Walang ibang minahal na babae si Luis kundi si Lara. Na kahit na sa ibang lalaki nakabaling ang pagtingin ni Lara, heto siya at tahimik na nagmamahal dito. Pero sabi nga ng iba, pag may tiyaga, may nilaga. Dumating ang araw na natutuhan na rin siyang mahalin ni Lara.
Pero pansamantala lang ang kaligayahan nilang iyon. Lara was suffering from breast cancer. Sa himala na lang sila umaasa ng paggaling nito.
At habang nag-aalala siya sa kalagayan ni Lara, heto naman si Grace, ang sekretarya niya sa opisina na umaapaw sa confidence at ganda. Iritang-irita siya dito lalo ay tuwing umaga na lang ay inuuna nitong mag-selfie kesa magtrabaho. At mas lalo siyang naiirita dito dahil hindi niya maitanggi ang atraksyon niya dito.
Hindi niya gustong ma-attract kay Grace pero bakit ang lakas ng karisma nito sa kanya?
**********
Kung nabasa mo ang kuwento ng Pahiram Ng Isang Pasko, malamang ay kilala mo na si Luis.Kung hindi mo pa nabasa ang kuwentong iyon, mas maganda unahin mo muna bago ito. This is a spin-off of the said novel.This book is published in 2017 by Precious Pages Corporation.
*********
You are welcome to follow me on the following social media accounts:
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame: Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
![](https://img.wattpad.com/cover/193885763-288-k166082.jpg)
YOU ARE READING
A Brand-New Christmas For Luis
Romance"I'm moving on. I want to love someone else. And I want it to be you." Paano ba mag-move on? Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Paano magiging madali kay Luis iyon kung mula pagkabata niya ay wala siyang ibang minahal kundi si Lara? Minahal ng...