Chapter 24

1.6K 28 2
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 24

[Taurus POV’s]

Pauwi na ako ngayon galing meeting namin ni daddy. Wala naman kaming masyadong ginawa ni dad kundi ay ang makinig lamang sa sekretarya niya. Hindi pa naman ako officially boss sa company ni daddy. Tinuruan niya lang ako dahil pag nasa edad bente singko na raw ako asahan mong ako na ang mag ma–manage ng kompanya namin.

Na iwan si daddy sa company. Kelangan kung umalis dahil may gagawin pa ako maliban sa meeting. Kelangan kung pumunta kina Red at Blue. Mahigpit kung hinawakan ang manibela ko ng maalala ko ang imahe ni Virgo. Hays. Pati ba naman dito naalala pa kita. Sabagay in love nga naman talaga ‘di ba.

Na alala ko yung puri niya sa akin. Lalo tuloy akong nahuhulog sa bawat salitang binibitawan niya. Ang babaw mo Taurus.

Napa ngiti ako roon. Napa araw araw na rin ang pag ngiti ko, hindi ko ba alam kung sira ba ako or sadyang gusto ko lang talagang ngumiti. Kasi naman! Paano ba ako sisimangot kung si Virgo lagi ang nasa utak ko. Ang ganda niya talaga. At hinding hindi ako nag sasawang sabihan siya no’n.

“Huy Taurus!” muntik ko ng matapakan ang break ng sa sakyan dahil sa boses ni Queen.

“HUY! GUSTO MO BANG PATAYIN AKO SA GULAT AH!!!” bungad na reklamo ko.

Nakakainis naman. Kung saan saan talaga ito bumubungad kaya minsan na ha–heart attack ako ng dahil sakanya.

Narinig ko ang pag tawa niya sa kabilang linya. “Chill. I didn't know you were driving.” Rinig ko pang sambit niya.

Napa iling iling ako sa sinabi niya. Mukha ba akong hindi nag dra–drive ngayon ah?

“What do you want?” walang ganang tanong ko sakanya.

Na awalan nanaman ako ng mood sakanya. Bakit ba ganito ang babaeng ito ah? Parang lahat ata ng taong nakaka salamuha nito parang mawawalan din ng mood sa ugali niya.

Kaibigan ko ba ang taong ito?

“I don’t need you. I'll just ask if you’re with Virgo?”

Napa kunot noo ako sa sinabi niya, “Hindi ko siya kasama ngayon bakit?”

Narinig kung ang buntong hininga niya. “I thought she was with you. Yayain ko sana siyang mag billiard kami.”

Teka. Nasaan si Virgo ngayon? Baka nasa bahay lang siya. “Nag text ka ba sakanya?” tanong ko pa sakanya.

Para tuloy akong kinabahan sa sinabi ni Queen. Hindi naman lumalabas si Virgo ngayon eh, baka may ginagawa sila ni Leo.

“Kanina pa ako nag text sakanya.” sagot pa niya.

Agad akong huminto sa gilid at kinuha ang phone ko. “siguro baka busy siya. Bayaan na nga natin. Take her time muna.” sabi niya pa at sabay baba ng tawag.

Saan kaya nag punta ang babaeng iyon. Sinimulan kung hanapin ang contact number niya sa phone ko at agad na nag dialed. Kelangan ko siyang tawagan, nag aalala tuloy ako at miss ko na rin ang boses niya.

“Hello?” agad akong napa ngiti ng marinig ang boses ni Virgo.

“Hi Virgo. Where are you?” bungad ko.

“Nasa bahay ako kasama si Leo, why?” aniya. Napa hinga ako ng malalim ng marinig iyon.

“busy ka ba ngayon?” tanong ko pa. Nag bago na pala isip ko, next week na ako dadalaw kanila Red at Blue. Parang gusto ko na lang makipag kita kay Virgo.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon