Chapter 21 - The Darkness

606 28 3
                                    

Tumayo na si Aidan at kinuha ang mga bag ng weapons na nanggaling sa guardhouse. Inilabas na rin niya mula rito ang mga head flashlights, at binigyan sila isa-isa ng mga ito. Nagdadalawang-isip man, marahan naman itong tinanggap ng lahat.

"Parang naghahanda na lang tayong lahat para sa giyera, ah?" Pambasag ni Nathaniel sa katahimikan. Wala masyadong nagsasalita sa kanila dahil occupied na ng pagka-kaba ang kanilang mga isipan. Ayaw naman niyang mamuhay sa katahimikan, kaya naman naisip niya na simulan na lamang ang pag-iingay. "Head flashlights, madilim na labas, naulan, and then with the dangers outside. . . Tapos, mga survivors pa tayo rito. Eh hindi ko nga alam if school pa ba ito or battle grounds, eh!" Tinanggap na niya ang ibinibigay ni Aidan sa kanya at sinimulan na itong i-set-up sa kanyang ulo.

Inabutan ni Aidan ng head flashlight si Sir Raygon. Dahil nga nakatali pa rin ang mga kamay nito, ipinatong na lamang ni Aidan sa hita ni Sir Raygon ang head flashlight atsaka umalis na. Babalik na sana ulit siya sa kanyang puwesto nang biglang magsalita si Sir Raygon. "You guys know that this is just a suicide mission, right? Pinapatay niyo lang ang lahat ng mga kasamahan niyo."

Aidan stopped walking. Binalikan niya ng tingin si Sir Raygon. "But staying here is also killing us in the first place! Kaya naman mas mabuti pa na may ginagawa tayo kaysa sa hintayin na lang natin ang kamatayan natin dito. . . You know that we must do something! Kung ayaw mo naman at magrereklamo ka lang nang magrereklamo, puwede ka namang maiwan dito. Huwag kang sumama sa suicide mission na sinasabi mo." Bumalik na ulit siya sa kanyang mga kasamahan. Narinig niya na minura pa siya nang malakas ni Sir Raygon.

"Hindi ko inaasahan na darating pala ang panahon na gagawin natin 'to." Ani Zander. Nakaayos na ang head flashlight sa kanyang ulo. "Na lalabas tayo nang ganitong kalaliman ng gabi, habang may kinatatakutan sa labas. Tapos, hindi pa natin sigurado kung makakaligtas tayo rito nang buhay."

"Wala naman kasi talagang nag-aakalang mangyayare sa atin ang lahat ng ito, eh. We thought that we would just see these stuffs in a horror paranormal movie. Hindi naman natin alam na gagawin palang totoo ng Jeianjoe Pharmaceutical ang lahat ng ito." Zeus said.

Patuloy na naulan sa labas. Mas lumakas na ito kaysa kanina kaya naman mas natakot sila. Iniisip nila na baka may paparating pang bagyo dahil sa lakas ng hangin na bumubungad sa kanila sa may bintana. Naugoy na ang mga sanga ng puno, habang kahit nakasara ang bintana ay naririnig pa rin nila ang hangin dito.

"Mag-iingat kayo sa mga jumping zombies, ha." Heart said. Napatingin naman sa kanya ang lahat.

"Jumping zombies?" Paula asked. "What in the hell is that?"

Heart smiled. "Wala lang! Pinauso ko lang na isang variation ng mga zombies. Iyon yung nagapang sa may gilid ng hagdanan at natalon na lang bigla kaya naman hindi natin ito nakikita. Iyon yung umatake kay Tom noong una tayong umalis rito, at yung umatake naman kay Jiana kaya siya naging infected. . . Now that there's so dark outside, baka hindi na natin makita ang mga pagtalon nila at baka matuluyan na nila tayo. . . Wala pang nakakagat yung mga ganoon sa atin eh. Nakalmot lang. . . Kaya naman mag-iingat talaga kayo."

Lahat sila ngayon ay may suot nang mga head flashlights. Nakapabilog ang mga magka-kaklase, habang nakatali pa rin si Sir Raygon sa isang gilid at hindi pa rin nila pinapakawalan. May plano naman silang kalagan ito, ngunit naisip nila na mamaya na lang kapag lalabas na talaga sila upang hindi ito makagawa nang masama. Isinuot na rin ni Paula ang head flashlight kay Principal Raygon.

"Should we hug before going out? Have a bond? Take a pic? You know. . . For memories. Bago tayo sumuong sa literal na sakuna." Ani Marck. Napatawa naman ang lahat.

"Basta't mag-iingat kayong lahat, Sphene. Dapat, wala nang mawawala sa atin kapag lumabas tayo rito. Alam niyo naman na malapit nang dumating ang tulong kaya naman lakasan niyo na ang mga loob niyo. You guys should also be grateful dahil makakaalis na rin tayo rito in less than two days! Kaunti na lang talaga ang sasagupain natin, kaya naman huwag na kayong mawawala." Pagpapalakas ni Tom sa kanilang mga loob.

The School OutbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon