Chapter 02 - TEST

9 4 0
                                    

Habang nasa evacuation facility kame ay naglibot libot muna ako at marami akong nakita na member ng ZODIAC. Lumapit ako sa kanila at nagtanong.

:Paano po maging isang
ZODIAC?
-

-----

:Ahh... Ehh madali lang
kailangan mo lang
maipasa ang mga Test

:Gaya ng?
-

-----

:Written Exam,
Medical at
Psychological test.

:San po ako pupunta?
-

-----

:Simple lang...
Pumunta ka sa HQ
at doon mag register.

:Salamat po.

------
:Teka.
Bata!
bakit gusto mong
maging ZODIAC?

Bakit ko nga ba gustong maging ZODIAC? Dahil ba sa wala na akong magawa sa buhay ko at gusto ko nalang magpakamatay? hindi nalalayo saken ang realidad na maraming miyembro ng ZODIAC ang namamatay kada laban sa Celestials, Pero bakit ba gusto kong maging ZODIAC?

Bakit?

At wala akong maisagot sa kanya. Kaya tumingin nalang ako at agad na naghanda para sa test na aking haharapin.

...

June 11, 2107

At dumating na ang araw na aking pinaka-hihintay, ang araw ng pagsusulit. Taon taon itong ginaganap sa HQ at ito ay pinapamahalaan ng mga Rankers.

<WELCOME TO THE ANNUAL ZODIAC EXAM. ALL OF YOU ASPIRING ZODIAC WILL BE PUT TO A TEST-A TEST THAT CHALLENGE YOUR MIND AND BODY. INSIDE MERCY DOESN'T EXIST. IF YOU FAIL... IT'S THE END, SO I WISH YOU ALL THE BEST OF LUCK>

Sa paglalakad ko patungo sa loob ng testing facility ay nangibabaw sakin ang kaba at takot na baka ako'y bumagsak. At sa kalagitnaan ng aking pangangamba ay di ko namalayang malapit na pala kami sa aming mga exam room.

Level 1 - Written Exams
Alam kong kaya ko itong ipasa pero nakaka-kaba pa rin ang ganitong exam lalo na at isang out-of-this-world na organisasyon ang gumawa.

???

Ba't ganito ang laman nito?

Personality test?
Basic Math...

At INK BLOT TEST.

Bakit ganito kala ko ba ay sobrang hirap ng test na to?

Hehe

Madali lang pala to kahit gradeschooler kaya tong ma-perfect.

Dumaan ang halos kalahating oras at natapos ko ang exam ng mabilisan. At isa isa ay natapos na rin ang mga examinies na kasama ko.

<EXAMINEE NO. 317>

Narinig ko ang aking id no. At agad kong inangat ang aking kamay.

:Yes Ma'am?

<PASSED, PLEASE
COME HERE AND
CLAIM YOUR PASS
AND PROCEED TO
LEVEL 2>

Tumayo ako at agad na kinuha ang aking pass para sa level 2.

Dali dali rin akong lumabas upang mabawasan ang tensyon na nasa utak ko. Ay nakalimutan ko itanong kung nasan ang site para sa level 2 exam.

Tiningnan ko ang aking pass at nakalagay dito ang impormasyon na gusto ko itanong.

4th floor, Room 12.
Professor Reinalyn Claud

Hala level 2 na nga pala ako-kinakabahan nanaman ako. At nakita ko na ang kwarto para saken.

Room 12

May laser na scan sa pinto na tila ayaw mag papasok.

Miss Claud
:Examiner 317?

:Opo

Miss Claud
:Sige pasok. Wag ka
mag-alala scanner
lang yan.

Pumasok ako at nilakaran ang mga laser.

Miss Claud
:Ok, tingnan natin
kung anong diperensya
ng katawan mo.

Teka... teka hindi mo ba ako patatayuin or paghuhubarin-well ayoko rin naman. Pero ganun lang yun kabilis dumaan lang ako sa pinto?

Ahh... naalala ko na Scanner nga pala yun. Wow ang galing naman wala pang isang sigundo ako dumaan sa scanner na yun.

Wala pang isang minuto ay ang computer na nagbigay ng posibleng sakit at ang lagay ngayon ng katawan ko. Nalaman din na medyo malabo ang mata ko.

Miss Claud
:So far, wala namang
problema sa katawan
mo, Mostly average.
So you passed
Heto ang pass at
Proceed ka na sa
7th floor.

:Inumin mo lang to
para malabanan ang
radiation na dulot
ng scanner at maari
ka nang umalis.

7th floor? Hala last test na nga pala ako.

Level 3 - Magic Affinity Test

Simple lang naman ang test na ito ilalagay mo lang ang kamay mo sa isang scanner at ito ang magpapakita ng iyong Mana capacity at Mana pulse.

Ang normal na mana capacity ay 150 at may mana pulse na 2 mana per beat, pero hindi sila tumatanggap ng normal na mana capacity. Requirements para makapasa ay:

Mana capacity: 320
Mana pulse: 3 per beat

Nagulat ako sa resulta ng test saken.

Among UsWhere stories live. Discover now