14

2.2K 114 9
                                    

Yung perfume sa taas kinuha ko lang po yan kay google hahaha. For example lang po nung perfume. Yun lang po enjoyskie!!!!


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡


Ilang lakad lang ang ginawa ko para makarating sa sakayan. At dahil wala naman akong nakitang taxi, edi nag-jeep na lang ako. Hindi ako choosy sa sasakyan, okay? Lagi naman akong nagji-jeep noon, feel ko lang talaga mag-taxi ngayon.

"Bayad." Paga-abot ko ng 500 pesos na galing sa aking wallet. Wala eh, puro thousands ang nasa wallet 'yung 500 lang ang hundreds. Hindi sa nagmamayabang, 'yun lang talaga laman ng aking wallet. Alangan namang credit card ang ibigay ko.

Nagulat ang nag-abot ng bayad at tumingin pa muna sa akin bago iabot sa driver. Nang makaabot sa driver, nagulat pa ata ito dahil mukhang wala siyang panukli base sa pinapakita niyang mukha ngayon.

"Ilan dito?" Nag-aalangan man, tinanong pa rin ng driver kung ilan sa 500.

"Lahat po ng hindi pa nagbayad, keep the change na rin," walang gana kong sagot.

Umaliwalas ang mukha ng driver at mukhang natuwa pa sa aking sinabi. Pati na rin ang ibang pasahero na mukhang hindi pa nagbabayad. Sinuot ko na lang ang earphones at piniling hindi na sila pinansin kahit na nakatingin na sila sa akin. Sino ba namang hindi matutuwa sa libre hindi ba? Kahit ako siguro matutuwa talaga.

Mga 20 minutes din ang tinakbo ng jeep bago kami nakarating sa town. Oo town or city, tawag ko sa bayan 'wag kayong ano d'yan. Parehas lang naman ng ibig sabihin yang mga 'yan. Agad akong bumaba sa mall ng madaanan ito ng jeep. Mall ang naisipan kong puntahan, siguro maggagala gala na lang ako. Pwede ring mag-grocery pero kapag maggo-grocery ako, bubuhatin ko 'yun papasok sa tunnel. Aish! Sa sabado na nga lang.

Pumasok ako sa mall kung saan agad akong dumiretso sa department store para bumili ng damit. Ayoko namang pinagtitinginan ako ng iba dahil sa suot kong uniform. At oo sa department store ako bibili kasi bakit ba? Pake niyo?! Huwag kayong judgemental, gusto ko lang kasi ng simpleng pants at shirt. Hindi ako katulad ng iba na bibili sa mga mamahaling stores dito sa mall para masabing mayaman sila. Tss... masyadong mayayabang.

Pagpasok ko sa department store, namili ako agad ng damit at dumiretso sa fitting room bago dumiretso sa cashier para magbayad.

"1,450 pesos po ma'am," sabi ng nasa counter.

"Huwag mong ilagay 'yan sa paper bag dahil isusuot ko na ngayon. Pakitanggal na lang ang tag price." Pigil ko nang ilalagay na nito ang pinamili ko sa paper bag saka ko at binigay ang cash kong 2,000.

"Sige po ma'am." Kinuha nito ang bayad saka nag kalikot sa counter. Nang matapos, inabot niya sa akin ang sukli at ang damit pagkatapos niyang tanggalin ang tag price.

Dumiretso ako sa fitting room at agad na nagpalit saka nilagay ang uniform sa dala kong bag. Oo may dala akong bag kala niyo wala, noh? Kala niyo lang wala. Naka-rubber shoes ako kung nagtatanong kayo kaya sakto lang sa suot ko ang aking binili.

Tinignan ko muna sa huling pagkakataon ang aking sarili sa salamin bago tuluyang lumabas sa fitting room. Paglabas ko sa department store, naglakad lakad muna ako at pinag-iisipan kung saan nga na ako pupunta. Nga pala, siguro nagtataka kayo kung bakit puro cash ang ginagamit ko at hindi ang credit card ko, noh? Wala lang trip ko lang. Gusto kong papayatin ang aking wallet, masyadong mataba.

Napahinto ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa isang perfume store. Naintriga ako konti kaya pinili kong pumasok dito. Hindi ako masyadong mahilig sa perfume at mapili rin ako pero wala akong mapuntahan, eh.

Ang Basagulerang Si Ako (COMPLETED)_Under EditingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora