CHAPTER EIGHT

5.6K 117 4
                                    

"ANO 'yan?" tanong ni Marisse sa kakambal niya. Sinamahan siya nito sa rooftop garden nila, may dala itong gitara at isang papel.

"A song. Narinig ko 'to sa radyo kanina. Naisip ko, tamang-tama sa'yo. Kaya kinuha ko yung chords pati lyrics." Sagot nito.

Kinuha niya ang papel at pinag-aralan ang guitar chords ng kanta. Nang bahagya na niyang makabisado ay sinimulan na niyang tugtugin ang gitara. Ilang ulit niyang pinractice ang kanta hanggang sa makabisado niya.

"And maybe that was the biggest mistake of my life. And maybe I haven't move on since that night. Cause it's twelve fifty one, and I thought my feelings were gone. But I'm lying on my bed. Thinking of you again, and the moon shines so bright. But I gotta dry these tears tonight. Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on, any longer." Pagkanta niya.

Nang matapos ang awitin. Binaba niya ang gitara at tumingala sa langit.

"Hindi ko na talaga kaya 'to!" sigaw niya.

Nang namumuo na naman ang mga luha sa mga mata niya, agad siyang kumurap kurap para hindi na iyon bumagsak. Ayaw na niyang umiyak. Kahit na ang puso niya ay walang tigil sa pagluha. Simula ng araw na iyon, kailangan niyang magpakatatag.

"It's okay to cry," anang kambal niya.

"Marisse,"

Paglingon niya ay naroon si Kevin at nakatayo sa hindi kalayuan.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat naroon ka kay Susane? Kailan ba siya lalabas? Sabihin mo pasensya na kung hindi ako nakakadalaw. Marami lang akong ginagawa" sunod-sunod na tanong niya. Ang totoo, sinadya niyang hindi na dumalaw doon. Nako-konsensiya kasi siya na wala itong kaalam alam na siya ang babaeng tinutukoy ni Kevin.

"I just want to see you." Simpleng sagot nito.

Nagkatinginan sila ni Marvin. Tumango lang ito, pagkatapos ay iniwan na silang dalawa.

"What for?" tanong ulit niya, sabay talikod dito.

Tinitigan niya ang malaking puno ng mangga sa harap ng bahay nila. Mabuti pa ang isang 'yon. Sa kabila ng mga bagyong nagdaan sa haba ng panahon. Naroon pa rin siya at matatag na nakatayo. Nabali man ang sanga nito ng ilang beses, sa bandang huli. May panibagong sanga pa rin ang tutubo doon.

Kailan kaya siya magiging kagaya ng punong ito? Matatag. Matapang. Kayang harapin kahit na ano man ang dumating. Kahit ang masakit na pagkawala ng lalaking minamahal. Mula sa likod, niyapos nito sa leeg niya ang dalawang braso nito. Saka dinikit ang noo nito sa likod ng ulo niya ang noo nito. Umagos ang luha sa kanyang mga mata.

"Just at least, be honest with me." Bulong nito sa kanya.

Lalong dumoble ang kabog ng dibdib niya. Lalong nadagdagan ang sakit. Lalong nagdugo ang puso niya. Sa bawat minutong dumadaan, mas lalong kumakawala sa dibdib niya ang walang kapantay na pagmamahal niya para kay Kevin. Gusto niyang ipaglaban ang nararamdaman niya para dito, ngunit paano? Paano si Susane?

"Gusto kong marinig mula sa'yo. Do you still love me?" tanong nito.

Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Saka niya tinignan ito ng diretso sa mga mata nitong hilam na rin sa luha. Lord, kahit ngayon lang po. Ibigay n'yo na sa akin ang sandaling panahon na ito. Para masabi ko sa kanya sa huling pagkakataon kung gaano ko siya kamahal. Piping dalangin niya.

"Do you still love me?" ulit nito sa tanong.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka pinagdikit niya ang noo nila.

Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle BandongWhere stories live. Discover now