Chapter 19

3.2K 56 13
                                    

Lisa's POV
Tama ba itong ginagawa ko? Tama bang nilalayuan ko siya? Aishh.

"Lisa kanina ka pa nakatitig sa phone mo ah?"sabi ni rosé.

"Yung hanbin kase na yun!" sabi ko.

"Oh? Bat ka nagagalit? Akala ko ba titigilan mo na yan?" sagot niya.

"Ang hirap pala hays" sabi ko.

"Ano kaya mo pang ituloy?" tanong ni momo.

"Oo, kakayanin" sagot ko.

Palabas na sana ako ng classroom ko papuntang parking lot kaso nakita ko si jennie nag lalakad mag-isa sa hallway kaya nag tago ako sa likod ng pinto. Nakita ko si jungkook kaya hinila ko siya papalapit sakin.

"Huy ano ba yan ginagawa mo" bulong niya sakin.

"Shh wag ka maingay" sabi ko.

"Ano ba kasi ginagawa mo" bulong niya.

"Si jennie papunta sa direksyon na to" sabi ko.

"Oh eh ano naman?" sabi niya.

"I'm sure kapag nakita niya ako kakausapin niya ako eh diba iniiwasan ko nga?" sabi ko.

"Anong gusto mong gawin ko?" sabi niya.

"Kapag tinanong ka niya kung nasan ako sabihin mo may importate akong gagawin ok?" sabi ko.

"Aishh! Ilibre mo ako bukas ah!" sabi niya.

"Oo na!" sabi ko at tinadyakan siya palabas ng pinto para makita siya ni jennie.

Jennie's POV
Tapos na yung class ko so nag-decide ako hanapin si lisa pumunta ako sa classroom ng last subject niya pero nagulat ako ng natumba si jungkook.

"Uy jungkook ok ka lang?" sabi ko at tinulungan siyang tumayo.

"Ah eh ano kase tinadyakan ako ni ano nung..... hangin! Oo yung hangin" sabi niya ang weird nito.

"Hangin?" tanong ko.

"Ahh haha oo yung hangin malakas kase natangay ako hehe" sabi niya at kinamot ang ulo niya.

"Ahh ok sige, teka jungkook asan si lisa?" tanong ko at napa-lunok naman siya.

"Ha? S-si ate l-lisa? Eh ano p-parang nakita ko siya sa p-parking lot may importante daw g-gagawin" paputol putol niyang sabi.

"Ngayon mo lang nakita?" Tanong ko.

"Oo" sagot niya at bigla akong tumakbo nagbabakasakaling maabutan ko si lisa.

Jungkook's POV
"Jennie!!!!"  sigaw ko dahil bigla siyang tumakbo.

"Baliw ka ba? Bat mo sinabi nasa parking lot ako?!" lumabas si lisa sa likod ng pinto.

"Wala na ako masabi eh!" sabi ko.

"Aish ano ba yan jungkook!" sabi niya.

"Aba! Ikaw na nga tong sinusunod nagagalit ka pa" sabi ko.

"Aish bahala na" sabi niya at tumakbo.

Lisa's POV
Tumakbo ako papuntang parking lot kung saan naka-park yung kotse ko, buti nalang naunahan ko si jennie, papasok na sana ako ng kotse-

"Lisa" bigla ko narinig ang pamilyar na boses mula sa likod ko. DAMN! Unti-unti akong lumingon at nakita ko yung babaeng kanina ko pa iniiwasan.

My Everything || JenLisaKde žijí příběhy. Začni objevovat