VIII

727 28 0
                                    

Wednesday, 5:00 P.M.

Grosari's Point of View

NAKARATING ako sa isang bench na napag-usapan ng aming grupo kanina sa klase. Naabutan ko sina Ferlin at Brandy na nakaupo na habang tila naghihintay, at si Sarastro naman ay nakatayo.

Napansin ko kanina pa sila may malalim na iniisip. May panibago ulit kasi kaming activity sa research kaya't napagdesisyunan namin na kami ulit ang magkagrupo. Pero ang pinagtatakhan nila Ferlin ay si Carmen at Jonard na simula pa kahapon ay hindi pumasok ng klase, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila dumarating.

Even if I am not their friend, hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa dalawa. Pero sa tingin ko ay baka may nangyari lang sa kanilang bahay kaya't hindi ang mga ito pumasok.

Inilapag ko ang aking bag sa isang bakanteng upuan at naupo na roon.

"Hindi talaga ako mapakali na hindi pumasok ang dalawang iyon. Hindi tayo makakapag-meeting kapag wala sila. Mahihirapan na naman tayong mag-adjust nito sa activity. Nakapagtataka na hindi sila pumasok, simula pa kahapon. Hindi man lamang sila sumasagot sa tawag. Ano sa tingin niyo?" biglang wika ni Ferlin sabay tapon sa amin ng tingin.

Lumapit sa akin si Sarastro at naupo sa tabi ko. Napasunod tuloy ang tingin ni Ferlin sa pinsan at maging si Brandy. Bigla tuloy akong napausod sa dulo ng upuan para lang makalayo kay Sarastro. Hindi naman ako sa naiilang sa kanya dahil kaibigan na raw kami kung 'di sa klaseng tingin nila Ferlin at Brandy na ipinukol sa amin.

Huminga si Brandy at bumaling kay Ferlin. "Posible na baka sa bahay lang nila at nagkasakit. O, kaya'y baka may problema lang sila na kinahaharap kaya't hindi sila nakapasok," sagot nito.

"Hindi mo ba natawagan ang mga magulang nila?" tanong naman ni Sarastro sa pinsan.

Umiling si Ferlin. "Hindi. Hindi ko naman alam ang mga numbers ng mga magulang nila, bukod doon ay baka magulat pa ang mga magulang nila na bakit natin hinahanap ang anak nila. Malay natin na baka nga nagkasakit lang sila o baka nagkaproblema lang."

Nanatili lamang akong tahimik. Wala naman akong mai-ambag na sasabihin sa kanila. Besides they are not my friend. Mahirap na ang makisabat lalo na at hindi naman nila kailangan ang opinyon ko. Baka mamaya makisali ako ay isipin nilang feeling close ako.

Its better to shut my mouth, than to be involve with their own problems. Maahirap na ang ipagpilitan mo ang isang bagay na hindi para sa iyo at hindi ka tanggap.

Pero hindi naman ganoon na wala akong pakialam kina Carmen at Jonard. May pakialam naman ako pero hanggang sa akin na lamang iyon.

"Hindi na muna tayo ngayon mag-meeting. Bukas na lamang o kaya'y mamaya sa messenger na lamang natin pag-usapan. Hindi ako maka-isip nang matino," pagtatapat ni Ferlin sa amin.

Nakakaunawa naman kaming tumango.

"Hindi niyo ba napansin simula pa noong isang linggo hanggang noong isang araw na balisa si Carmen at hindi maka-usap nang maayos? Para siyang may pinagdadaanan, mukhang iyon ang rason kung bakit hindi siya nakapasok kahapon at ngayon," biglang sabi ni Brandy kaya napatuon ang atensyon namin sa kanya.

"Napapansin ko rin iyon, pero nakapagtataka na hindi niya sinabi sa akin." Sa tono ng pananalita ni Ferlin ay may himig ng pagtatampo.

"And guys, about Jonard. . . I heard yesterday that he confessed his feeling to Hadea. Baka alam ni Hadea kung ano nangyari kay Jonard?" ani naman ni Sarastro.

Biglang tumayo si Ferlin. "Let's go! Puntahan natin si Hadea at baka alam niya kung nasaan si Jonard, o baka may alam siya kung bakit hindi pumasok ang lalaki kahapon at ngayon," anyaya nito.

Sa Ilalim ng HukayWhere stories live. Discover now