Chapter 6

1.7K 84 5
                                    

Stephanie's POV

"Uy girl. Bakit hindi ka pumunta sa bahay namin kahapon? Tsaka hindi mo rin sinasagot ang phone mo. Nakakatampo ka na ha. Linalayuan mo na ba ako? Sabihin mo lang ku--"

Hindi ko na pinatapos si Julia sa sinasabi niya. Ano na naman ang nakain nito at pumasok sa isip niya na linalayuan ko siya?

"Hindi kita nilalayuan. Grounded kasi ako. Tsaka naconfiscate din ng tita ko ang phone ko. Kaya ayun!" Paliwanag ko.

"Mga ilang araw girl?" Tanong niya saka nagpangalumbaba.

"One week," malungkot na tugon ko.

"Okay lang yan. One week lang pa---ANO?!"

Tumango-tango lang ako. Ganyan talaga 'yang si Julia. Kahit dalawang araw nga na hindi ako pupunta sa bahay nila, hindi niya kaya. One week pa kaya?

"Eh bakit?!" Mangiyak-ngiyak na tanong niya.

"Eh? Basta," sabi ko sabay kamot sa ulo ko at napanguso.

"Uy may nabalitaan ako ha," biglang sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Grabe 'tong babaeng ito, oo. Ang bilis magpalit ng mood. "Hmm ikaw ha! Hindi mo manlang sinabi sa akin. Kayo na pala ni JK! Nakakatampo ka na talaga," Sabi pa niya at sinundot-sundot ako sa tagiliran. Lumalayo-layo naman ako sa mga sundot niya nang biglang magsink-in sa utak ko ang sinabi niya.

"ANO?!" Napataas ang boses ko dahil sa gulat. "E paanong magiging kami ng mayabang na iyon?"

"E may nagkalat kasi dito sa buong campus na picture nyong dalawa ni JK. Kaya naisip ko na kayo na,"

Napahinga ako nang maluwag  Hay salamat. Siya lang pala nakaisip nun. Akala ko nagkalat na sa buomg campus na kami ni---ANO?! Totoo ba ang narinig ko na picture naming dalawa ni JK? Ano na namang kabaliwan ang ginawa ng mga tao dito sa WA? Kainis!

JK's POV

"Sino ang baliw na nagpakalat sa picture na ito?" sigaw ko sa stage nang matapos ang flag ceremony.

Lahat sila nagtinginan. Mukhang ayaw talaga nilang umamin ha.

"Kung sino man iyong taong iyon. Malalagot sya sa akin," pagbabanta ko at bumababa na ako sa stage. Nakakapikon na ang mga tao dito sa WA.

***

"Naku! Ano yun, ginawa niya lang rebound si Stephanie? Hay, nakaka-haggardo girls!"

"Bakit ang chararat na iyon pa ang napili ni JK? Bakit hindi na lang ako? Mas pretty naman ako diba?"

"Uy kapal rin ng chakanes mong mukha bakla! Sa tingin mo maguhustun ka ni JK? Asa ka flappy bird!"

"Whatever! If I know jelly ka lang! Huwag ka ngang Bitter Ocampo diyan,"

Narinig kong pinag-uusapan ng mga malalanding bakla na nasa tabi lang namin.

"Hoy kayong mga bakla kayo! Itigil niyo nga ang usapan niyong iyan! Kung hindi ibabato ko ang mangkok na ito sa mga pagmumukha niyo!" pananakot ko sa kanila.

"Gora na mga bakla!" sabi ng isang bakla.

"I love you JK! Mwah!" sabi naman ng isa pa at nagflying kiss pa saka tumakbo na sila papalayo.

"Naku p're. Lakas talaga ng tama ng mga baklang iyon sa'yo." sabi ni Gab.

Oo nga pala. Nandito na kami sa cafeteria. Lunch break na namin. Kasama ko nga pala si Gab, Drake at Rocky.

"Huh? Sa tingin nyo papatulan ko mga impaktang mga iyon?" Inis na sabi ko. Tumawa lang sila. "Sino ba kasi nagpakalat ng picture na ito?" Reklamo ko nang maalala ko na naman ang nagkalat na picture namin ng Stephanie na iyon. "Kayo ba?" itinuro ko silang tatlo.

"Hindi ah!" tanggi ni Drake.

"You know what JK, kung makaalala ka. . . OA!" sabi ni naman Rocky. "It only means that you care." dagdag niya sabay haplos sa balikat ko.

"Binatawan mo nga ako. Ayan ka na naman sa kabaklaan mo. Lumalabas na naman! Sumama ka nga sa mga baklang iyon. Tigas-tigas ng pangalan mo tapos lalambot-lambot ka?!" Iritableng sabi ko.

Oo, bakla si Rocky. Hindi naman ang baklang bakla talaga. Minsan straight siya, tapos biglang lumalambot. Ganun, yung hindi talaga bakla. Medyo lang, 20% ganun. Ugh! Bakit ba siya ang pinag-uusapan natin?

"May point si Karlos!" Pagsang-ayon ni Gab nagtawanan lang ulit sila.

"Ang sakit niyo namang magsalita!" Sabi naman ni Rocky at napahawak sa dibdib niya na kunwari ay nasasaktan. Nagtawanan ulit sila at tinap ni Drake ang balikat ni Rocky.

"Okay lang 'yan p're. Truth hurts,"

***

Ring! Ring!

Sa wakas! Tumunog na rin ang bell.

"Stephanie mag-usap nga tayo!" Sigaw ko kay Stephanie at napahinto naman siya sa paglalakad palabas.

"Ano namang pag-uusapan natin ha?" Tanong niya at tinaasan aki ng kilay at nagcross arms pa.

"Basta sumunod ka nalang," sabi ko. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso niya saka dinala siya sa cafeteria.

"Ikaw ba nagkalat ng picture natin?" Panimula ko, pagkaupong-pakaupo namin.

"Namaya na nga muna 'yan. Tutal nandito na tayo sa cafeteria at gutom na ako, bibili muna ako ng pagkain," sabi niya at tumayo na saka umorder ng pagkain.

Pagkabalik niya ay binigay niya sa akin ang pagkain na inorder niya para sa'kin at tinanong ko uliy siya.

"So? Ikaw ba nagkalat?"

"Hindi ah. Bakit ko naman gagawin? Nagiisip ka ba? Malalagot ako kay Amanda. Diba girlfriend mo sya?" Depensa niya.

Natigilan naman ako sa sinabi niya at nalukot ang mukha ko. Tsk, girlfriend? E hiniwalayan niya nga ako at kailangan ko siyang maibalik.

"Hindi na. Break na kami. Gusto ko ngang magkabalikan kami eh. Tapos nagngyari pa ito." Sabi ko at nagpangalumbaba.

"Ah. Nakakalungkot naman" sabi niya at napanguso.

"Eh bakit ba siya ang topic natin?" Sabi ko. Ang drama niya e. Kung saan pa mapunta ang usapan at ma-off topic kami. "Oo nga pala. Nasaan ang damit ko?" Tanong ko kaagad nang maalala ko 'yong damit ko na nalawayan niya.

Hindi siya sumagot at kumain lang nang kumain na para bang wala akong tinanong.

"Uy! 'Yong damit ko nasaan na?" inulit ko ang tanong ko kanina.

"Ah. . . E," napakamot siya sa batok niya na mukhang nag-aalangang sabihin sa akin kung nasaan. "Na kay Amanda." Pagpapatuloy niya.

Napapikit nalang ako dahil sa inis.

"Bakit mo ibinigay sa kanya?" Inis na sabi ko.

"Eh kinuha niya eh. Gift nya daw sa'yo iyon noon,"

"Ayun na nga ang point eh. Gift niya sa akin iyon. Iyon na nga lang ang natitirang gamit na ibinigay ni Amanda," Galit na talaga ako.

"E kasalanan mo rin naman e. Kung hindi mo sa akin ibinigay ang damit mo, edi sana nasa sa iyo pa iyon. Nakakabadtrip ka. Hindi kita maintindihan. Diyan ka na nga!" sabi niya at tumayo na saka naglakad papalayo.

Ayun nga mag-isa na lang ako dito, iniwan niya ako e.

Bakit kailangang maging ganito anh araw ko?!

-------

Thanks for giving this story a try. :)

Book 2 is now posted here on wattpad check it on my works Just A Deal 2: In Love Again

Try also to read my other stories.

Fanction(s):

1. Upside-down (Juan Karlos Labajo Fanfiction)
2. Expect The Unexpected (Juan Karlos Labajo Fanfiction)
3. Twisted Love (Juan Karlos and Darren Espanto Fanfiction)
4. Mr. Sungit (Darren Espanto Fanfiction)

Teen Fiction(s):

5. Best Of Friends

One-Shot(s):

6. Walking In The Rain

Just A Deal (Juan Karlos Labajo and Darren Espanto Fanfiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now