Chapter 14

2.8K 170 2
                                    

Sa pag-usbong ng talino at kamalayan ng Sphere ay sinigurado niyang hindi siya masusundan ni Van Grego upang maging ligtas ito at naisip nitong sa nagkakapalang mga ulap na lamang maglakbay upang hindi makaagaw ng atensyon.

Mabilis itong naglakbay at tinago ng nito ang kanyang sarili sa mga ulap. Magkagayunpaman ay nasundan pa rin siya at yun ang gusto niya.

Nagkaroon siya ng buhay dahil sa Primary Qi na aksidenteng napunta sa kanya dahil sa pagleak ng Primary Qi sa dantian ni Van Grego at iyon ang ipinagpapasalamat ng Sphere.

Kahit siya ay hindi nito alam basta ang alam niya lang ay parte siya ng buhay nito. Alam niya din ang naging buhay nito.

Siguradong pagnawala ang limitasyon ng lugar na ito ay magkakaroon ng pagbabago sa katawan lalo na ang Cultivation ng mga mamamayan ng Hyno Continent at mawawala na rin ang sumpa sa Royal Clan.

Kaya nga palaging pinipigilan ng Royal Clan ang sinuman sa kontinenteng ito na maabot ang matataas na lebel. Kapag nawala ang limitasyon ng Kontinenteng ito, siguradong mawawalan sila ng kontrol. Hindi sa lakas sila mahihirapan kundi sa dami ng bilang ng mamamayan ng Kontinenteng ito.

Dahil na din sa kapilyuhang naiisip ng Sphere ay ginawa niya ito. Gusto niyang magdusa ng konte ang Royal Clan?!

Sa kabilang banda, hindi mapakali si Van Grego sa kanyang kinatatayuan. Kanina pa siya pabalik-balik ng pwesto, makailang atras at abante na ang ginawa niya ngunit hanggang ngayon ay makikita mong problemado siya lalo pa't wala siyang kaalam-alam sa nangyayari.

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya sa mga di kapani-paniwalang pangyayari sa buhay niya lalo pa't hindi niya lubos na ma-absorb ang lahat ng kaganapang hindi niya napaghandaan lalo pa't sa kanyang sarili pa mismo nangyari ang lahat ng ito.

Wala siyang alam sa takbo ng pag-iisip ng sphere niya lalo pa't hindi niya pa lubos maunawaan ito dahil sa bagong kaalamang nalaman, mistulang gulat parin si Van Grego lalo pa't dahil dito ay halos lahat ng kanyang pinlano ay nabulilyaso at nauwi sa wala ang lahat.

Ngayon ay aalalahanin niya ang pangyayaring ito at magsilbing aral ito lalo pa't wala pang kasiguraduhan ang kanyang binabalak na pagpapaalis sa pwesto bawat miyembro ng pamilya ng Royal Clan.

Wala siyang nakikitang magandang naidulot ng alinmang angkan ng Royal Families ng Royal lalo pa't sariling benepisyo lamang ang iniisip nila at walang pakialam sa ibang mga mamamayan ng Kontinenteng ito.

Kahit na maganda ang impresyon ng halos lahat ng tao dito at marami ang naiambag ng bawat pamilya ng Royal Clan, masasabi niya pa ring bulag ang bawat mamamayan lalo pa't isa lang itong paraan ng pagtatakip ng Royal Clan sa mga kasalanan nila noong nakaraang siglo at pagpapabango ng pangalan.

Kahit na anong gawin niya ngayon ay wala pa rin siyang kayang gawin na ikasisira ng Royal Clans. Masyado pa siyang mahina at maliit para labanan ang mas malakas sa kanya.

Kailangan niya ng panahon para lumakas na kayang gapiin ang kalaban ng walang ginagawang pagkasira sa sarili niya.

Sa ngayon ay wala siyang ginawa kung hindi ay hintayin ang pagbabalik ng sphere sa kanya. Habang siya'y hinihintay, napagdesisiyunan niyang magcultivate muna at ilaan ang oras sa pagpapalakas kaysa sa pag-aaksaya ng panahon .

Umupo siya sa madamong parte ng lupa hindi kalayuan mula sa bukana papunta sa labas ng Interstellar Palace. Hindi niya pinangangambahan ang panganib lalo pa't alam niyang tago ang mga halimaw ngayon dahil na din sa pambihirang pangyayari sa kanyang Tribulation.

Iwinaksi niya lahat ng mga alinlangan niya kung kaya't nagawa niyang kumalma at makipag-isa sa kanyang isip at ipagpatuloy na lamang ang pagcu-cultivate.

Sa kaulapan ay mayroong mga tagong kaganapan dito. Patuloy ang paglipad ng Sphere. Alam niya ang nagbabadyang panganib ukol dito lalo pa at mabilis siyang hinahabol ng labing siyam na Tribulation o mas kilala sa tawag na Seal of Tribulation.

Isa itong naging hadlang upang pigilan ang sinumang gustong sirain ang limitasyon ng Kontinenteng ito. Itinuring itong isang sumpa sa lupaing umagos ang mga dugong isinagawa ang ritwal kung Kaya't ang limitasyon ay hindi basta-basta masisira.

Nakaabot na ngayon ang sphere sa lupaing sakop ng Royal Clans Kaya't masabi mong parang paraiso ito sa kagandahan. Masyadong masaya ngayon ang sphere kung kaya't plano niyang sirain ang lugar na ito. Dahil parte pa rin siya ng pag-iisip ni Van Grego kung Kaya't gusto niyang sirain ang sobrang gandang lugar na ito.

Tumigil muna ang sphere sa paglipad sa sentro ng lugar na ito. Maya-maya lamang ay dumilim ang kalangitan.

Halos masakop ang buong lugar ng Royal Clan at nagkaroon ng pagkatakot ang mga Royal Families ukol sa nangyayaring kakaiba lalo pa't nasa seklusyon ngayon ang mga malalakas nilang lider maging ang mga genius ng Iba't ibang pamilya ng Royal Clan kung Kaya't hindi nila inaasahan ang mga sumunod na mga pangyayari ng nagbigay takot sa lahat.

Nangilabot ang lahat sa di matukoy na nilalang o bagay na ito. Maya-maya pa ay mabilis na nagpaulan ng mapangwasak na kidlat ang Tribulation. Nailagan ito ng Sphere kung Kaya't ang kalupaan at ang mga ari-arian ang natamaan at nagkaroon ng malaking pinsala ang mga ito.

Maraming mga mamamayan na kabilang sa Royal Clan ang nagsilikas dala ang kanilang mga  importanteng mga bagay maging ang kanilang mahal sa buhay. Meron ngang mga ordinaryong mamamayan ang umatake sa ilalim ng sphere ngunit naging abo na lamang ang mga ito lalo pa't nangialam ang mga ito sa Tribulation kung kaya't ang ilan sa mga ito ay napulbos o nagtamo ng malalaking pinsala sa iba't ibang parte ng kanilang mga katawan.

Nahintatakutan ang lahat ng miyembro ng Royal Clan kung Kaya't lumayo sila sa lugar na ito na patuloy paring nawawasak sa napakabilis na oras.

Ang ibang Opisyales na miyembro ng Eoyal Clan ay tinungo ang mga seklusyon ng mga makapangyarihang mga tao lalo na ang mga lider ng mga iba't ibang maharlikang pamilya lalo na ang Nangungunang angkan, ang Helbor Family.

Matagal pa bago sila makarating sa mga nagsagawa ng mga seklusyon lalo pa't nasa pinakatagong lugar sila upang walang makaistorbo sa kanila.

Hindi din maririnig ang kahit na anong ingay o paggalaw ng kalupaan para narin maiwasan ang pagkakaroon ng disturbo at maipagpapatuloy ang kanilang Cultivation at mapataas ang kanilang kabuuang lakas.

Kung Kaya't hirap sila ngayong hagilapin ang mga makapangyarihang mga tao ng Royal Clan lalo pa't nasa bingit na ng kawakasan ang Royal Clan.

Patuloy pa rin ang pagwasak na nangyayari sa Sentro ng Kontinente ng Hyno kung Kaya't mabilis na lumaganap ang pangyayaring ito sa kalapit na mga lugar ng mga iba't ibang mga angkan.

Marami ang mga naging reaksyon pero masasabi mong halos lahat ay nakiki-simpatya sa Royal Clans. Patuloy pa rin ang pagsagap ng mga balita.

Hindi din maiiwasan ang pagkakaroon ng ibang mga detalyeng hindi angkop lalo pa't ang iba ay di kompletong impormasyon at yung iba ay nabawasan o kaya ay nadagdagan kung Kaya't lalo pang naging magulo ang sistema ng balita.

Karaniwan na ito nangyayari sa mga balita kung Kaya't di na nakapagtataka na ang iba ay hindi na kapani-paniwala.

DEFYING THE GATE OF RULES: DOWNFALL OF ROYAL CLANS [VOLUME 1] #Wattys2023Where stories live. Discover now