Chapter 8

21.8K 616 10
                                    


CHAPTER 8 – HINALA

FAYE POV.

Magiisang buwan na kami ni James at naging maayos ang relasyon namin. Hindi ako masyadong naging demanding sa relasyon namin. Bumait din naman si James sa akin at naging sweet. Madalas niya din akong bigyan ng mga regalo kaya ang gagang si ako kilig na kilig.

May mga panahon din na masungit talaga si James sa akin kaya naiinis din ako sa kanya.

Alam na din ng lahat dito sa campus ang relasyon naming dalawa, pati nga si April alam na rin ang relasyon namin at tuwang tuwa siya sa nalaman. Nabalitaan ko na din na mag jowa na si April at si Juctril na kapatid ni James.

Sa mga nakaraan na araw ay palagi nalang umaalis si James ng maaga at palagi nalang busy. Madalas kasi kaming nagsasabay umuwi kaya nakakapagtaka talaga ang mga ginagawa niya.

Pero hindi naman ako dapat mag isip ng masama kasi alam ko naman na hindi ako magagawang lokohin ni James.

Alam kong marami pa kaming mga priorities at dapat na hindi lang umiikot ang mundo namin sa relasyon na mayroon kami. Lalo na si james dahil marami pa siyang kailangan gampanan bilang isang Real, dahil sa mga negosyo nila at kompanya na kailangan niyang pamahalaan. Pinanghahawakan ko na lang ang sinabi niyang gusto niya ako. Kaya mananatili ako sa tabi niya, dahil mahal na mahal ko siya.

“Babe, mauna kana ulit umuwi ah? May pupuntahan pa kasi ako.” Sabi ni James habang inaayos ang gamit niya.

“Saan ka ba kasi nagpupupunta?” Hindi ko na maiwasang magtanong sa kanya.

Nilingon niya ako at tila nanghihingi ng paumanhin.

“May inutos si Dad sa akin. I’m sorry babe, kung lagi akong busy at naapektuhan na ang oras ko sa’yo! I promise, babawi ako sayo, okay!” sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Napayuko nalang ako at tumango.

Wala naman akong ibang magagawa eh. Hindi dapat ako masyadong maging mahigpit sa kanya. Dahil alam ko kung gaano ang pressure na pasan niya kalakip ng pagiging isang Real.

Kaya lagi siguro dapat ko nang sanayin ang sarili kong maging isang supportive girlfriend.

Ayokong masakal siya sa akin.

Ayokong iwan niya ako.

Hindi ko kaya ‘yun.

Hinayaan ko nalang umalis si James at hindi na nagtanong pa ng marami. Baka kasi mainis na naman siya, hindi naman kasi siya masisisi kasi napaka bata ko pang magisip. Ngayon na napagtatanto ko na ‘yun eh.

Pumunta nalang ako sa SSG office, ako kasi ang secretary at pangatlo sa may pinakamataas na posisyon sa student council. May meeting ‘din kami ngayon.

Habang nagmemeeting kami kasama ang mga co-officers ko kay tumawag si Andrea sa akin.

Nag excuse muna ako sa mga kasamahan ko at lumabas sa office at sinagot ang tawag ni Andrea.

“Hello, Andrea—”

“Faye! Kailangan mong malaman ‘to!”

Napakunot ang noo ko.

“Anong problema?”

“Nakita ko si James dito sa mall ngayon lang!”

“Huh? Anong ginagawa ni James jan.” Naguguluhan kong tanong.

“I don’t know! And guess what! May kasama siyang girl!”

Natulala ako sa sinabi ni Andrea.

Matagal ko ng kaibigan si Andrea at bestfriend ko siya. Hindi niya kayang magsinungaling sa akin kaya hindi ko pupwedeng baliwalain ang bawat salita niya.

“Faye? Are you still there?”

“S-siya ba talaga ‘yang nakita mo, Andrea? Baka namamalik-mata kalang.” Denial ko sinasabi ng bestfriend ko.

“Hindi! Alam mo naman kung gaano katalas ang paningin ko diba? Siya talaga nakita ko, Faye! Wait I’ll send you his picture together with the girl.”

Nagsend si Andrea ng litrato ni James kasama ang habang papalabas sila sa isang restaurant sa loob ng mall. Matapos no’n ay kaagad kong pinatay ang tawag.

Napapikit ako at huminga ng malalim.

Kumalma ka lang, Faye. Kalma ka lang, baka ka meeting lang niya ‘yun. Isang investor o business related lang.

Muli kong kinuha ang aking cellphone at tinext si James.

To: Babe James

Saan ka ngayon? Nasa bahay ka ba ngayon?

Pagkatapos kong itext si James ay sinend ko agad ito. Makalipas ang ilang minuto ay nag reply agad siya. Binasa ko naman ito.

From: Babe James

Yes, nandito ako ngayon sa bahay. May family dinner kami..umuwi kasi si tita ko. Babawi ako sayo..ingat ka! I love you.

Tumulo ang luha ko pagkatapos kong basahin ang reply niya.

Napakasinungaling niya.

Kung nasa bahay siya ngayon bakit nakita siya ni Andrea sa mall na may kasamang babae?

Napakasinungaling mo James!

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOWhere stories live. Discover now