The Beginning

395 7 0
                                    

Saturday, August 3, 2019. 8:15 pm

1 day nalang before the school year starts. Eto ako sa kwarto ko walang magawa. It's been 2 weeks since I go out, and I think I'm in the mood right now.

Calling Miles......

"Hey, whats up Shar?"
"Call Mika, see you both in D' Bar within 25 minutes."
"Wow after 2 weeks of doing nothing now you're in the mood, huh?"
"Yeah just hurry, I'm going to get ready, chao." Then I ended the call.

Tumayo na ako at nag tungo sa banyo, after taking a bath nag hanap na ako ng susuotin. I picked a velvet high waisted shorts and a leather bralette like top, I also pair it with an stilleto. And I just put some lipstick then I'm good to go. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at ang susi ng kotse ko.

Bago ko pina andar ang kotse tinext ko muna sina Miles at Mika na papunta na ako. After a few minutes nakarating na ako sa parking area at maya maya dumating na rin ang dalawa.

"Hey Shar! Ano pinakain sayo ni manang at lumabas ka ngayon?" Natatawang tanong ni Mika.
"Hay naku Mik, yan nga rin dapat tanong ko kanina kaso binabaan ako ng lokong 'to"
"Shut up, lets go." Sabat ko.

Nag lakad na kami pero daldalan ng daldalan parin ang dalawa. Hindi naman ako chismosa pero pinapakinggan ko sila.

"Miles, nabalitaan ko kanina kay Zach na nandito daw ngayon yung may ari nitong Bar."
"Talaga, nalaman mo ba ang pangalan?
"Hindi eh, pero sabi lalaki daw at ang nakakaloka pa kasing edad lang natin."
"Wow ahh hanep pa mysterious si Kuya, ahahahaha"
"Pero sana naman gwapo, yiieeee."
"Hoooy! Gusto mo isumbong kita kay Zach?"
"Hehehe ito naman hindi mabiro"

Sa pakikinig ko sa dalawa hindi ko namalayan na malapit na kami sa pinto. Nang makarating kami.

"Good evening po Ma'am Shar, Ma'am Mika at Ma'am Miles, welcome po sa D' Bar."
"Thanks." Sagot ko.
"Thank you po Kuya Guard." Sabay na sabi nila Miles at Mika.

We entered the bar at pumunta kami sa VIP area. Gaya ng ibang bar, loud party music, liqours all over the place, party people, ang kaibahan lang nito ay nasa underground ito at ang itaas nito ay restaurant.

I just stayed on the VIP area while yung dalawa nasa baba na at nag paparty. Tinitignan ko lang sila habang umiinom. Pumupunta lang naman kasi talaga ako rito pag gusto ko uminom.

Time passed it is almost 11 in the evening medyo may tama na ako. Bumaba na ako at pumunta kila Mika. Maya maya sumasayaw na rin ako.

Someone's POV

Saturday, August 3, 2019. 3:15 pm

Kakadating ko lang ngayon galing sa Australia. At dahil pagod ako matutulog muna ako.

8:15 pm, nagising ako. Walang pang pag kain dito sa condo ko kaya pupunta nalang ako sa resto ni Hannah. Na ligo na ako at nag ayos pakatapos ay nag drive na ako papunta sa Resto. Nang dumating ako pasarado na ito kaya dumiretso nalang ako sa kusina. Nakita ko si Chef Dave.

"Hi chef!" Bati ko
"Oyyy Don, nandito ka na pala, kelan ka lang dumating?"
"Kanina lang po."
"Oh bakit nandito ka? May kailangan ka ba?"
"Gutom na po kasi ako eh wala pang pagkain sa condo ko."
"Ahh ganun ba sige ipagluluto kita"
"Salamat po chef."
"Sige na umupo ka nalang muna"
"Nasan po pala yung kakambal kong pangit?"
"Siraulo ka talaga pag narinig ka nanaman nun naku ahahaha."
"Biro lang po hehehe"
"Andun sa office nya, nag aayos na ata ng gamit."
"Sige po, salamat ulit."

Nagtungo muna ako sa office ni Hannah. Nakita ko syang nag aayos.

"Hey!"
"Dooooon!" Sigaw nya sabay takbo at yakap sakin.
"Miss me that much?"
"No, I just want to ask if you buy that thing?"
"Hmmmmp is that thing more important than me? Hello Han I'm your twin brother!"
"Such a kid! Ahahaha of course I missed you."
"Yeah right. Anyway I bought it, nasa condo ko kunin mo nalang."
"Okay copy that. Thanks! Love you"
"By the way come with me tomorrow, I'll buy my groceries."
"Okay"

And after that, lumabas na ako para kumain. Nakita ko na si chef na inaayos yung pag kain ko kaya lumapit na ako.

"Eto na Don kain ka na, pakabusog ka."
"Sige po, Salamat."

Ang daming pagkain pero naubos ko dahil sa sobrang gutom. Tinignan ko ang oras, quarter to 10 na pala. Tumayo na ako at napagpasyahang pumunta sa baba. Nang makalapit na ako sa pinto.

"Ohh Sir Don, nandito na po pala kayo. Pasok po." Sabi ng Guard
"Nandito ba si Zach?"
"Ahh wala po eh"
"Siraulo talaga yun sinabihan ko nang nandito ako eh."
"Pero Sir nan dito po GirlFriend nya, tanungin nyo nalang po."
"Si Mika? Sino kasama nya?"
"Ahh sina Ma'am Miles po at Ma'am Shar."
"Sinong Shar?"
"Hindi mo po pala kilala, kaibigan po nina ma'am Mika galing daw po ng States."
"Ahh okay salamat."
"Sige po Sir."

Naglakad na ako papasok at pumunta sa office ko na kita lahat ng nangyayari sa loob ng Bar. Dun lang ako nakaupo sa swivel chair ko. Habang nag mamasid may nakita akong babae sa may VIP area, umiinom, ang puti nya, nangingibabaw sya kahit ang simple lang ng suot nya. Time passed at sya lang ang tinitignan ko. Maya maya nag lakad na sya pababa. Kitang kita ko ang mga tingin ng mga tao sakanya lalo na ng mga lalaki. Nag lakad lang sya, walang pake sa mga tumitingin sa kanya. Lumapit sya sa dalawang babae.

"Si Mika at Miles yun ahh!" Biglang sabi ko.

Ahhh so she's Shar, the one that Kuya Guard has been telling. Oh she's really pretty. I can't remove my eyes on her. Then she started to dance.

"Damn!" I exclaimed.

Gusto ko syang hatakin paalis ng dancefloor dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga tingin ng mga lalaki sa kanya. Napagdisisyunan kong bumaba. Habang nag lalakad ako naalala kong hindi pala alam nila Miles na akin tong Bar. Nang makarating ako sa kanila. Si Miles ang unang naka pansin saakin.

"Hey Donny, you're here!" Then lumapit sya.
"Waaaaah Donny, pasalubong namin?" Bungad ni Mika.
"Nasa Condo. By the way asan si Zach?"
"May inaasikaso pa"
"Ahh okay"
"Anyways, we want you to meet Sharlene" hinatak ni Miles si Shar palapit sakin. "Sharlene this is Donny, Donny this is Sharlene." Pag papakilala nya.
"Hi." Yun lang?
"Pano nyo sya nakilala?" Tanong ko.
"Sa school nung enrollment, wala ka na nun eh." Sagot ni Mika
"Ow that's why."
"Why?"
"Nothing. So Zach know her?"
"Duuuh of course she's Zach's cousin"

Shit! Seriously?

"Aren't you going home yet?" Tanong ko.
"Wait, I'll ask Shar." Then linapitan ni Miles si Shar. "Hey, do you want to go home na?"
"Okay. Lets go?" Ang dali kausap ahh.

Umakyat ulit sila para kunin ang gamit nila. At nag lakad na palabas. Sinundan ko sila sa parking area. Pumunta na sila sa kanya kanya nilang kotse at napansin ko ang kotse ni Shar, pareho kami. Coinsidence or destiny?

"Bye Don, we'll go ahead." Paalam ni Mika.
"Bye Don, see you on Monday." Said Miles.
"Bye girls, ingat kayo." Sagot ko. Si Shar hindi man lang mag papaalam?

Hinantay ko pang mag salita si Shar pero pumasok na sya sa kotse nya, wala talaga. Nang umalis na sila pumunta na rin ako sa kotse ko at umuwi ng Condo.

------------------------------ ●

Hope you'll like this 🥀

i just keep on coming back to YOUWhere stories live. Discover now