CHAPTER 22

8.6K 257 5
                                    

[Zhate's P. O. V]

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang room ng may maisip ako.

Isang linggo na pala ang lumipas simula nung dinala ko si Vince sa ospital. Usap usapan narin ngayon ang nangyari sakanya.

May nagsasabi na nasaksak siya
May iba ring nagsabi na nabangga siya
Ang iba naman ay alam kong ginawa gawa lang nila para makichismis.

Tsss...

Nang maalala ko ang itsura niya nung mga panahong duguan siya ay hindi ko mapigilang mapaisip. Who would taught na ang isang malakas na lider nang gang na Dark demons ay mapapataob sa isang bala lang.

Pero... He's strong at napatunayan ko yun nung maglaban kami. He can come up with my speed pero masyado pa siyang mahina non, but still.

Aish, why am I even thinking of his face?

Argh!

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad and eventually nakasalubong ang mga kagrupo niya na sina Mark at Ivan. They didn't even look at me. Tsss, mukhang busy sila ah.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad hanggang sa nalagpasan ko na sila.

Nang makarating ako sa room ay nakita ko sina akira na may kinokopya sa blackboard.

"Courtney, wala si ma'am Vic. Nagbilin siya ng kokopyahin natin." sabi ng isa kong kaklase ng makasalubong ko siya papunta sa upuan ko.

Since I'm bored and tired to copy nonsense things, umupo nalang ako at nangalumbaba sa upuan.

Tinignan pa ako ni Akira pero bumalik din sa ginagawa. Tsss, ano na naman ba ang sinusulat niya jan?

Tinignan ko ang sinusulat niya at napairap ako sa kawalan ng makita kong reviewers namin pala yun. Malapit na ang exam and I don't have the will to study. Well, hindi naman na kailangan cause I already know everything. Just kidding, hihe. I'm not Aristotle, you know?

I sigh bago umob–ob sa upuan. Aish, gusto kong matulog...

Ipinikit ko ang mga mata at ready na sana sa pagtulog nang may biglang yumugyog sa balikat ko.

Putangin– can't they fucking see I'm trying to sleep here?!

Padabog akong bumangon at binigyan ng matalim na tingin ang taong nagyugyug sa balikat ko.

Napaatras naman si Steph at nagulat.

"Whoa, easy lang Zhate. I just want to tell you something! Tungkol ito kay Gian." paliwanag niya.

Nagpantig naman ang tenga ko sa narinig.

"What about Gian?" Nagtatakang sabi ko.

Ano na namang gulo ang pinasok niya?

Napabuntong hininga muna si Steph bago sinabi ang nakakapanindig balahibong balita.

"Gian is... out of the country." sabi ni steph at bumuntong hininga ulit.

Tsss, 'yun lang?

'yun lang ang sasabihin niya matapos niyang guluhin ang tulog ko?

'yun lang?!

Mukhang nakita ni Steph ang inis ko kaya nagpaalam na pupunta muna sa canteen.

Pisting babae na 'yan! Aish!

Padabog akong umub-ob sa seat ko at pinikit ang mata. I swear to god, kapag talagang may nanggulo ulit sa tulog ko... I'll strangle them to death.

And, sa wakas, nakatulog narin ako ng walang distorbo.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Where stories live. Discover now