Chapter 5

2.4K 61 4
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 5

Habang nasa trabaho ako, naging lutang isipan ko. Iniisip ko kung sino ang taong ‘yun! Wala akong ideya kung sino siya. Pero willing akong kilalanin siya.

Kahit pa kinakabahan ako at nanginginig ang kamay ko nang malaman kong may tao pa palang pinagmamasdan ako. Kaya ko pa ding harapin ang taong iyun.

Ngayon, alam ko na ang feeling ko paano ma-stalk ng sino man. Kahit pa nagmumukha akong assuming na tao pero ako lang naman ang iisang tao dun. Plus, nang makita niya ako tumakbo siya palayo sa akin, nang sigawan ko siya na teka lang, hindi niya ako pinansin binilisan niya ang takbo niya palayo sa akin.

At posible ding hindi niya narinig ang pagsigaw ko dahil tila labas na ang kaluluwa ko nang sigawan ko siya. Sinigaw ko ng buong-buo iyun, kung kaya’t walang rason upang sabihin niyang hindi niya narinig ang bagay na iyun.

“Hey miss.” napaigtad ako ng biglang tawagin ako nang isang babae malapit sa akin.

Lumapit ako sakanya at hinanda ang  maliit na notebook at isang ballpen, naging waitress na ako gaya ng sinabi ni Manager Crus. “Can I order this, black american coffee?” sabay turo niya sa menu.

Hindi ako sanay sa ganito pero no choice na naman ako. Saka sabi ni manager pwede daw tumaas ang sahod ko once ginawaan ko ng tama ang trabaho ko.

‘Di na ako nag reklamo kasi minsan kailangan nating mag ipon ng pera.

Ngumiti ako sa sinabi niya. “One only?” nakangiting tanong ko.

Tumango siya. May katandaan na rin ang babaeng ito, pero kahit na may edad na siya ay na ngingibabaw pa rin ang ganda niya.

“Okay ma’am.” sabay galang.

Pumunta na ako sa loob at inabot sa baker na si Marselo ang order ng babae. Pinagmasdan niya ako ulo hanggang paa. Nailang ako sa ginawa niya. Hindi ako sanay sa ganito, ‘yung pagmamasdan ka nila.

“Nice dress Virgo ah, bagay na bagay sa ’yo.” rinig kong sambit pa niya. Bakit lahat nalang napapansin sa akin?

Saka matagal na ako nagsusuot ng ganito..

“Thank you.” tipid na pasasalamat ko. 

Habang palakad ako papunta sa susunod na customer, may biglang humarang sa harapan ko. Nabigla ako sa ginawa niya. Hindi ko kilala ang taong ito at hindi ko rin makita ang mukha niya, dahil matangkad siya sa akin.

Hanggang dibdib lang ako ng taong ito, at kailangan ko pang i-angat ang ulo ko para makita siya.

Nagulat ako!

Unti-unti kong inangat ang ulo ko at nabigla ako nang makita ang taong nasa harapan ko.

Siya ‘yung pumuri sa pangalan ko kagabi. Siya ‘yung gwapong lalaki na nagpatibok nang mabilis ang puso ko. Siya ‘yun at hindi ako nagkakamali, kabisadong-kabisado ko ang buong itsura niya.

Agad akong napaatras sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Umiwas rin ako ng tingin dahil naiilang at nahihiya ako sa nangyari.

Yumuko ako sa harapan niya para gumalang. “I’m sorry, Sir.”

Naka-uniporme siyang suot, lalo siyang pumu-pogi sa suot niya ngayon, pero dumadagdag ang kagwapuhan niya nang sumisilip ang matipunong dibdib niya.

Virgo ano ba sa tingin mo ang sinasabi mo?

Hindi ko gusto ang ganito..

Promise..

“It’s okay.” napaangat ulo ko sa narinig ko, nanatili pa ring ganoon ang kanyang imosyon.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora