49

1.4K 81 0
                                    

Nandito kami ngayon ng bungangero kong tatay sa hospital para puntahan ang hunghang na 'yon.

"Tumupad ka ng pangako Caroline," sabi ng tatay ko na huminto pa bago niya buksan ang pinto ng hunghang.

Ang arte, hindi naman siya baldado para ma-hospital.

Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang nakahigang hunghang na napatingin sa aming pagpasok.

Agad na napunta ang tingin niya sa akin pero inirapan ko lang siya. Kahit na masama na ang tingin niya sa akin ngayon, wala akong pakialam. Tama lang sa kanya 'yan.

"Good morning po," magalang na bati ng hunghang sa tatay ko.

Ay mali, tatay pala nila. Tinakwil ko na pala siya.

"Maayos na ba ang pisngi mo?" tanong ng magaling nilang ama.

"Maayos na po," tipid niyang sagot pero mababakasan sa boses niya ang galit.

Corny mo.

"Nandito kami ng anak ko dahil may gusto siyang sabihin sa iyo." Lumingon sa akin ang ama nila kaya napairap ako sa aking utak.

Dahan-dahan akong lumapit kay hunghang at patagong inirapan muna siya bago ako nagsalita.

"Sorry," walang gana kong paumanhin.

"Caroline," mahinang tawag ng tatay nila. May pagbabanta ang paraan ng pagtawag niya na nakakairita talaga.

Nakakainis na kailangan ko siyang sundin!

Inis ko siyang tinignan at humarap ulit sa hunghang na akala mo naman nasagasaan sa OA para ma-hospital para lang sa sugat niya sa pisngi.

Sabihin niyo nga sa akin... ang OA diba?

Katulad niya yung mga bwisit sa panood. Ang OA para magpa- hospital.

Psh... nung ako yung may injury, halos ayokong pumunta sa hospital. Tapos siya na sa pisngi lang ang sugat nagpa-hospital pa?

Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "I'm sorry... from now on, titino na ako."

Hindi ko na tinignan ang naging reaksyon niya dahil waste of time lang. Naaalibadbaran lang ako sa pagmumukha niya.

May sinabi pa siya sa hunghang pero lumabas na ako dahil nakakasuka ang mag-stay roon. Saglitan lang ata silang nag-usap pero hindi kasi ako nakikinig kasi wala akong PAKIALAM.

"Tara na," tawag ng tatay nila ng makalabas siya ng kwarto ng hunghang na 'yon.

Sumunod ako sa kanya kahit labag sa loob ko at mas lalong labag sa loob ko ang pinapagawa niya sa akin.

F L A S H B A C K

"Fine! Hahayaan kitang makita ang Mom mo kung 'yan ang gusto mo! Pero sa isang kundisyon!" sigaw niya.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin sa pagtitig ko lamang dito.

"Hon.m." tawag sa kanya ng magaling niyang asawa.

Hindi naman siya pinansin ng bungangero't nasa akin lang ang kanyang buong atensiyon.

"Hahayaan kitang makita ang Mom mo, pero kailangan mong sundin ang lahat ng sasabihin ko! Gusto kong tumino ka at ayusin ang buhay mo! Bibigyan kita ng isang buwan, pagkatapos ng isang buwan na 'yon hahayaan kitang makita ang Mom mo."

"Bakit hindi na ngayon?" galit kong tanong.

"Patunayan mo muna sa akin ang sarili mo. Pagkatapos nun, hindi na kita pipigilang makita siya. Sa oras na 'yon hindi na kita ilalayo sa kanya." Tumigil siya't mas huminahon kaunti. "Pero huwag kang babalik sa amin na may pagsisisi sa oras na magkita kayo ng Mom mo. Huwag kang babalik sa aming umiiyak ng ganito," pahabol niyang sabi.

Ang Basagulerang Si Ako (COMPLETED)_Under EditingWhere stories live. Discover now