ZODIACAng samahan na nabuo para protektahan ang earth mula sa celestials.
Ang ZODIAC ay may 12 Factions at 4 sections
Minotaurs (North)
Aries
Capricorn
TaurusDeep Bearers (East)
Aquarius
Pisces
ScorpioSuperbia (West)
Leo
Virgo
LibraTrinity (South)
Sagittarius
Cancer
GeminiAt ang huling faction na tanging nasa ZODIAC lang ang nakakaalam ay ang...
OPHIUCHUS
Ang faction na ito ay ang lumalabas sa mundo upang mag-search, scout at dumiscover ng mga bagong species ng celestials na maaaring maging threat sa ating mundo. Ito rin ang nagbibigay ng babala sa mga factions na parating na ang celestials.
Kada faction ay may team, team na binubuo ng limang tao. Ang mga team na ito ay may rankings.
Rank Z - Sila ang mga member ng Ophiuchus. Mga piling tao na nakapasa sa mga imposibleng mission, gaya ng pagpunta sa other galaxy at dimensyon.
Rank A - Sila ang mga nagiging candidate ng pagiging Ophiuchus.
Rank B - Ang middle class ng rankings.
At ang bottom rankers-Ang Rank C karaniwang na-aassign sa evacuation mission. May alam sa protective measures gaya ng basics ng Celestials. Madali lang naman makaakyat ng Rank C basta maipasa mo lang ang field training at exam.
Trainee - ang pagiging trainee ay hindi madali dahil ang organisasyon ang nagbibigay ng test na susukat sa iyong Mana Pulse.
Ang Mana ang ating gagamitin na lakas upang mapagana ang Magic items na ibibigay ng organisation.
Ginaganap ang Mana Pulse Test sa loob ng facility ng ZODIAC.
Hindi na naman sikreto ang ginaganap na test dahil ang mga bumabagsak ay ipinamamalita ito sa ibang tao at lumilikha ng sari-saring impormasyon. May mga nagsasabing kailangan mong tumakbo ng 4 na kilometro ng walang pahinga, may iba namang nagsasabi na kailangan mong pumatay ng isang celestial para makapasok, at marami pang iba. Pero heto talaga ang tunay na test.
Level 1
Written exam - ito ay naglalaman ng personality and logic tests.Level 2
Physical and medical examination - dito ginaganap ang mga exercises, blood, allergy test at marami pang iba.Level 3
Magic Affinity Test - sa test na ito ay maraming bumabagsak dahil hindi porke malaki ang iyong katawan ay malakas na ang iyong mana pulse at ganun din sa talino hindi rin porke matalino ka ay malakas ang iyong mana pulse.Kailangan mong maipasa ang tatlong test na ito upang maging isang trainee.
YOU ARE READING
Among Us
Science FictionIto ay kuwento ng isang high-school student na nangangarap maging isang astronaut ngunit may isang pangyayaring nagpabago ng kanyang buhay at tuluyan siyang dinala siya ng kapalaran sa ibang destinasyon. Basahin at unawain kaniyang paglalakbay.