CHAPTER THREE

7.2K 141 4
                                    

"CLEAR tayo for the week?" tanong ni Sam kay Marisse pagdating nito doon sa Jefti's Restaurant.

Tumango siya. Saka humigop sa isang tasa ng kapeng hawak niya.

"Yup. Kaya pwede ka ng maghanap ng boyfriend." Pabirong sagot niya.

"Ayieee! Gusto ko 'yan!" kinikilig pang reaksiyon nito.

"Hoy! Itigil n'yo nga 'yang ganyan usapan! Nakakadiri!" saway agad ni Jefti sa kanila.

Kunot-noong lumingon sila dito. Naroon ito sa likod ng cash register. At tila nagbibilang ng kita nito sa umagang iyon.

"Ikaw ang tumigil! If I know. Selos ka lang." pambubuking pa niya dito.

"Tumahimik ka, Marisse! Babatuhin kita nitong barya!" banta nito.

"Weh! Jelling Jelling! Jelly Ace!" pang-aasar pa niya lalo.

"Tumahimik ka sabi eh!" saway din sa kanya ni Sam. "Wala akong gusto dyan! Hindi siya ang tipo kong lalaki!"

Natahimik siya. Sabay, sulyap kay Jefti. Nakita niya kung paano bumaha ang kirot sa mga mata nito, ngunit hindi nito pinahalata iyon.

"Hindi ko rin naman type yan 'no? Alam mo naman ang gusto ko sa babae. Mga model type." Ganti naman nito.

Gaya ng nakita niyang reaksiyon ng pinsan, ganun din ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Sam. Napailing siya. Kung nalalaman lang ng dalawang ito. Ilang sandaling nabalot ng tahimik ang paligid nang mula sa second floor ng Jefti's ay bumaba si Kevin at ang kakambal niya.

"B2, bakit nandito ka?" tanong ni Marvin sa kanya. B1 at B2 ang tawagan nilang dalawa. Ito ang B1 at siya si B2.

"Wala naman kaming client ngayon, so, chill muna." Sagot niya.

"Good! So, maybe you can come with me? Since, ikaw naman ang magiging executive secretary ng Mondejar Cars Incorporated." Singit ni Kevin sa usapan.

Natulala siya sa sinabi nito. Maging ang tasa na hawak niya at ang kapeng laman niyon ay nakalimutan niyang mainit pala, kaya diniretso niya ito sa bibig niya. Ang resulta, napaso ang nguso niya.

"Aray ko!" hiyaw niya. Halos maihagis niya ang tasa.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumakbo sa tabi niya si Kevin. Agad nitong inabot sa kanya ang isang baso ng tubig.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Heto na naman sila. Malapit sa isa't isa. Nakatitig sa mata ng bawat isa. Habang hindi matahimik ang puso niya. Bakit nga ba hindi siya magkakaganoon? Silang dalawa. Magkasama? Oh no!

Tumango siya.

"Let me see it," anito.

"Hindi na, okay na." sabi niya. Sabay tungo ng ulo niya.

"I insist, I want to see it."

Wala siyang nagawa kung hindi ang itaas ang ulo. Maingat na lumapit ito sa kanya at marahan hinaplos ang mga labi niyang napaso. Hindi sigurado si Marisse kung naririnig nito, pero dinig na dinig niya ang lakas ng kabog ng puso niya. Being with him this near, she knows, it's not a good idea for her.

"I'm okay," pabulong na sabi niya.

Ngunit hindi man lang ito natinag sa kinauupuan nito. Nanatili lang itong nakatitig sa mukha niya, at sa mga labi niya. She saw that familiar emotion in his eyes. Pero hindi malinaw ang eksaktong ibig sabihin niyon. What is it? Bakit hindi niya malaman kung ano iyon? Hindi niya mabasa ang pinahihiwatig ng mga tingin nito. Lalong kumabog ang dibdib niya ng marahan nitong haplusin ang parte ng labi niyang napaso.

Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle BandongWhere stories live. Discover now