Paalam

37 12 1
                                    


Dumapo ang aking tingin sa isang binata,
May taglay siyang kakisigan,
Mapupungay ang mata,
At higit sa lahat ang biglang pagtibok ng aking puso.

Mahal kita yan ang salitang aking binigkas,
Mahal din kita yan ang iyong  naging tugon,
Magkasamang humarap sa altar,
Pinangako na habang buhay magsasama.

Akala ko ay perpekto ang lahat,
Ngunit, sa isang iglap ika'y bumitaw,
Napako ang mga pangako,
Pangako mo na mamahalin mo ako hanggang dulo.

Ano ang nangyari?
Bakit ka bumitaw?
Tamis ng ating pag-iibigan,
Sa alaala na lang makikita.

Oh, ka'y lupit ng tadhana,
Tamis ng samahan,
Biglang tumamlay,
Hanggang dito na lang ba?

Pinagtagpo, pero 'di tinadhana,
Mga salitang hindi ko matanggap,
Hanggang alaala na lang ba?
Hanggang dito na nga lang ba?

Mahal, tandaan mo,
Pag-iibig ko'y 'di magbabago,
'Pagkat sa puso ko,
Ikaw ang sinisigaw,
Ngunit, sabi nga nila lahat ng storya ay may wakas,
At ang kwento natin ay dito na magwawakas,
Paalam, aking mahal.


Jangmi
-RoseCinderellanne

TulaWhere stories live. Discover now