CHAPTER 49

3.6K 138 12
                                    

[Zhate's P. O. V]

"Unnie! May nalaman na ba kayo?"

Yan ang unang bungad na tanong ni Chrystal pagkalabas namin.

Hindi na ako sumagot dahil nagsalita din naman si Elisa.

"Sa ngayon... wala pa kaming nalalaman tungkol sa pagkawala ni Cedric o kung sino ang kumuha sakanya."sabi niya bago napatingin sa akin.

Tinignan ko isa isa ang mga kaibigan ko.

Hindi ako makapaniwala na isa sakanila ang tratraydor sa akin at talikuran ang pagkakaibigan namin.

"Ihhhhh Zhate! Stop that nga! Your so scary kaya."maarteng sabi ni Steph ng mapansin niyang tinitignan ko sila.

Inirapan ko siya at binalewala nalang ang mga titig nila.

"Guys. Shopping tayo. Pampatay sa boring na araw nato."sabi ni Kiel habang tinataas baba ang kilay.

"I'll pass. May date ako ngayon. Hihi."kinikilig na sabi ni Steph habang humahagikik.

Binigyan naman siya ng nandidiring mukha ni Kiel.

"Isshhhh! Di kaya ikaw tinatanong ko! Im talking to them bitch!"mataray naman na sabi ni Kiel.

Hays eto na naman.

Magsisimula na naman silang mag away.

Kaya bago paman sila magsabunutan ay pumagitna na ako sakanila.

"Stop! Don't fight here. Kung gusto niyong mag away ay dun kayo sa arena! Not here! Not in front of me!"mahinang sigaw ko sakanilang dalawa.

Yumuko naman silang dalawa at nagturuan.

"Yan. Ikaw kasi! So maarte."inis na bulong ni Steph kay Kiel.

"Anong ako? And don't call me maarte ha!"inis na bulong naman pabalik ni Kiel kay Steph.

Napabuntong hininga ako bago tumalikod at naglakad palabas ng torture room.

Mas mabuti pang lumabas nalang ako kaysa tumunganga dun at panoorin ang pagbabangayan nila.

Marami na akomg prinoproblema kaya ayoko nang dagdagan pa ang problema ko. Baka sumakit na naman ang ulo ko pagnagkataon.

Hinilot ko ang sentido ko at tumungo sa elevator para bumaba papuntang arena ng GW.

Ang alam ko ay may laban na nagaganap ngayon kaya manonood muna ako. At saka may dalawang oras pa namang natitira bago ako puMMKunta sa lugar na yun.

Naisipan kong manood muna ng laban dahil hindi ko nakakayanan ang nangyayari ngayon. I need to loose up.

Kahit sandali lang ay gusto kong sumaya. And fighting somewhat make me happy.

...TIINGGGG!!

Napatingala ako ng marinig ko iyon. Lumabas na ako ng bumukas na ang elevator.

Sinalubong ako ng naghihiyawang tao.

Bumababa ako ng hagdan habang nakapamulsa. Iniwan ko muna kay Elisa ang Black suit na nakita ko.

Tumahimik ang ilang tao na nadadaanan ko habang bumababa ako sa hagdan.
Ng makakita ako ng area na walang umuokupa ay dun ako umupo.

Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin at deretso lang ang tingin ko sa dalawang grupo na naglalaban sa gitna ng arena.

Napakunot ang noo ko ng mamukhaan ko ang grupo na naglalaban sa arena.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Where stories live. Discover now