Mang Patrick is staying on the backseat. Sumakit bigla ang ulo niya kanina noong hinatid niya si Tom kaya naman naisipan niya na magpahinga na lang muna sa backseat at umidlip lang saglit. He is feeling a heavy migraine on his head, and he can feel that he has a fever. Nagchichill na siya dahil sa lagnat at tila may kakaibang nangyayare sa katawan niya. His eyes can't even see properly, and he don't know why.
Nakatulog siya nang mga ilang saglit pagkatapos bumaba ni Tom. Nang magising siya, nakaramdam siyang bigla ng pagkauhaw. Kinuha niya ang kanyang drinking water sa driver's seat pero tila wala itong nagawa sa tindi ng pagkahayok niya. Isang litro na ang naubos niya ngunit hindi man lang ito tumalab nang kahit kaunti, at alam niya na sa iba mapapawi ang pagka-uhaw niya.
He saw the blood on the steering wheel. Feeling niya ay naglalaway siya rito. Pilit niyang pinipigilan ang sarili niya ngunit hindi na niya kaya. Dinilaan niya ang steering wheel upang mainom ang dugo doon, at doon na napawi nang kaunti ang uhaw niya.
The blood tastes as if it's a juice. Nakita niya ang kagat ni Betty Alvarez sa braso niya kaya naman kinagat niya ito at sinipsip pa ang mga dugo. Natutuyuan na ang braso niya ngunit wala siyang pakialam dahil wala na siya sa wastong pag-iisip. All he want is blood, and blood, and blood.
May tumalsik na dugo sa kaliwang kamay niya dahil sa pagsipsip niya ng kanyang braso. Imbis na dilaan niya ito ay kinuha niya ang kanyang swiss knife galing sa bulsa, atsaka pinagsasaksak ang tatlong daliri niya. Blood flowed on it, and he thinks of it as a fountain, kaya naman tuwang-tuwa siya dahil sa walang tigil na pag-agos ng dugo mula sa daliri niya.
Kinuha niya ang mga nahulog na daliri niya at inilagay sa kanyang bibig. He's chewing it, sucking at it like a pacifier. Nang wala na itong lasa, idinura niya ito sa sahig ng kotse at ipinagpatuloy ang paglasap sa kanyang kamay.
He saw that someone is walking towards the door. Nagtago siya sa backseat ng kotse, at naghintay na buksan ng lalaking ito ang pintuan bago siya umatake.
-------------------------------
Dentrix pulled the driver's door. Binuksan niya ito nang dahan-dahan, at napag-alaman niya na hindi naman ito naka-lock. Ipinasok pa niya ang kanyang ulo sa loob ng sasakyan ngunit wala siyang nakitang tao.
Several drops of dried blood can be seen inside the car. Makikita mo na may talsik pa ang windshield nito, steering wheel, at harapan ng kotse.
Pinasok pa niya nang bahagya ang kanyang katawan sa loob nito hanggang sa kalahati na nito ang nakapasok rito. Chineck din niya ang passenger's seat nito, at wala siyang nakitang kung ano.
Napadako ang tingin niya sa sahig ng passenger's seat. Nakita niya na mayroong nahulog ritong kung ano. He grabbed it, thinking that it was just a pencil, pero nang makita na niya ito at ma-analisa ay agad siyang natakot.
"What the hell?" The thing he is now holding is a finger. Middle finger ito kung hindi siya nagkakamali. Sumilip pa siya nang bahagya sa sahig ng passenger's seat at nakita pa niya na may dalawa pang daliri ang nandoon. Kukunin na sana niya ito nang may biglang lumabas sa backseat, kaya naman hindi na siya nakapalag pa dahil hindi niya ito inaasahan.
Nakagat ni Mang Patrick si Dentrix sa leeg. Dahil sa biglaang pagsugod sa kanya ni Mang Patrick, tumilapon pa sila sa unahan ng kotse at napahiga sa driver at passenger's seat. Nakaibabaw si Mang Patrick kay Dentrix, habang kagat-kagat nito ang leeg niya.
Patuloy na nagsisisigaw si Dentrix. Wala namang tao na dumadaan, kahit na mga sasakyan, kaya naman walang sumasaklolo sa kanya.
BINABASA MO ANG
The School Outbreak
ParanormalThe Jeianjoe Pharmaceuticals invented a medicine to prevent the Covid-19 transmission around the country. They supplied their pills to everyone including hospitals, health centers, and pharmacies in order for their product to be relevant. One person...