- Chapter 15: Jane Rocks the World

236 27 6
                                    

Sabado, alas-dyes ng umaga; ilang lingo matapos kong makilala si Killjoy.

Mag-isa lang ako sa bahay. Namamalengke sina Nanay at Kylie. Si Tatay naman ay sa gabi pa ang uwi galling Manila.

“Pards…” Narinig ko ang boses ni Jane sa labas ng bahay.

“O, ang aga mo ah? Halika, pasok ka.” Wika ko habang nakaupo sa sahig ng aming sala. May hawak na gitara. Nagkalat ang mga songhits habang tumutugtog ang cassette player ko na inilabas ko sa aking kuwarto.

Tuwing Sabado at Linggo, kung wala rin lang kaming school works o gala, madalas na kami ang magkasama ni Jane. Madalas na sa bahay namin kami nakatambay. Bihira naming makasama si Bonbon. Mas gusto kasi niyang gumagala sa labas. Pero kung wala siya sa mood na magpapawis at gusto lang niya ng may kakwentuhan, sa amin siya nakiki-gulo.

“Wala kasing magawa sa bahay eh. Saka gusto lang kita makita. Kung buhay ka pa ba o ano na.” Pabirong wika ni Jane habang nauupo sa maliit na sala set sa tabi ng pinto. Nakasuot siya ng pink na shorts at itim na t-shirt na may nakasulat na “Teeth.”

“Sira! Okay na ako. Sus! Walang binatbat sa amin nina Bonbon ang mga kumag na ‘yon.” Wika ko na may halong pagmamayabang.

“Ayun! Kaya pala gumugulong ka sa semento! Haha!” Wika ni Jane sabay dampot ng isang songhits. Nakataas ang dalawang paa niya sa upuan habang binubuklat ang mga pahina nito.

“Aray ko! Para saan naman ‘yon?” Sigaw ni Jane. Nagulat siya ng batuhin ko siya ng isang songhits na tumama sa mukha niya.

“Umayos ka nga ng upo mo. Para kang ewan d’yan!” Sagot ko na kunwari ay naiinis.

“Yes Father Ian.” Wika ni Jane na nang-aasar.

“Hmp. Concern lang ako sa’yo. Bakit pag sa ibang lugar ba ganyan ka rin umayos? Ayoko lang na mabastos ka.” Sagot ko naman.

Tumayo si Jane at umupo sa tabi ko. Nakasandal kami pareho sa mahabang sala set habang nakasalampak sa sahig.

Habang tumitipa ako ng gitara, nakatukod ang mga siko ni Jane sa hita niya habang salo-salo ng dalawa niyang kamay ang baba niya. Bahagya akong napatigil ng mapansin ko na nakatitig siya sa akin at nakangiti.

“Problema mo?” Nakangiting tanong ko kay Jane.

“Wala lang. Ang galing mo ng tumugtog ah. Hindi na lang apat na chords ang alam mo. Haha.” Sagot ni Jane.

“Haha. Magaling kang magturo eh.” Sagot ko naman na may halong pambobola.

Magaling mag-gitara si Jane. Marunong siyang mag-drums. At maliban doon, nagtataglay din siya ng pamatay na boses. Madalas ko nga siyang biruin na sana naging boses na lang siya. Wag mo lang talaga siyang pasasayawin kagaya ko at siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan.

Maraming boys ang naghahabol sa kanya. Pero kahit minsan wala akong nakita o nabalitaan na inentertain niya na manligaw. Wala pa daw sa isip niya ang mga ganoong bagay at marami pa siyang gustong gawin. Minsan binibiro ko s’ya na baka kasi babae din ang gusto n’ya. Tatawa lang s’ya at babanat na “Napakaganda ko namang tomboy!”

Oo mahilig si Jane sa mga rock at alternative music. Paborito niya ang Teeth, Wolfgang, Razorback at Oasis. Kilala at paborito niya ang mga wrestlers na sina Steve Austin at ang Dudley Boyz. Paborito niyang artista sina Stallone at Van Damme. At para siyang sinasapian kapag nakakahawak ng gitara o drumstick. At sigurado ako na hindi siya tibo.

Pero sa kabila ng astig niyang personalidad, nakikita ko pa rin ang iyaking si Jane. Ang Jane na malambing. Ang Jane na senti. Ang Jane na masayahin at mahal ng mga tao na kakilala siya. Sa totoo lang marami akong kaklase pati na mga taga ibang sections ang naiinggit sa akin. Lagi kasi kaming magkasama ni Jane. Madalas din kaming mapagkamalan ng magboyfriend at laman lagi ng mga tuksuhan. Pero wala lang sa amin ‘yon ni Jane. Sadyang ganoon lang kami ka-close.

The Perfect Hero (On-Going/Tagalog)Where stories live. Discover now