Chapter 2

154 20 1
                                    





Familiar



Alexa's Pov.

*Knock!Knock!*



Nagising ako sa isang malakas na katok mula sa pintuan, pero hindi ko ito pinansin dahil kulang pa ang tulog ko, kaya muli akong pumikit para umidlip.

"Alexa!, Anong oras na?!, wala ka bang balak pumasok?!, first day of school mo ngayon!, abat! Bumangon ka na d'yan!" Sigaw ni manang Esme sa pinto, kaya agad akong napadilat, nakalimutan kong first day of school/class ngayon, napasarap kasi ang pagmumuni ko sa park until I encountered them, yung mga bata ni Aman, at yung lalaking naka black mask, I can't stop thinking about him, who is the man behind on that black mask?, naalala ko may nakalagay sa gilid ng mask niya, may maliit na burda doon na kulay puti, ang naalala ko 'GT' ang naka burdang letra doon, napapaisip tuloy ako kung anong ibigsabihin non, parang Familiar yung 'GT' sa akin, hindi ko lang maalala kung ano 'yon, something on my past.


"Alexa?!, aba! Transferee ka!, dapat maaga ka sa school! para mahanap mo agad ang classroom mo!, kaya bumangon ka na d'yan!, at wag mo ng hintaying kunin ko pa ang susi ng kwarto mo at buhusan ka ng malamig na tubig d'yan ng magising 'yang diwa mo!" Sigaw muli ni manang kaya bumangon na ako at nag inat inat, hindi ko masisisi si manang Esme, kasi ako din naman ang late kagabi kaya kinulang ako sa tulog, kung tutuosin siya ang mas kulang sa tulog dahil hinintay pa niya akong makauwi at siya din ang maagang nagising sa amin.



"Gising na 'ko manang...." sabi ko, wala na 'kong narinig pang respond kundi ang mga yapak palayo sa kwarto ko.


Ganito ako pag dating kay manang, iba kapag nasa labas na ng bahay, cold, walang emos'yon sa muka, ibang iba sa dating ako, hindi ko hiniling na maging part ng Gangster Ground, at temporaryong ibahin ang ugali ko, sumali ako dahil nag babakasakaling mahanap siya doon, na siya ring mag papabalik sa Mara'ng kilala niya, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nahahanap, nabanggit niya sa'kin dati ang tungkol sa Gangster Ground noong mga bata pa kami.



Flashback


"Geo!" Sigaw ko, I'm just only 7 years of age ng mga oras na ito, nandito ako sa may park kung saan madalas kaming nagkikita ni Geo, kasama ko si manang Esme, pero ang sabi ko mag hintay lang siya muna sa swing, dahil kakausapin ko lang si Geo at makikipag laro.




"Mara!" Sigaw ni Geo ng makita ako, kaya agad akong tumakbo palapit sakanya.


"Hi Geo!" Nakangiting sabi ko.


"Hello Mara!" Nakangiti ding bati n'ya sa akin.

Naupo kami sa bermuda grass at nag kwentuhan ng nag kwentuhan.

"Ano bang pangarap mo in the future?" Tanong niya sa akin.

"Ako?, gusto kong maging nerd....." sabi ko.



"Nerd?!, bakit?" Takang tanong niya.



"Kasi lagi na lang akong tinuturuan ni Mom ng kung ano anong bagay na advance sa age ko para matutunan, then she always teaching me to talk in English, then tinuturuan n'ya 'ko ng iba't ibang language, para daw in the future kaya ko ng makipag usap sa business meeting sa ibang bansa na hindi daw nag e english sa meetings, pero I always saying na I'm too young to learn a lot of languages, pero sabi ni Mom kaya ko naman daw, so..... siguro magiging Nerd ako in the future, kasi pang nerd yung mga ganon iy!, t'saka cute kayang maging Nerd!" sabi ko sabay ngisi.



Gangster Ground (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon