very special, but The Miss would pay me more if I have you dead."

"We better keep moving. Itapon mo na siya sa bunganga ng deep well bago pa tayo maamoy ng dominus at baka tayo pa ang pagpiyestahan dito."

"Oh, that was too fast!" Tigrani pauses for a while checking the others' reaction. She sighs deeply and utters, "Masusunod dark mask." Tugon ni Tigrani kay Lanuza. Kusang kumawala ang mga buhok na nakatali sa katawan ko.

Nakaramdam ako ng pangangalay matapos akong pakawalan ni Tigrani. Hindi ako makagalaw dahil sa sakit. Hindi ko maramdaman ang mga binti ko.

Narinig ko ang paghakbang palayo ng prinsesa na tila tapos na sa misyong iligpit ako. "Red mask, we have to go. Masyadong mapanganib kapag nagtagal pa tayo dito lalo na't duguan na 'yan. Dominus can smell her blood even if she's far from the deep hole."

"O—okay," dinig kong tugon ni Killan. Naglakad ito palapit sa akin hanggang sa masilayan ko ang nakamaskara nitong mukha. Nagulat ako nang masilayan ko ang mga luhang nasa gilid ng kanyang mga mata. His tears fall when he fails to stop them. Mabuti na lang at natatakpan ang mukha nito.

"K—killan." Naghihina kong usal. Uminit ang gilid ng mga mata ko at kumawala ang isang mahinang hagulgol. I feel so helpless. My gut is almost at a surrender. This moment of surrender, I realize it's not when life is almost over but when the actual surrender begins. Sinubukan kong abutin ang braso ng lalaki pero hindi ko maiangat ang mga bisig ko. Naubusan na ako ng lakas.

Killan sniffs the lump in his throat. His jaw tightens to suppress the stress. Nakatingin ito sa nanghihina kong mukha nang maramdaman kong may iniabot itong isang malamig na bagay sa kaliwang kamay ko.

I grunt in pain as I take a grip at the icy object.

"Don't let go," tigagal nitong sabi saka mabilis na lumisan. Tanging likuran nito ang nasilayan ko pagkatapos.

I close my eyes. My hand envelopes the cold object and aim not to let go. Hindi ko alam kung ano ang bagay na 'yon pero wala akong makapang ibang dahilan si Killan para ibigay sa akin 'yon—it might be my saving grace.

Muli kong naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko nang hilain ako patasn ng isang malakas na pwersa. Napapaigting ako nang maramdaman ko ang mga hibla ng kuryente sa katawan ko. Brugour. Bulong ng utak ko nang mapagtanto kong buhat ako nito.

"Groarrr!" Dinig kong ugong ng halimaw na hanggang ngayo'y hindi ko pa rin nakikita ang tunay na itsura.

The invisible monster sways me sidewards. Ramdam kong ibabato na ako nito. Napahigpit ang hawak ko sa malamig na bagay na galing kay Killan.

Ilang saglit lang ay tila umikot ang mundo ko nang ibalibag ako ni Brugour. Humaplos sa sugatan kong katawan ang malamig na hangin.

Cali... Poras... Habang nakalutang sa ere, naglaro sa utak ko ang mukha ng mga kapatid ko.

Then I hear a loud thud against my back. Mukhang nagkandadurog-durog na ang mga buto ko sa tindi ng bugbog na tinamo ng katawan ko.

Tanaw ko na ang bunganga ng malalim na hukay sa lupa. It looks like a black hole has settled there for centuries. I gasp for air and lay still. My entire system is shaking. Chills crawl all over my skin. Blood and sweat feel like poured salt on an open wound. I smell like a wasted fluid of rusty iron.

Unti-unti, naramdaman ko ang mahinang dagundong mula sa hukay. Halos yanigin ang lupa nang mas lumakas ang bawat hampas ng tila mga higanteng paa mula sa balon. Muli kong hinigpitan ang hawak ko sa malamig na bagay bago tuluyang nakaakyat mula sa butas ang sa tingin ko'y tinatawag nilang dominus.

A giant serpent with dark and silver scales, two large ram-like horns and four pairs of smaller horns protruding the fire eyes. The dominus hiss as it circles my body. I begin to tremble like hell. Nanlalamig ang buo kong katawan. Tumitig ang mga mata nito sa mukha ko. Marahang binuksan nito ang bunganga at halos malunod ako nang tumulo sa mukha ko ang mainit, malagkit at masangsang na likido mula sa bibig nito.

I smell the rotten victims in his mouth at nanlimahid ako nang matitigan ko ang bunganga nito. The serpent wheezes and widely opens its mouth. Doon ko napagtantong lalamunin na ako ng buo ng dominus.

I close my eyes. Kasunod no'n ay naramdaman ko ang mainit na bunganga ng serpente sa buo kong katawan. Napaliguan ako ng malagkit at masangsang na likido hanggang sa tuluyan akong lunurin nito.

The serpent takes another gulp. I can hear its insides. I can feel the slimy membranes of the monster. I can feel death...

"Don't let go..."

Muling sumagi sa utak ko ang mga salita ni Killan. Hinigpitan ko ang paghawak sa bagay na bigay nito hanggang sa tuluyang maubos ang hangin sa aking baga.

###

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon