Anong pakiramdam ng umaasa

27 11 0
                                    

Umaasa, salitang aking laging naririnig,
Ano nga ba ang salitang ito?
Bakit labis na lang ako'y masaktan?
Ngayon, alam ko na ang sagot.

Umaasa, ako'y isang taong umaasa sa wala,
Masakit man ngunit titiisin,
Dahil ako'y simpleng tao na nagmamahal,
Nagmamahal sa taong may mahal na iba.

Masasabi bang ako'y mali?,
Kung magmahal lang ang ginawa,
Tama pa ba ang umasa?,
Umasa sa taong hindi ko maaabot.

Lubhang ka'y sakit nga naman ang umasa,
Ngunit masasabi ko rin na kay sarap,
Kay sarap magmahal,
Kay sarap magmahal kahit walang pag-asa.



Jangmi
-RoseCinderellanne


TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon