II

1.6K 61 0
                                    


Wednesday, 5:15 P.M.

Grosari's Point of View

AGAD akong umakyat ng aking silid nang makarating na kami ni Manong Jeobert sa bahay. Pagkarating ko kanina sa sala ay wala sina Daddy at Mommy which is good para hindi ko agad ang marinig ang sermon nila.

Pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa malaking bahay na ito kahit nandito naman sila. Pakiramdam ko ay ginagawa lang nila ang lahat ng pangaral nila sa akin para sa pangalan na iniingatan nila. Nakakalungkot na nakababahala.

Pakiramdam ko ay isa lamang akong tau-tauhan sa pamamahay na ito. Like a robot controlled by machines and microchips.

Hindi ko alam kung bakit ganoon sila Mommy at Daddy sa akin, they are over protective to the point that I am like a bird in a cage waiting for death.

I am wondering why they are like that. Simula pa noong nabubuhay sila Lolo at Lola ay ganoon na sila. Napansin ko iyon noong magkamuwang na ako.

I always ask Lolo and Lola before why my parents like that, but they always answered; "They just want you to be safe, granddaughter. Minsan ka nang nawala sa buhay nila noong bata ka pa, nawala ka sa kanila ng dalawang taon. Kaya hindi mo sa kanila mai-aalis ang takot at pag-aalala para sa iyo. Just understand them, baby."

Huminga ako nang malalim habang inisa-isa kong tanggalin ang mga butones ng aking uniporme. Kailangan makapagpalit na agad ako ng damit at gumawa ng aking takdang-aralin bago pa ako maabutan ni Mommy.

Dali-dali akong nagbihis at sinuklay ang aking buhok. I don't know but I am afraid that Mommy will shout at me when she catches me doing nothing.

Pagkatapos kong bumihis ay tumungo na ako sa study table at kinuha ang papel na ibinigay sa akin kanina ni Carmen.

Pinilit kong basahin ang nakasulat doon pero hindi gumagana ang isip ko. Kung anu-ano na naman ang pumapasok doon na hindi ko maintindihan. Mga imaheng hindi ko malaman.

Napapikit ako at ipinilig ang aking ulo.

Isang madilim na kwarto ang naiimahinasyon ko habang nagsusumisik sa isang sulok kahil na napakaluwag naman ng kwartong iyon. Umiiyak at sumisigaw ako pero wala man lang ni isang nakarinig sa akin.

Nakakatakot.

Pinagsiklop ko ang aking dalawang kamay para pigilan na manginig ang mga iyon. Pinagpapawisan ako na hindi ko maintindihan.

Napamulat na lamang ako nang biglang bumukas nang malakas ang pinto.

"Grosari! Why you didn't answer my call? I call you many times. Hindi ba't sabi ko, sagutin mo ang tawag ko?" Isang sigaw agad ang kasunod ng malakas na pagbagsak ng pinto sa dingding ng silid ko.

Nataranta akong napatayo at hinarap si Mommy.

"I-I'm sorry, Mom. Nasa group meeting kasi kami kanina, kaya hindi ko nasagot ang tawag mo," I abruptly answered.

Her eyerows up. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagdududa sa sinabi ko.

I am disappointed. She doesn't really believe me.

"Okay, just make sure next time you will answer my call. Ayaw kong maulit ang nangyari kanina. Do you understand, Grosari?" sabi niya na may diin.

I nodded as an answer and forced myself to smile at her even if I am not happy.

"Yes, Mom. I am sorry, I will answer your call next time. Just only this day. I promise it won't happen again."

Ngumiti siya at tinapik ang aking balikat. Ngiti na hindi ko alam kung totoo. "Good, that's our daughter. Just go downstairs after, we will be having a dinner together."

"Yes, Mom."

Tumalikod na siya sa akin at sinara ang pinto. Napahugot ako ng aking hininga at napaupo sa aking kama.

I just realized that I am holding my breath all the time when Mom enter my room.

Napahilamos ako sa aking mukha at kung anu-ano na naman ang naisip ko. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang anak; wala akong nagawang tama para pasayahin sila. Dapat ay galingan ko pa kasi kulang pa.

Unti-unti akong pumikit at dinama ang sakit sa aking dibdib. Matagal ko nang nararamdaman ang sakit na ito. Kinukurot ang puso ko nang dahan-dahan hanggang sa hindi na ako makahinga.

I found myself crying again- alone, inside this big white and black room. I am lying in a queen size bed; where no one could hear me about my feelings.

I punch my pillow, and punch it again and again until I shout to release my pain and restlessness.

Napatigil lamang ako sa pag-iyak nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang aking noo habang nakatingin doon na nakapatong sa ibabaw ng study table.

Wala namang nakakaalam ng number ko bukod kina Mommy, Daddy, Manong Jeobert at Yaya Mely. Sino ang pangahas na tatawag sa akin ng ganitong oras?

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga sa kama at agad na tumungo sa study table. Suminghot muna ako para mawala ang bara sa aking lalamunan at ilong. Pinunasan ko muna ang aking mga luha bago ko sinagot ang tawag ng isang unregistered number.

"Hello? Who is this?" agaran kong tanong habang kunot na kunot ang aking noo.

Hinintay ko na magsalita sa kabilang linya pero wala akong narinig.

Isang parang nabasag na buti ang nagpabigla sa akin mula sa katahimikan sa kabilang linya.

My heart beats so fast.

"Hello?" I call again. "Can you answer? Who are you?" I added.

I hear some voices. Pero hindi klaro. Tila ba nag-uusap ang mga ito sa kabilang linya. Ngunit hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Mayamaya ay bigla na lamang akong nakarinig ng kakaibang sigaw ng isang babae.

Napasinghap ako dahilan upang mabitiwan ko ang cellphone.

Napatingin ako sa screen pero agad na naputol ang tawag.

"W-what was that?" bulong ko habang papaupo sa aking upuan.

Binalot ng kaba ang aking dibdib.

If it is frank from my classmates, then it will not be funny! They will kill me because of that.

Napangalumbaba ako. Sa ganoon akong sitwasyon nang may kumatok sa pinto.

Mukhang pinapatawag na ako nila Mommy para sa hapunan.

Huminga ako nang malalim bago ko pinagaan ang aking pakiramdam. Pero hindi ko maiwasan ang mag-alala at mag-isip kung ano ang tawag na iyon.

Napatingin pa muna ako sa cellphone ko na nasa sahig, bago ko iyon pinulot at nilagay ulit sa ibabaw ng study table. Hindi ko na iyon tiningnan bago tumungo sa pintuan.

Mamaya ko na lamang aalamin ang lahat, o hindi na.

Sa Ilalim ng HukayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon