18th Fall

693 21 0
                                    

Kilig na para sa'yo






After that moment sa dugout nila ay nandito na kami sa isang kainan malapit sa arena. Nagpaiwan si Deanna sa mga kasama after their game. Nakipagkamustahan din naman ako sa ibang ALE lalo na kay Dani. She wanted to eat with us pa nga pero nakapag-promise sya sa parents nya for dinner.








Ngayon naman ay nakahalukipkip si Deanna sa dalawang taong kaharap namin sa table. Yet Maddie and Bea are starting to enjoy their food being served on our table.





"Deans.. kain na." bulong ko naman sa kanya.





Nang nilingon nya ako ay nakasimangot ito. Natatawa na lang akong umiling sa kanya. Paano kasi.. she thought daw na kaming dalawa lang. Kaso ayaw pumayag nung dalawa dahil sila naman daw talaga ang kasama ko. Wala rin naman syang nagawa.





"This is your treat, ha? You won't be that aggressive on the last set kung hindi namin dinala si--"






"Yeah, ate Bei." sagot agad ni Deanna na ikinatuwa ng dalawa.






Puno mg kwentuhan at kamustahan ang nangyari sa buong dinner namin. Lalo naman ang asaran. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga pa kami sandali.







"Oh. Sht." biglang bulong ni Maddie habang nakatutok ang atensyon nya sa phone nya.






"Bakit, Madz?" tanong ko naman. Para kasing bigla syang kinabahan.






"Emergency. Z texted me kasi.." tapos nilingon nya si Bea. "Bei, I need to go. Dmn. Hatid mo 'ko!"







Itinuro naman nya bahagya ang sarili nya. Kita ko ang alinlangan sa mga mata nya nang lingunin ako. "How about, Ysa? Lagot--"







"No. No. It's okay! Really! Ihatid mo na si Maddie. I have my car naman. Uuwi rin ako agad.." sabi ko naman kay Bea pero parang ayaw pa nya.






Tumayo na ako at saka inaya na sila palabas ng kainan. "It's fine, Bea, really. Hatid mo na si Madz. I will be fine. Magdadrive din ako ng safe pauwi. I will call Sisi pa if you want.." kumbinsi ko.







Nakikita ko kasi kung paano hanggang ngayong nag-aalala pa rin si Maddie. It's like she's gonna shed tears any moment. Naglakad kami papuntang parking lot.






"Pagkahatid ko kay Deanna, I will drive back home na din naman. Please, drive safe, Bea? And ikaw na bahala kay Maddie."






Tumango na lang din naman sya. Alam naman nilang kapag ako na nagsabi ay hindi na sila makakapag-argue pa sa akin. Tatahimik na lang sila at tatango. And that's what I'm wondering about up to now. Para bang napakalaki ng impact sa kanila lahat ng sasabihin ko.






"Thanks, Maddie. For the ticket and for taking care of me. Sisi will be proud." pagbibiro ko naman sa kanya.






She tapped my head and smiled. "May next game pa. Will make sure give you more another ticket and be your prior commitment again." tapos natatawa syang bumaling kay Deanna na nasa tabi ko.






"I will invite her now na in advance, ate Madz." sipat naman ng katabi ko. Ayaw talagang patalo, e.







"Ha! Best friends na kaming tatlo nila Bea. Mas matimbang pa rin ang dalawa sa isa. Bye, Wong!" pang-aasar pa nito. She turned to me and gave me a hug bago pumasok sa sasakyan ni Bea.






One's Greatest FallWhere stories live. Discover now