Four

5.2K 205 21
                                    

NAPAPIKSI si Tori nang may tumunog ng malakas na bell. Marahan niyang iminulat ang mga mata, pero muli siyang napapikit nang kumirot ang talukap ng mga mata niya dahil sa sugat.

"Kung ako sa iyo, imumulat ko na ang mga mata ko at babangon na ako." sabi ng isang boses kaya napilitan ulit siyang magdilat ng mga mata.

Agad siyang sinalubong ng bughaw na mga mata. Marahan siyang bumangon kuway inilibot ang mga mata sa maliit na kulungang iyon. Muntik na niyang makalimutan na rito pala siya tinapon ni Mask.

Muling bumalik ang tingin niya sa lalaki. Ang itsura nito ay hindi nababagay sa lugar na ito. Mukha itong anghel na binagsak sa lupa.

"Caliber ang pangalan ko. Ikaw? Sino ang dating nagmamay-ari sa iyo bago ka tinapon dito? Saan ka nagmula?" sunod-sunod nitong tanong habang isinusuot ang pang-itaas na damit.

"Tori, Torichiro ang pangalan ko. Si Mask ang dati kong mate at taga Tierra De Lobo ako." mahina niyang sagot.

Tumaas ang kilay nito. "Sa pagkakarinig ko kahapon, tinawag kang X ng isa sa mga bantay. Dati kang mate ni Mask ang leader ng Angels and Demonds? Bakit ka niya pinatapos dito?"

Nagbaba siya ng tingin. "Mahabang istorya."

"Bahala ka. Oo nga pala," muli siyang nag-angat ng tingin kay Caliber. "Kapag narinig mo ang tunog na 'yun, dapat gising ka na bago pa dumating ang mga daga. Kapag naabutan ka pa nilang tulog, paparusahan ka nila. Isa 'yan sa mga patakaran dito. Suotin mo na yan." tinuro nito ng damit na nakatupi sa paanan ng simentong kamang hinihigaan niya.

Kinuha niya 'yun at daling sinuot. Tapos na siyang magpalit nang may dumating na malaking lalaki na punong puno ng tattoo sa katawan.

"Lumabas na kayo dyan at dumiretso sa farm!" anito na binuksan ang gate.

"A-ano 'yung farm?" mahina niyang tanong kay Caliber.

"Makikita mo." anito na naunang lumabas sa kanya.

Napahinto siya sa paglabas nang makita niyang maraming mga katulad niya ang nakakulong din dito. Mayroon din mga beta at iba pa.

"Bilisan mo na." sita sa kanya ni Caliber.

"O-oo." dali-dali siyang sumunod dito.

Pagkatapos ng mahabang tunnel ay kumanan sila at agad silang sinalubong ng malawak na garden. Nanlalaki ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang inilibot ang paningin sa paligid.

Bigla siyang nanghina at napahawak sa kanyang dibdib. "W-wolfsbane..."

Paanong pinanghintulutan ng pamahalaan ang pagtanim ng ipinagbabawal na halaman sa lugar na ito?

"Ang lugar na ito ay saklaw sa gobyerno kaya huwag ka ng magtaka kung paano nagkaroon ng ganitong halaman dito." anas ni Caliber.

Nakakagulat din na hindi man lang ito nanghihina at parang wala ,yung ipekto sa katawan nito.

"Ganyan din ako noong una, nasanay lang." humakbang na ito palapit sa halaman at isa-isang pinitas ang mga bulaklak.

Hirap siyang lumunok. Pinilit niyang ihakbang ang mga nanginginig na kalamnan. Kumuha siya ng basket at tulad din ni Caliber ay pinitas niya ng mga bulaklak. Pero hindi pa man din siya nakakarami at nanghihinang napaluhod siya.

"Hoy, tumayo ka dyan!" sigaw sa kanya ng isa sa mga bantay.

Tinukod niya ang mga kamay sa lupa at pilit na tumayo, pero muli lang din siyang natumba. Hindi kaya ng katawan niya ang bigat ng pakiramdam gawa ng wolfsbane.

"Ayaw mong tumayo ha?" malakas siyng sinipa ng burdadong lalaki sa kanyng tagiliran na ikinadaing niya ng sobra.

"Hindi pwede ang tatamad-tamad dito!" sigaw nito na muli siyang bignigyan ng isa pang sipa na muli niyang ikinadaing.

Nang makaalis na ito, bahagyang naupo si Caliber sa gilid niya at bumulong. "Sa lugar na ito, kung gusto mong mabuhay, magpalakas ka. Kapag mahina ka, talo ka." tumayo na ito at nagpatuloy sa ginagawa.

Ngiwing pinilit niyang bumangon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at paulit-ulit na sinasabi sa kanyang sarili na kailangan niyang maging malakas para mabuhay. Kuyom ang kamaong pinilit niyang tumayo at ipinagpatuloy ang pagpitas sa bulaklak.



NANGHIHINANG ibinagsak ni Tori ang pang-upo sa dekahoy na upuan at agaw ang hiningang tumingala siya. Hinang-hina siya at wala ng lakas na gumalaw pa.

Tubig, gusto niya ng tubig...

"Hindi ka pwedeng kumain o uminom ng tubig kapag wala ka pang natatapos at naipapanalong laban."

Pinilit niyang minulat ang mga mata at bumaling ng tingin kay Caliber.

"Ganito ang buhay dito. Malupit at walang puso ang nasa likod ng shelter na ito. Nag-uumpisa pa lang ang paghihirap mo."

Hindi niya alam kung pagbabanta ba 'yun, pero alam niyang totoo ang sinasabi nito dahil na rin sa mga peklat na nasa katawan at braso nito.

Nawawalan ng lakas na loob na inilibot ni Tori ang mga mata sa paligid. Hanggang kailan ba niya kakayanin ang mabuhay sa lugar na ito? Bukas o sa makalawa, buhay pa kaya siya?

Ipinikit niya ang mga mata at agad na pumasok sa kanyang isipan si Mask. Naiisip kaya siya nito? Inaalala kaya rin siya nito kahit na kaunti? Mapait siyang ngumiti. Siya? Iniisip at inaalala ni Mask? Ito nga ang dahil kung bakit siya nandirito.

Ayaw man niyang aminin, pero namimiss na niya ito. Gustong-gusto na niya itong makita. Hangal na kung hangal, pero mahal pa rin niya ito. Mahal na mahal.

Hindi niya maintindihan ang sarili dahil sa kabila ng mga nagawa nito sa kanya ay hinding-hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya para rito.

Mask... puntahan mo na ako dito, kunin mo ulit ako... miss na miss na kita, gustong gusto na ulit kitang makita.



Hi! Let's be friends on fb. Search Samantha Jabar. Isa lang po ang pakiusap ko, respeto po. 😇 god bless po!

P.s
          May kasunod pang update. Gracias!

Trapped (GPS Side Story I)Where stories live. Discover now