Chapter 4

3.7K 254 6
                                    


Makikita ng malinaw na sa lugar kung saan nahulog si Van, madami siyang pasa- pasa sa katawan at may mga bahid ng dugo. Halos mamaga ang katawan niya na parang napakamiserable ng lagay niya.

Bumagsak ang katawan niya mula sa ibabaw ng malakas na agos ng tubig. Dinala ng agos ng tubig ang katawan niya sa gilid na siyang mababang bahagi ng lawa. Unti-unting humihigop ang katawan ng binata sa mayamang enerhiya na galing sa lawa at kapaligiran nito.

Napakasagana ng enerhiya. Unti-unting gumagaling ang sugat at pasa niya sa katawan. Bawat parte na balat sa katawan ni Van Grego ay naghuhumiyaw sa kasaganaan ng enerhiya na tinatawag na Martial Qi. Hindi ito isang ordinaryong lawa lamang dahil sa napakaespesyal at napakahiwaga ng lugar na ito. Isa ito sa tinatawag na Sacred Waters o Sagradong mga Tubig.

Nawala ang nakabarang mga impurities sa katawan niya sa tulong ng mga Medicinal Herbs na siyang napakamalimit makita sa buong Kontinente ng Hyno.

Lahat ng mga ito ay mga espesyal na medisina na siyang pag-aagawan ng mga angkan o kahit na sinong Cultivator kapag nakita ito. Ang mga ito ay mga tinatawag na Medicinal herbs at napakabihira lamang makita ng iba.

Ang Medicinal Herbs ay napakayaman sa enerhiya na makapagbibigay ng ibayong lakas at nagpapataas ng rank ng ilang beses lalo pa kung ginawang sangkap ang mga ito sa paggawa ng ibat-ibang klaseng pills at mga produkto.

Kasalukuyang nakahiga at nakababad ang katawan ni Van Grego, wala na siyang mga pasa pasa o bahid ng dugo sa katawan dahil na rin sa malalalim na sugat kani-kanina lamang.

Ang Lahat ng mga ito ay dahil sa tulong ng lawang ito. Parang uhaw na humihigop ng masaganang enerhiya ang dantian ni Van Grego.

Nagmistulang uhaw na uhaw ito lalo pat dalawang taon din irong di nakakahigop ng enerhiya. Sa ngayon ay nasa 4- Star Silver Rank na si Van. Sobrang bilis ng kanyang pag-angat sa rank. Walong star ang tinaas niya. Grabe yung pag-angat niya ng hindi niya namamalayan.

Ilang oras na ang lumipas ng tuluyan ng nagkamalay si Van Grego. Napakaginhawa na ng kanyang pakiramdam na wari niya'y nasa langit na siya, at ang mas ikinagulat niya ay ang rank niya, isa na siyang 4-Star Silver Rank.

Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Nalaman niyang buhay pa siya. Nakita niyang wala na ang kanyang mga pasa pasa sa katawan at mga dugong noong nakaraang araw ay wala na.

Laking pasalamat niya sa lugar na ito at lalo na diyos na buhay pa siya at dito pa siya napadoad sa misteryosing lugar na ito. Nagulat at namangha siya dahil isa ang lawang ito na tinatawag na sacred water.

Di mapagkakailang hindi ordinaryong lawa ito sapagkat kumikinang ang tubig nito at maraming mga kakaibang mga halaman ang nandito.

Isa itong lugar na kahit sino ay pinapangarap na makapunta at mahanap ito dahil sa mga nakatago nitong kayamanan na nakapaloob dito. Bumangon na siya at naglibot-libot na sa piligid nito.

Namangha siya sa kapaligiran. Naghahanap na siya ng palatandaan kung saan may nakalagay na kayamanan.

Nakakita siya ng mga napakaraming pambihirang scrolls patungkol sa mga halaman lalo na ang mga Medicinal Herbs na may kompletong deskripsyon at mga tinataglay nitong mabubuting benepisyo sa isang Cultivator.

Yun lang ang nakita niya at pumunta naman siya sa itaas na bahagi ng lawa, may nakita siyang bukana na parang kweba doon kaya parang nahiwagaan siya sa lugar na iyon. Hindi siya nagmamadali sapagkat alam niyang baka may patibong doon kaya naging alerto siya.

Hindi naman siya nagkamali sapagkat may mga bitag na naglalabasan. Bawat papasukan niya ay may mga patibong pero kaagad ding naiiwasan.

Talagang napakatanda na ng lugar na ito sapagkat mga ordinaryong mga pana sibat at iba't ibang sandatang makaluma na may di pangkaraniwang desinyo at kapasidad.

Madami siyang nakolektang mga iba't ibang mga bagay at kagamitan na maaaring magamit kagaya na lamang ng mga libro, Scrolls, espada at marami pang iba.

Maraming patibong pero lahat ng iyon ay nalampasan ni Van sa tulong ng pagiging matalino sa pagsukat ng mga posibilidad na mangyari.

DEFYING THE GATE OF RULES: DOWNFALL OF ROYAL CLANS [VOLUME 1] #Wattys2023Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon