52nd Fall

716 24 13
                                    

No Straight, baby







Seryoso ko lang na tinititigan ang dalawang taong nasa harap ko. Samantalang si Maddie sa tabi ko ay tila nagugustuhan ang reaksyon ko.




"Hulaan ko kung bakit ganyan yang lukot ng mukha mo."




"Stop it, Maddie. I am not in the mood for anything."




Tinawanan na lang nya ako sabay abot ng inumin sa akin. Diniretso ko iyon.




"Tangi. Stop that.."




Ggo ka ba, Beatriz? Eh kung isaboy ko kaya 'tong beer sayo na hawak ko?




"Don't make me stop, Bea." plain ko lang na sagot tapos inubos ko na.




"Isa pa ba, Ysabel?" Maddie asked me pero nakatawag na sya ng waiter at nag-order na.




"Maddie, wag mo ng bigyan si Jamie." pagpipigil ni Bea sa katabi ko.




"Yeah. Nakakarami na din si Ysa, Madz. Umiinom din si Bei, baka wala ng makapagdrive ng matino sa dalawa." si Jho.




Gustong-gusto ko ng irapan si Bea. Bakit? Eh, sht lang! Ako yung girlfriend, 'di ba? So, dapat ako yung katabi nya at hindi si Jho! Ako yung girlfriend, 'di ba? Kaya dapat ako yung inaakbayan ni Beatriz at hindi si Jho!




Pigilan nyo ko! Dahil kanina ko pa gustong magbasag ng baso sa harap nila. Ginagawa ba nila akong joke?!




Nakita ko naman kung paano ngumisi si Jho sa akin bago tumingin kay Maddie.




"Madz, nandyan na sa labas yung sundo ko. Mauuna na ako.."




"Ang aga pa, Jho. Wala pa ngang--"



"Hatid na kita sa labas, Jho." si Bea.





Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya bigla na lang akong tumayo sa harap nila. Saktong dumating yung order ni Maddie kaya inisahang inom ko iyon at saka padabog na ibinagsak ang baso sa mesa.




Gulat na gulat si Bea, eh. Dapat lang! Nagagalit ako, eh! But Maddie and Jho suddenly laughed like I was really a big joke on them!




"See that, Jho?" natatawa pang tanong ni Maddie.



Tumango-tango naman si Jho tapos tumayo na. "Okay na. Nakita ko na. Pwede na akong umuwi, Madz." tumatawa pa rin ito habang nagpupunas na ng luha.



"Si Nico ba yung sundo mo?" tanong naman ni Maddie.




Hindi ko na narinig yung sagot ni Jho dahil bigla na lang akong hinila ni Bea palabas ng Icon. Pilit ko namang tinanggal iyong hawak nya sa akin.




"Bitaw, De Leon!"




Huminto sya sa paghila sa akin nang makarating kami sa parking area.




"Paano kung ayokong bumitaw?" seryoso nyang tanong sa akin.



Napalunok naman ako. Ang sinasabi ko lang naman.. bitawan nya yung kamay ko kasi kaya ko namang maglakad mag-isa ng hindi nya ako hinihila!





"Tell me, Jamie. What if I don't want to let go?"





Huminga ako ng malalim. "Bea, ayoko sa ganitong pakiramdam. I already told you, 'di ba? Hindi mo magugustuhan kapag ako na yung nagselos. Lahat nagiging irrational sa akin!"





One's Greatest FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora