A Bloody Acquaintance

153 5 0
                                    

Sharlene's POV

Friday, August 9, 2019.

Nagising ako ng maaga dahil sa pambubulabog ng tatlo. Dito na rin daw sila mag papaayos. Meron pa nga silang kinuhang make up artist. Hindi na ako tumanggi sila rin naman mag babayad eh. Mamayang 6:30 pm ang start ng event at 9:15 am palang kaya nag aya muna silang mag mall. Gamit namin ang kotse ni Hannah. Naka pambahay lang nga kami eh. Nag libot kami. Pumasok ako sa Vans Store at bumili ng isang pares ng Old Skool na color Teal. Pumasok rin kami sa SoFab para bumili ng sapatos na gagamitin mamaya. After ay kumain na kami sa Jollibee at bumili ng milktea sa McDo. Nag lalakad lakad kami habang umiinom ng milktea, namalayan naming mag aalas dos na, kaya napag pasyahan nilang umuwi na, syempre sa condo ko rin sila uuwi. Habang nag da'drive ako ay nag uusap sila tungkol sa event.

"Bloody yung theme ng Acquaintance natin! Ang exciting, sino kaya ang magiging Bloody King and Queen?" Sabi ni Miles.
"Speaking of King and Queen, sino mga partner nyo sa party?" Tanong ni Mika
"Ofcourse ikaw si Zach, ako si Iñigo. Inaya nya ako kahapon. Ikaw Hannah? Si Donny ba?" Sabi ni Miles.
"Hindi si Don ang kapartner ko ngayon, si Turs Daza, yung kaklase nating culinary student sa GE subjects." Sagot ni Hannah.
"Friend pala kayo nun." Sabi ni Mika.
"We live in the same village, that's why."
"Ikaw naman Shar who's your partner?" Tanong ni Miles.
"I actually didn't bother about that." Sagot ko.
"What? We need to have a partner! It's mandatory." Gulat na sabi ni Mika.
"What if si Donny nalang. Wala rin naman yung partner, I guess." Suggestion ni Hannah.
"Anyone will do." Walang emosyong sabi ko.
"Good! I'll tell Don that you'll be his partner!" Masiglang sabi ni Hannah.

Maya maya nakarating na kami sa Condo at umakyat na kami sa unit ko. Nang makarating kami dumeretso si Hannah sa unit ng kakambal nya. Hinayaan na namin sya at pumasok na kami sa unit ko at napagdesisyonang maligo na, may tatlong banyo itong unit ko, isa sa kwarto ko, sa may kusina, at sa guest room. Hindi na namin inantay si Hannah at naligo na kami. Pakatapos ko ay lumabas na ako ng naka bath robe. Napansin kong ako palang ang tapos. Quarter to 3 palang at mamayang 3:30 padadating ang mga make up artist na kinuha nila. Kaya iidlip muna ako dito sa sala.

Donny's POV

At dahil maaga pa naman matutulog muna ako, nag alarm ako ng 3:30 pm. Kapipikit ko palang ng may mag doorbell. Kaya pinuntahan ko muna. Pag bukas ko nakita ko si Hannah.

"What are you doing here?" Biglang tanong ko.
"Dyan kasi kami mag aayos sa unit ni Shar." Sagot nya naman.
"Oh bakit ka nan dito?"
"Itatanong ko lang kung may partner ka na para mamaya?"
"I didn't bother to ask someone. Ikaw?"
"Meron na ako. Si Shar will be your partner!" Masiglang sabi nya
"Seriously?!"
"Yup."
"Pumayag ba sya?" Nag aalinlangang tanong ko.
"Yeah. Sabi nya kasi 'anyone will do' kaya ayon."
"So kahit hindi nya kilala, okay lang?"
"Maybe. Hindi naman kasi yun maarte."
"Mabuti naman at ako ang naisipan nyo."
"No choice na eh." Mapang asar na sabi ni Hannah.
"Siraulo!"
"By the way, makikiligo ako haaa!" Sigaw nya habang papunta sa guest room.

Wala na rin naman akong magagawa nakapasok na sya. Kaya pumasok narin ako sa kwarto ko at natulog muna. Naalimpungatan ako ng marinig ko yung alarm. Tumayo na ako at naligo, pakatapos ko ay nag palit muna ako ng pambahay. Dadating rin kasi yung dalawang tukmol dahil dito rin sila mag bibihis. Hindi ko lang alam kung alam ba nilang nan dito rin yung mga date nila. Habang nag hihintay ay nag luto muna ako ng meryenda. Pakatapos ko, I decided to give some for the girls. Kaya pumunta na ako at nag doorbell. Medyo natagalan ang pag bukas, maya maya ay bumukas na at ang bumungad sakin ay ang wala pang ayos na si Shar.

"Yes?" Tanong nya.
"Here, I cooked some snacks."
"Okay, thanks."
"By the way, is it true that you're my partner?"
"Yeah, they told me also."
"Okay then, I'll go ahead na."
"Okay, bye."

Then she closed the door. At pumasok na ulit ako sa ulit ko. Maya maya ay dumating na ang mga kolokoy. Nakapamabahay lang rin sila, pero dala nila ang mga susuotin nila.

"Alam nyo bang nandito rin ang mga dates nyo?" Tanong ko.
"Yeah kaya nga kami nandito eh." Sagot ni Zach.
"Bakit ako nalang lagi ang huling nakakaalam?!" Inis na sabi ko.
"Wala ka rin kasing paki-alam minsan." Pang iinis pa ni Iñigo.
"Ulol."

4 pm na ng napagdesisyonan naming mag bihis. Ang suot ko ay white longsleeves sa loob at black cropped tuxido na may embroidery na 3 blooded roses sa left side then a black trousers. Ang suot naman ni Zach ay white longsleeves and white tuxido with blood stains like design arround it, he paired it with a maroon trousers. Si Iñigo naman ay off white na turtle neck and a red velvet tuxido and trousers. We fixed our hair and when everything are all set, pumunta na kami sa unit ni Shar. Kumatok kami, at ang nag bukas ng pinto ay si Hannah. She wears scarlet spaghetti strap satin gown.

"Hi Hannah, you look dazling." Zach complimented.
"Nagmukha kang tao ngayon, kambal." Pangiirita ko
"Siraulo ka talaga Don. Ang ganda nga eh." Komento ni Iñigo.
"Ewan ko sainyo pumasok na nga kayo." Iritang sabi nya.

Natawa nalang kami at pumasok na ng tuluyan. Maya maya lumabas na si Mika, she wears a glittery maroon tube gown. Linapitan na sya ni Zach at binigyan ng blood stained rose. Meron kaming lahat na mga lalaki non. Lumabas na rin si Miles, she wears a maroon velvet halter top gown na may pa slit sa right leg. Tulala pa si Iñigo ng sikuhin ko, kaya linapitan na rin nya at binigyan ng rose. Hindi rin nag tagal lumabas na si Shar na naka red raffled gown na below the knee yung haba sa harap pero long back at backless. Ang puti nya lalo dahil sa suot nya. Para syang manequin na buhay. Natauhan lang ako ng may tumampal sa balikat ko. Lumapit ako sa kanya at binigay na rin ang rose.

"Hoy, baka matunaw yang si Shar, Don!" Pang iinis ni Zach.
"Parang ayaw mong paalisin ahh, ahahaha!" Sabi naman ni Miles.
"Mabuti nalang nga at yan yung sinuot nyan eh." Sabi ni Mika
"Kasi kung yung unang pinadala ni tita na gown hay nako baka hindi mo na talaga sya palabasin dito. Ahahaha" Tawang tawa na sabi ni Hannah.
"Why?" Tanong naming boys.
"Here!" May pinakita samin si Miles na pictures ni Shar na nakasuot ng ibang gown. She wears hot red na spaghetti strap gown na sobrang backless. Hindi sya revealing sa harap pero sa likod, nako.
"Mabuti at nag palit ka." Casual na sabi ko.
"It's so cold outside. I don't want to get sick." Sabi nya.
"Good." Sabi ko na parang tatay nya ako.

Bumaba na kami sa paring area. Doon naka abang na ang partner ni Hannah. Ng makaalis na sila sumunod na rin kami. Kaming mga lalaki lang ang nag dala ng kotse at tig iisang angkas. Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa venue.

------------------●

Tuloy na natin 'to!

i just keep on coming back to YOUWhere stories live. Discover now