Chapter 2:

5.7K 275 32
                                    


Sa maliit na lupain kung saan ang angkan ng mga Grego ay simpleng namumuhay kasa-sama ang mga mahal nila sa buhay. Sa angkang ito ay nabibilang si Van Grego, isang batang napakatalentado noon ngunit ngayon ay naging isang katawa-tawa sa kanilang angkan maging ang kanilang mga karatig na angkan.
May itim siyang buhok na pinaparisan ng kanyang napaka-itim na mapupungay na pares ng mata at mala-rosas na kulay ng labi.
Kabilang siya sa isang maliit na angkan na namumuhay ayon sa lakas at kapangyarihan din ang basehan ng lahat.

Naalala niyang yan ang tinuro sa kanila noon at hanggang ngayon ay patuloy pa rin na tumatak Iyon ang ang maging malakas na Martial Experts sa hinaharap
Ngayon ay hanggang pangarap na lamang ito lalo pa't imposible ng maibalik at ipagpatuloy ang Cultivation niya.
Nagkaroon ng anomalya sa kanyang dantian na matatagpuan sa bandang pusod niya. Hindi niya man matanggap pero ganon talaga. Naapektuhan ang dantian ng mga impurities na bumara ng bumara kaya't hirap na hirap hanggang ngayon. Parang wala ng pag-asa na lumakas o maging malakas sa hinaharap.

Noon ay maraming sumusuporta sa kanya. Naging talentadong cultivator siya noon. Halos lahat ay kaibigan niya sa angkan at sa ibang mga angkan. Pero simula noong nakaraang dalawang taon ng nawala na ang pinagmamalaking Cultivation niya ay maraming tao lalo na ang kaniyang mga kaibigan ang iniwan siya.
Halos lahat ng mga taong kanyang itinuring na importante sa kanya ay nawalan ng interes sa kanya. Nakatanggap siya ng pang-iinsulto sa lahat lalo na ang sarili niyang angkan ay tinuring na siyang pasanin, pabigat, at halos itakwil na siya.

Mabuti na lamang at mayroon siyang mapag-arugang ina. Nag-iisa lang siyang anak kaya lahat ng atensyon ay nasa kanya pero lahat ng iyon ay nawala dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kanyang Cultivation.
Lahat ng mga pinaghirapan niya sa pagku- cultivate ay tumigil lang hanggang 6- stage bronze rank. Labing- isa na siya ngayon at naging kahihiyan ito lalo pa't nalampasan na siya ng iba pero siya ay nanatili sa kalunos-lunos na kalagayan ng lebel na ito. Dahil sa pangyayaring sa kanyang buhay noong nakaraang dalawang taon ay naging tampulan siya ng tukso pero dahol dito ay mas naging mature ang kanyang pag-iisip.
Hindi man tumaas ang kanyang lakas sa pisikal, mas lumakas naman ang kanyang pag-unawa. Ipinapasa-diyos nalang ito.

Kasalukuyan naglalakad si Van sa isang masukal na gubat. Inutusan kasi siya ng magaling niyang ama na manguha ng panggatong. Kahit alam niyang delikadong parte ito ng gubat.
Ito ang pinaka-iniiwasan ng lahat lalo na't madaming pagala-galang mababangis na hayop dito. Alam niyang plano ito ng kanyang ama ngunit sinunod niya pa rin ito.
Hindi ito alam ng kaniyang ina sapagkat maaga pang pumunta nag kanyang ina upang mamalengke na naging magandang tiyempo ito sa masamang plano ng kanyang ama na alam niyang sinang-ayunan rin ng lahat ng may katungkulan sa angkan nila.

Madaming pa silang imbak ng mga kahoy sa bahay nila at ang kahit alam niyang plano na ng kanyang ama na ipakain siya sa mga mababangis na hayop dito. Masakit man isipin pero sinunod niya pa din.
Hindi niya alam kung bakit napakalupit ng tadhana. Ipinapamukha talaga sa kanya ng kanyang ama na wala siyang silbi noong dalawang taon pa at nasanay na siya sa dalawang taong pamamalagi niya sa lupain ng kanyang angkan na puno ng paghihinagpis at kalungkutan.
Madami na siyang natanggap na masasakit na salita at mga pisikal na sakit. Halos manhid na siya. Mistulang normal na iyon sa kanya. Dahil doon mas naging bukas ang kanyang isip. Minulat siya sa kasamaan ng tao. Walang pinipili basta wala ka ng silbi, wala ka ng puwang sa loob at labas man ng lupaing ito.

Makikita mo nalang ang sarili niyang natatawa, malulungkot at naluluha nalang sa kalunos-lunos na kapalarang naghihintay sa kanya. Hindi madaling mabuhay lalo pa't sila pa mismong mga kadugo't kaangkan niya ang magdadala sa kanya sa mapait na kamatayan.
Dahil sa kakaisip niya ng mga bagay-bagay ay tumulo na lamang ang mga patak ng luha sa kanyang pisngi na unti-unting lumulusaw sa mapait niyang dinadanas ngayon. Nang tumahan na siya ay unti-unti niyang tiningnan ang kapaligiran, agad siyang kinabahan dahil naliligaw na pala siya. Hindi niya na alam kung saan na siya.

Walang kasiguraduhan kung makakabalik pa siya sa bahay nila o sa lupain nila.Alam niyang tuwang- tuwa ang kaniyang mga angkan at lalong- lalo na ang kaniyang ama dahil wala ng palamunin sa bahay nila. Ayaw ko mang isipin pero aaw niyang mawalay sa nanay niya. Hindi man niya pwedeng piliing mamatay nalang a masukal na gubat na ito. Magdadapit-hapon na ngayon kaya halos mag-agaw dilim na ngayon.
Napakadelikado pa naman kung mananatili pa siya dito dahil maraming mababangis na mga Martial Beast ang nandito sa kasukalang gubat na ito. Hindi siya pwedeng mamatay nalang. Pero alam niyang wala na siyang babalikan. Lalo lang magiging malala ang sitwasyon kung patuloy pa siyang mananatili dito.

Napadesisyunan niyang humanap ng lugar dito sa gubat kung saan pwedeng manatili muna pansamantala. Pinipilit niyang iwaksi lahat ng takot niya. Alam niyang magiging kataw- tawa lang siya sa mga taong patuloy siyang inaalipusta. Ayaw niya man pero nararapat lamang na lumayo siya sa mapanghamak na lugar.

Patuloy siya sa paglalakad kahit na nakakapagod ang walang pahingang paglalakad at pagsuri sa kapaligiran. Alam naman niyang nasa bingit na ng kamatayan ang buhay niya.
Kaya mas binilisan niya. Kahit na mamamatay siya sa lugar na ito, pipilitin niya pa ring lumaban kahit na sa una palang ay talo na siya.

DEFYING THE GATE OF RULES: DOWNFALL OF ROYAL CLANS [VOLUME 1] #Wattys2023حيث تعيش القصص. اكتشف الآن