ENLIGHTENED

2 0 0
                                    

Ang tunay na kagandahan
Ay wala sa panlabas na kaanyuan,
Ito ay nasa puso ng kahit na sino man
Pusong puro kahit sa maraming problema ay dumaan

Nanatiling dalisay
Nanatiling tunay,
Muntikang maligaw at lumihis ng daan
Ngunit paulit-ulit na natatauhan

Na oo nga, ang buhay ay puno ng mga taong mapanghusga
Dahil ang mundong ito ay hindi sakop ng pamumuno ng ating Ama,
Sabihin man nating ito ay isa kaniyang nilikha
Ngunit sa mundong ito naghahari ang siyang masama

Huwag na lamang tayong magpaapekto
Tandaang sa mundong ito walang perpekto,
Lahat tayo ay pawang mga makasalanang tao
Kaya sa halip na sila ay dinggin, sa sarili natin tayo na lamang ay magpakatotoo

©Mj Ronsairo

What I See Is What I WriteWhere stories live. Discover now