Chapter 10: Where It All Started

1.8K 65 6
                                    

JK's POV

"Can you give me another chance?" I pleaded. Nagmumukha na akong desperado sa ginagawa ko, pero wala akong pakialam.

"Sorry JK. But we're done. Ayokong masaktan pa ulit at ma-OP sa puso mo." Sagot ni Amanda saka naglakad palayo.

Napayuko nalang ako. Pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko noong kami pa ni Amanda. Palagi ko syang iniiwan. Halos once a month lang kami mag-date at kapag monthsary lang namin. Ugh! Hindi ko kasi pinahalagahan ang relationship namin. Hanggang ngayon mahal ko pa rin sya kahit isang buwan na kaming break.

Pride at ego ko na ang inapakan niya. Pero hindi ko na iyon inisio dahil ang gusto ko lang ay makapagbalikan kami.

Ayan na naman ang malungkot symphonies. Naririnig ko na naman. Mas lalo pa akong nalungkot.

Habang nandito ako nag-e-emote biglang may humila sa akin.

"Uy saan tayo pupunta?" tinanong ko habang kinakaladkad ako ni Drake.

"Basta sumunod ka nalang!" sagot nya.

Sumunod nalang din ako.

Papasok na kami sa isang kwarto. Nag-aabang sina Gab at Rocky.

"Uh. Bakit anong meron?" napataas kilay ako saka kinamot ang ulo ko. Ngumisi naman si Gab.

"Gusto ka lang naming tulungan." pagpapaliwanag ni Gab. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Tulong?

"Tulungan para saan?" nag-cross arm ako.

"Diba gusto mong magkabalikan kayo ni Amanda?" Tanong ni Gab at tumango lang ako. "Tutulungan ka namin dyan," nakangising sabi niya.

"At paano niyo naman gagawin iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Basta sundin mo lang ang ipapagawa namin sa'yo." Kinikilabutan ako sa ma ngiti niya. Kakaiba kasi e.

Naupo muna kami sa sahig saka pinag-usapan ang gagawin namin.

"Ganito iyon." explain ni Drake. "Liligawan mo si Stephanie. . ."

Tumango lang ako--"Ano?! napataas ang boses ko dahil sa gulat.

Tama ba ang narinig ko? Liligawan ko si Stephanie. Anong kagaguhan ito?

"Liligawan ko si Stephanie?" Kinikilabutan na tanong ko.

"Oo," sagot ni Drake at tumango lang ang dalawa.

"Eh bakit sya? Dami namang babae dyan," iritableng sabi ko. Asar naman kasi, bakit si Stephanie pa?

"Eh siya lang naman ang babaeng pinagti-tripan natin." Wika ni Rocky.

"Saka gusto mo ba talagang magkabalikan kayo ni Amanda?" Saad ni Gab.

"Gusto. Pero bakit si Stephanie pa?" Tanong ko.

"Gusto mo naman pala eh. Kaya sumunod ka nalang. Saka napagplanuhan na namin ang lahat kaya huwag kang mag-aalala. Wala ka bang tiwala sa amin?" Medyo napa-isip naman ako sa sinabi ni Gab. Kaibigan ko naman sila at napagkakatiwalaan ko. Siguro naman hindi nila ako ilalaglag.

"Oh sige sige! Basta siguraduhin nyong hindi sasablay ang plano nyo," pagpayag ko.

"Oo. Basta magtiwala ka lang," nakangising sabi ni Gab.

"Liligawan mo si Stephanie, hanggang sa mahulog siya sa'yo. At kapag dumating ang oras na sinagot ka na niya, saka mo siya ibe-break. Kapag nagawa mo 'yon nang maayos, tutulungan ka namin na magkabalikan kayo ni Amanda," pagpapaliwanag ni Gab sa plano.

Just A Deal (Juan Karlos Labajo and Darren Espanto Fanfiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now