Part 5

2.4K 72 5
                                    

PINILI ni Grace na maupo sa panghuling row ng upuan. Si Kevin ang diretsong lumapit kay Luis na nasa unahang pew at matapos magkamay ay magkatabing naupo ang mga ito. She just glanced at him. Pero kitang-kita niya kung paano nabago ng ilang oras ang anyo nito. Haggard na haggard ang itsura nito. Madali siyang nakadama ng awa at simpatya dito.

"Hi!" bati sa kanya ng isang babaeng buntis. Napakalaki ng tiyan nito. Mukhang malapit nang manganak. "I'm Rachelle. Kapatid ko si Lara."

"Condolence," sincere na sabi niya dito.

"Thank you. May I sit here?"

Tumango siya at bahagyang umusog. "I'm Grace. Secretary ako ni Luis," pakilala niya. Bago pa lang din ako sa office. Wala akong alam sa personal life niya at nakakabigla ding mabalitaan ang ganito."

"Nice meeting you, Grace." Hinagod nito ang malaking tiyan. "This is really difficult for us. Ni hindi na niya inabutan itong pamangkin niya. Akala pa naman namin magkikita sila."

She smiled with sympathy. "Would it be offensive kung sasabihin kong baka dahil may kapalit na siya kaya umalis na siya?"

"Ganyan na lang din ang iniisip namin. Na kapag may umalis, may darating. Excited din siya dito sa baby boy namin. Pareho kasi kaming magkapatid na babae kaya sabik din kami sa baby boy."

Tumango siya. Walang siyang maisip na idudugtong sa sinabi nito.

"Parang kapatid na rin namin si Luis," sabi nito uli. "Sa isang bakuran lang kami lumaki. Hindi na siya iba sa amin. Noon pa, alam kong mahal na niya ang ate ko. Iyong pagmamahal na higit pa sa isang kapatid. Kaya kagaya namin, masakit na masakit sa kanya ang nangyaring ito."

"I'm sorry to hear that."

"Sayang nga lang, wala na silang masyadong time ni Ate Lara sa isa't isa. Hanggang sa huli, umasa kami ng himala para sa paggaling niya. Pero siguro hanggang doon na lang talaga siya. Malupit ang cancer niya. Nalaman na lang namin advanced stage na." Tiningnan siya nito. "Palagi tayong magpapa-check up. Early detection of anything, mas malaki ang chance natin na maka-survive."

"Salamat sa paalala. Hindi nga ako nagpapa-check up. Wala naman kasi akong nararamdaman."

"Iba na yung maagapan natin, kung sakali man." Napatingin ito sa may pintuan kung saan may dumarating pang nais makiramay. "Excuse ha."

"Sige."

Nalingunan siya ni Uncle Kevin. Sinenyasan siya nitong lumapit. Inilahad niya ang kamay kay Luis nang makaharap niya ito. "Condolence," aniya.

"Salamat." Tumayo ito at hinawakan siya sa siko. "Halika, ipapakilala kita sa kanya."

Nagulat man ay nagpatianod siya nang dalhin siya nito sa harap ng ataul. Napatitig siya sa nakahimlay doon. Maganda si Lara. Parang natutulog lang na nakahiga doon. Ibinaling niya ang tingin sa malaking picture ni Lara na nasa canvas stand. Maganda din ito doon.

"Lara, this is Grace. Personal assistant ko siya sa office," narinig na lang niya na nagsalita si Luis.

Dito nabaling ang tingin niya. Nagtataka man sa inakto nito ay hinayaan na lang niya ito. Ilang sandali na nakatayo lang silang dalawa doon. Umusal siya ng maikling panalangin para sa namayapa.

"Luis, iyon nga palang flowers..."

"Hindi na niya iyon makikita. Hindi na niya maaamoy."

Bumigat ang pakiramdam niya sa narinig. Damang-dama niya ang pagluluksa nito. "Dala namin iyong flowers. Nasa sasakyan. Kung gusto mo ipapakuha ko kay Dario."

"Sige."

Ipinatong ni Luis sa kabaong ang mga bulaklak nang dalhin iyon ng driver nila.

"Lara..."

A Brand-New Christmas For LuisWhere stories live. Discover now