INTRODUCTION

9 4 0
                                    

Year 2100, March 13 nang magsimulang magkaroon ng malakihang expedisyon sa kalawakan.

Nung una ay malaya tayong nakakagala sa labas earth.

June 03, 2100 ay naganap ang pangyayaring magpapabago sa ating tanaw.

Isang normal na araw para sa mga turistang gustong makagala sa maliit na parte ng galaxy. May isang ship ang biglang naglaho at walang iniwan na bakas. Noong una ay inaakala nilang may problema lang sa radar nila o receptor ng ship, pero laking gulat ng lahat ng nasa space expedition nung biglang may other worldly being na sumulpot sa harapan nila.

Walang nakakaalam kung ano ito at bakit ito naroroon.

Namangha at natakot ang lahat sa kanilang nakita, at nangibabaw ang tanong na...

Anong bagay yan?
Hayop ba yan?

Sa pagkamangha ng lahat ay may biglang pagsabog na naganap. Ito pala ay ang pagbangga ng isang ship sa malaking halimaw. At ito ang nagdulot ng pagwawala ng halimaw, isa-isang pinasabog ng halimaw ang mga ship.

At ito ang nag-iwan ng malaking dagok sa sangkatauhan na hindi lang talaga tayo ang naninirahan sa buong kalawakan.

Matapos ang insidenteng ito ay agarang nagpulong ang world government para sa kaligtasan ng ating mundong ginagalawan. Sa pagtakbo ng pagpupulong ay nabuo ang organisation na lalaban at magpoprotekta sa atin.

Ang ZODIAC.

Ang ZODIAC ay binubuo ng 12 factions na ang hangarin ay protektahan tayo at kalabanin ang mga unearthly beings.

Among UsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora