Two

6K 243 33
                                    

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sanang ipagpatuloy ang kwento na ito. Enjoy reading...

BUMABA ang tingin ni Tori sa mga litrato na ibinuhos ni Mask sa lamesa. Bumuka ang bibig niya nang makita kung sino ang nilalaman ni'yun.

Si Fanxieli.

Nagugulohang nag angat siya ng tingin kay Mask na isa-isa nitong tiningnan ang mga litrato.

"He's so beautiful..." anas nito. Wala itong pakialam kung marinig man niya 'yun.

Simple niyang kinuyom ang kamao at mariing pinagdikit ng mga labi niya nang hinalikan ni Mask ang isang litrato ni Fan.

Nasasaktan siya sa ginagawa nito na araw-araw ipinamumukha nito sa kanya kung sino siya at kung ano ang silbi niya sa buhay nito. Pero sa kahit na nasasaktan siya, nagagawa na niya iyong tanggapin ang katotohanan ng pa-unti-unti.

Ano na naman kaya binabalak nito? Ano na naman kaya ang naiisipan nitong gawin matapos siya nitong pakulayan ng buhok.

"He's here, my lord."

Nabaling ang tingin nila sa second in command nito kasama ang hindi kilalang lalaki.

Lumawak ang ngisi ni Mask. "Have a sit." iminuwestra nito ang bakanteng upuan sa lalaki.

"Mr. Sahara, I want you to meet Tori Fugisawa." pagpapakilala nito sa kaniya.

"Nice to meet you, Tori." inilahad nito ang kamay sa kanyang harapan. Pero tiningnan niya si Mask, dahil isa ito sa patakaran nito na walang sino man ang pwedeng humawak sa kanya.

"I hate someone touching what's mine, Mr. Sahara."

Nahihiyang ibinaba nito ang kamay. "Ganoon ba? Pasensya na hindi ko alam. Can we start now?"

Nangunot noo siya. "Para saan ba ito?"

"Oh! I forgot to tell you." kunway sabi ni Mask. "Mr. Sahara is a plastic surgeon."

Plastic surgeon?

Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Mask. Plano ba nitong baguhin ang mukh niya at gayahin ang mukha ni Fan?

"G-gusto mong baguhin ang mukha ko at kopyahin ang mukha ni Fan?"

Ngumisi ito. Kitang kita niya ang kademonyohan sa mga mata nito kahit pa may suot-suot itong maskara.

"Exactly!"

Mabilis siyang umiling. Nagawa ba nitong baguhin ang pagkatao niya, pati ba naman ang itsura niya kailangan pa nitong pakialaman?

"Don't worry, I'm proudly say that I am one of the best surgeon in this country so, you'll be fine." singit ni Mr. Sahara.

"Binago mo na ang buong pagkatao ko, hindi ako papayag na pati ang mukha ni Fan, inagay mo pa sakin!"

Mabilis siyang tumalikod at patakbong pumasok sa loob ng kwarto. Alam niyang magagalit si Mask sa ginawa niya at may kalakip itong parusa, pero wala na siyang pakialam!

Napa pitlag siya nang malakas na sumara ang pinto ng kwarto. Alam niyang si Mask iyon.

"Look at me, Omega." matigas nitong utos sa kanya, pero hindi agad siya kumilos.

"I said look at me!" He exclaimed.

Kuyom ang mga kamao na marahan siyang pumihit paharap dito at sa inaasahan niya ay malakas siya nitong sinampal. Padausdos siyang bumagsak sa ibabaw ng kama sa lakas ng sampal nito.

"Nilalabanan mo na ba ako Tori? Sumagot ka!"

"Patayin mo na lang ako, Mask! Patayin mo na lang ako kung gugustohin mo pang baguhin ang mukha ko!"

Malakas na hinablot ni Mask ang buhok niya at ipihit paharap dito.

"Sinuko ko na ang lahat sa iyo, minahal kita sakabila ng pananakit mo sa akin! Tinanggap ko ang mga parusa at ang katotohanan na hindi ako ang mahal mo kundi si Fan! Hinayaan kitang baguhin ang pagkatao ko dahil ginusto kong maging iyo, d-dahil ginusto kong maging akin ka!

Halos hindi ko na makilala ang pagkatao ko, p-pero hinayaan ko lang dahil kasalanan mo naman ang lahat! Pero ayoko na! Ayoko na! Nagsisisi na ako kung bakit pa kita minahal-"

Isang malakas na suntok sa sikmura ang binigay nito sa kanya. Namilipit siya sa sobrang sakit habang umubo siya ng may kasamang dugo.

"I created you, Tori. Binago ko ang buo mong pagkatao. Binigyan ko ng magandang buhay ang pamilya mo, at pagkatapos ito ang igaganti mo sakin?!" marahas siy nitong muling sinabunutan at iniangat ang ulo niya.

"P-pero anong kapalit? Ito? Ito ba ang pinagyayabang mo?! Sige, saktan mo ako! Hindi ka pa kuntento? P-patayin mo na rin ako!" singhal niya rito.

Galit nitong hinawakan ang mukha niya at idinii ang ulo niya sa kama. Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito, tingin na handa na itong pumatay ng kalaban. Pero iyon ang gusto niyang mangyari, ang mamatay na at ang makapagpahinga.

"Gusto mong makawala mula sakin?" maya'y tanong nito sa mahinahon na boses. "I will give you what you want."

Natigilan siya sa sinabi nito. Papayagan na siya nitong umalis? Pero alam niyang mayroon itong kapalit.

"Pagbibigyan ko ang gusto mo, pero..." tumayo ito at may kinuha sa loob ng drawer ng night stand at ibinigay 'yun sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata ni Tori na tinitigan ang maliit na patalim.

"Gusto kong ikaw mismo ang sumugat sa mukha mo. I want you to put letter X on your face. And you'll free."

Totoo ba ang sinasabi nito? Talaga bang palalayain siya nito? Talaga bang magiging malaya na siya? Pero ang kapalit ni'yun ay ang mukha niya.

"What? You don't want to be free from me? I thought you want?"

"M-may binabalak ka."

Tumawa ito ng pagak. "You really know me, Omega." tumango-tango ito. "Oo, meron." naupo ito sa gilid ng kama at pinakatitigan siya.

"Okay, mawawala ka na rin naman na sa landas ko, sasabihin ko sayo ang dahilan ko kung bakit," Hinaplos nito ang gilid ng mukha niya. "Dahil ang pumatay sa ama ko ay may ekis sa kanyang mukha. Ang dahilan? Ang kapatid mong si Zedrick! Your brother is my Father's omega!"

Nanlaki ang mga mata niya sa ibinunyag nito ngayon sa kanya. Kaya ba gusto nitong sugatan niya ang kanyang mukha para palabasin na siya ang pumatay? Tuso talaga ito, hindi nito hahayaang na basta na lang siyang maging malaya.

Pero wala din namang magbabago kung mananatili siya dito o hindi. Magiging miserable rin ang buhay niya.

Nanginginig ang kamay niya na kinuha ang punyal sa kamay nito kuway itinutok sa kanyang kaliwang sentido at pikit ang mga matang pinagapang ang punyal papunta sa kanan niyang panga.

"Ahh!" daing niya nang humapdi iyon.

Pinilit niyang muling itutok ang punyal sa kabila namang niyang sentido at pikit muli ang mga matang pinagapang iyon papunta sa kaliwa niyang panga.

"Aah!"

Kinuha ni Mask ang punyal mula sa kanyang kamay bago ito tumayo. "You are free now." anito.

Narinig niya ang hakbang nito papunta sa pintuan at ang pagbukas ng pinto. Hindi niya magawang ibuka ang mga mata dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero wala ng sasakit pa sa sunod na sinabi nito.

"Oh, by the way. I'm now taking back my mark. You are no longer my mate."

Trapped (GPS Side Story I)Where stories live. Discover now