UNTITLED 1.3

0 0 0
                                    

Mukhang maganda
Malulungkot na mata,
Pagod at susuko na sana
Ngunit nakilala ka

Nagbigay liwanag sa'king mundo
Aking mundong magulo,
Damdamin ko ay napukaw mo
Laking pasasalamat ko sa iyo

Nagbigay motibasyon upang ako ay magpatuloy sa aking buhay
Nagkaroon muli ng saysay,
Ninais ko muling maglakbay
Patungo sa rurok ng tagumpay

Hulog ng Langit
Humilom sa bawat sakit,
Hindi mo man malaman kung paano
Ngunit ito ay totoo

Ang bawat salitang iyong binibitawan
Ay maaaring makabuo o makasira sa taong iyong pagsasabihan,
At ikaw ay aking nais pasalamatan
Dahil mga salita mo, sa kalooban ko ay nakapagpagaan

Napagtanto ko
Na bakit ako manghihinayang sa mga tao,
Na siyang sumira sa 'dating ako'
Iyong masaya at mahal na mahal ng mga magulang ko?

Bakit ko hahabulin iyong mga 'kaibigan'
Na kaibigan ko lang naman kapag sila ay may kailangan,
Napagtanto ko na hindi sa kanila umiikot ang mundo
Dahil mas malawak ang nasa labas ng mundong ginagalawan ko

Ngayon ay akin ng tatapusin
Ang paglalahad ko ng aking mga hinaing,
Nais ko lamang ikaw ay pasalamatan
Sa lahat ng bagay na aking natutunan

©Mj Ronsairo

What I See Is What I WriteWhere stories live. Discover now