Chapter 18 - A Spy?

596 34 5
                                    

Parang Dance Room lang din ang Theater Arts room. Ang kaibahan lang nito ay imbis na malaking salamin at makintab na sahig ang nandito, ay isang maliit na stage at ang mga naglalakihang kurtina ang makikita sa harap nito. Nakakalat din ang mga boxes ng costumes sa paligid. Makikita rin dito ang mga headdresses, facepaints, at iba pa na ginagamit sa pagpeperform sa isang dula-dulaan at teatro.

Dito nagpapractice ang theater arts club, o ang school club ng mga umaarte at nagtatanghal. Dito muna nila ipinapakita ang kanilang piyesa, bago nila ito ilabas sa stage nang pang-lahatan. Ang room na ito ay ginawa lamang para sa kanila, katulad na lamang ng dance room na ginawa para naman sa mga kasali sa Dance Club upang mahasa ang kanilang pagsasayaw.

Lagpas na ng tanghali nang bumangon ang lahat. Ito na ata ang pinaka-komportableng tulog nila simula nang magka-zombie outbreak sa loob ng school nila. They thought that everything is normal again. They thought that all of this was just some freaky dream. . . Ngunit nang lumakad sila papalapit sa bintana, nakita nanaman nila ang mga naglalakad na patay sa labas habang ang iba naman ay may kinakain pang mga laman at iba pa.

"All of this is not going on anywhere." Sir Raygon said, out of nowhere. Napatango at napatingin naman sa kanya ang lahat ng kanyang mga kasama. Alam nila na tama siya. At alam din nila na pinanghihinaan na sila nang loob dahil sa mga nararanasan nila.

They are now just 17 people inside the room. Kung dati ay napapalakas pa nila ang kanilang mga loob, ngayon naman ay hindi na at kaunti na lang ay susuko na sila. No one is trying to lift them up. No one is trying to cheer for them. Alam kasi nila na mapupunta lang ito sa wala.

Kinuha nila ang box ng mga costumes at binuksan ito. Nakita nila na marami pang mga damit ang naka-store dito kaya naman sumaya sila nang kahit kaunti dahil dito. Maaayos pa ang karamihan dito at hindi pa mukhang patapon. May mga tatak pa nga ang iba rito na Valentino, Bench, at iba pa kaya naman kanya-kanya na sila nang kuha. Pinagpilian na nila ang lahat ng mga nasa box at isa-isang nagpalit sa banyo upang hindi na amoy-dugo ang suot nila.

Ipinaalala ni Tom sa kanilang lahat na kung maaari ay kulay black na lang ang suutin nila. Ito ay upang maiwasan ang pag-mantsa ng mga dugo rito, at upang hindi maging distracting sa kanila ang mga makikita nila kapag puro mga talsik na ng dugo at laman ang nakasabit rito.

Isa-isa na silang nakukumpleto mula sa pagpapalit ng costume sa banyo. Huling nagpalit sa kanila si Tom dahil pinauna muna niyang makapamili ang lahat. Nang lumabas naman ito ay kaagad siyang pumunta sa kanyang mga kaibigan. Umupo siya sa circle nila. Ang iba rin naman ay may kanya-kanyag kausap, kaya naman hindi na niya pinansin pa ang mga ito.

"Here's our freaking El Professor from Money Heist." Aidan said. Napatawa naman ang kanyang mga kaibigan. Tom also laughed, binatukan niya ito nang mahina.

Inilibot ni Tom ang kanyang mga paningin sa kanyang mga kibigan. Napangiti naman siya nang makita niyang kumpleto pa rin sila. "Ngayon ko lang na-realize, our circle of friends fits to be in the roles of The Breakfast Club. Three boys. Two girls. School ang setting. Trapped din sila sa iisang place. Also, all they did was just talking and talking and talking like what we did. May bago nanaman sana ako sa inyong pang-asar kung hindi lang ganito ang naging sitwasyon natin ngayon."

"The Breakfast Club isn't a horror movie, though." Lexie said. "Dapat, horror movie! Para angkop na angkop at damang-dama talaga natin ang lahat since nasa outbreak tayo ngayon." Napatigil naman ang lahat upang makapag-isip. Nagkaroon ng katahimikan sa kanila.

"The original Scream movie could fit on our position. Tatlo ang lead boys at dalawa ang lead girls doon. Isang circle of friends lang rin sila. Then, on there, ghostface is killing them; which, unlike us, na zombies naman ang humahabol sa atin ngayon." Maxwell suggested.

The School OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon