UNTITLED 1.1

2 0 0
                                    

"Umalis ng tila ba lahat nagbago na"

Nagbago na nga bang talaga?
Wala ka na nga ba talagang nadarama
Ni katiting na pagtingin sa akin sinta?
O sadyang ikaw ay napagod na?

Napagod sa kaiintindi sa isang tulad 'ko
Tulad ko na di kagandahan at di ganoon katalino,
Sa isang tulad ko, na mainitin ang ulo
Na madalas maging dahilan ng ating mga pagtatalo

"Nawalan na ng sigla ang iyong mga mata"

Oo, nawalan ka na nga ng sigla,
O sadyang ikaw ay nagsawa na?
Nagsawa nga ba?
O ikaw ay lumingon na sa iba, katulad ng aking hinala?

"Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag na tayong magkatabi"

Kasing lamig ng yelo
Ang iyong pakikitungo,
Kasing lamig ng tubig na inilagay ko sa baso
Na katulad ng ating relasyon, habang palamig ng palamig ay palabo rin ng palabo

"Bakit ka nag- iba?
Meron na bang iba?"

Aminin mo na, na meron ng bago at ang aking posisyon sa puso at buhay mo ay napunan na
Aminin mo na, na hindi lang basta kaibigan ang turingan niyo sa isa't isa,
Aminin mo na, tama na, huwag na nating lokohin ang isa't isa
Aminin mo na, upang ako ay tuluyan ng makalaya

Aminin mo na, upang hindi na ganoon kasakit
Aminin mo na, upang aking sarili sa iyo'y di na muling ipilit
Aminin mo na, upang mga alaala natin sa aking isip ay tuluyan ng mawaglit
Aminin mo na, katotohanan sakin ay huwag nang ipagkait

"Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis"

Masakit malaman ang katotohanan
Ngunit mas masakit mabuhay sa pawang kasinungalingan,
Masakit isipin at tanggaping sa iba ka na sasaya
Ngunit mas masakit isiping malamang pinagsasabay mo pala kaming dalawa noong tayo pa

©Mj Ronsairo

What I See Is What I WriteWhere stories live. Discover now