CHAPTER ONE

17.5K 250 25
                                    

SURPRISEEEE!! 

Gaya ng pinost ko the other day. Eto na 'yong sinasabi kong surprise for you! COMPLETED agad! This is my treat to everyone as I celebrate my birthday today. Pasasalamat na rin dahil sa walang sawang suporta n'yo sa akin. 😊

Anyway... Happy Reading! 

At dahil diyan... next Friday na ang upload ng Series 6 ng Car Wash Boys! Thank you so much!! 

~JA💜


P.S. 

May nag-comment na noon na noon pa na bakit daw mahilig akong magsulat ng kuwento na inspired sa song? Eh kasi mahilig ako sa music at bilang Writer, ang mga kanta na ang isa sa nagbibigay sa akin ng inspirasyon para makabuo ng kuwento. At isa ang nobelang ito sa mga iyon. 😉😘❤❤❤

This story is inspired by the song "12:51 by Krissy & Ericka"

******************************************************************


"IS EVERYBODY ready for the opening of the Mondejar Cars Incorporated?" seryoso tanong ni Gogoy sa kanila.

Tanghalian iyon ng Linggo. Nakagawian na nilang buong pamilya na mag-breakfast sa bahay nila Lolo Badong at Lola Dadang tuwing Linggo. Kasama na doon ang pag-uusap nila tungkol sa personal concerns sa isa't isa. Maging ang pagre-report ng mga nangyayari sa mga negosyo at career nila ay doon din napag-uusapan. Minsan, pati mga personal na problema sa buhay, napag-uusapan din doon. Lihim na napangiti si Marisse habang minamasdan ang Pamilya niya. Mahal na mahal niya ang mga ito. She was so blessed to have them in her life. Madalas man silang nag-aasaran, o minsan, may mga hindi pagkaka-unawaan. Ngunit hindi binago niyon ang pagmamahal niya sa mga ito. Lalo na sa mga magulang niya at sa kakambal niyang si Marvin.

"I'm ready." Sagot niya, saka pa niya tinaas ang isang kamay niya.

"Matagal ka na dapat handa, sa clerical works ka naman mapupunta eh." Sabi ni Gogoy sa kanya.

"Oy ah! Mahirap din kaya magbilang ng papel." Pagbibiro pa niya.

Pabirong binatukan siya ng kakambal niya. "Aray ah!" reklamo niya.

"Jester, how's the permits that we needed?" tanong ni Gogoy.

"Everything was all set. Puwede na natin pasimulan ang renovation sa building as soon as possible." Sagot nito.

"Kumusta naman ang mga investors?" tanong naman ni Lolo Badong.

"We don't have problems with that, Lolo. Our family's credibility when talking about cars is not questioned. Maraming gustong mag-invest dito sa negosyo natin, but I have to turn them down dahil pure family business lang ito. Kilala tayo sa larangan ng mga kotse, that's why many are interested." buong pagmamalaking sagot ni Gogoy.

"Good. Nakaka-enganyo sana ang offer nila. But Mondejar Cars Incorporated are for Mondejars only." Komento naman ni Mark.

"I agree." Sang-ayon ni Wayne.

"How about the car manufacturers? Anong balita kay Kevin?" tanong ni Gogoy.

"Ang sabi niya sa last email niya, pabalik na daw siya dito mula sa US." Sagot naman ni Karl.

Tila may sumipa sa dibdib ni Marisse matapos marinig ang pangalan na binanggit ng pinsan. Ilang buwan na ba sila ulit na hindi nagkita? Tatlo? Kay daling panahon lang pala. Ngunit bakit para sa kanya? Parang isang habang buhay ulit iyon. Napabuntong hininga siya. Bakit pa nga ba niya iniisip iyon? Ang nakaraan, ay dapat manatili na lamang sa nakaraan.

Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle BandongWhere stories live. Discover now