Kalayaan

59 10 0
                                    

Paano ba ang lumaya?
Lumaya sa nakaraang hindi ko nalimutan,
Puno nga ng saya,
Puno rin naman ng sakit.

Gugustuhin ko nga bang lumaya sa nakaraan?
Sa nakaraan kung saan ako nabuhay,
Nabuhay na masaya at,
Natutong lumaban.

Tama, ang iyong nabasa,
Nais ko ang makalaya,
Makalaya sa nakaraan,
Kung saan ako nabuo at binasag.

Kalayaan, ang sigaw ng aking puso,
Nais kong lumipad,
Bitbit ang ngiti sa aking labi,
Kasabay ang pagsigaw ng mga katagang “Ako'y Malaya”.

TulaWhere stories live. Discover now