Seventeen

1.3K 26 1
                                    


Pagkatapos kumain ay naiwan kami ni Akira at Avery sa harap ng bagong kotse ni Ave, mukang wala nga sa sarili sina Zander since hindi sila nagtaka ng magpaiwan kaming tatlo.

Tinanong ako ni Papa kanina kung komportable ba ako sa condo ko, he give it to me as a graduation gift last month dapat ay studio type lang ang kukunin kung condo but Dad insist na kumuha ako ng may dalawang bedroom. 

Hindi ko alam kung para kanino baka iniisip niya na kapag lumuwas sina Tita Wilma ay may matutuluyan sila.

Tita Wilma give birth to a healthy baby boy two months ago kaya malamang hindi pa sila makakapasyal until baby William aged two years or so. Maraming nangyari sa loob ng tatlong taon, nagpakasal sina tita at William at agad nagkaanak. I accept my family as what it is and I stop asking what if.

"Damn!"

Sinipat ni Aki ang gulong ng sasakyan ni Ave, coding daw siya kaya nag taxi siya papunta dito at makikisabay siya sa amin dahil pupunta kami sa opisina niya which is Phoenix. 

"Can we go now?" Inip na turan ko.

"Let me drive" Aki said.

"Let him drive" I said.

"No way" 


Mahigpit ang hawak ni Akira sa kanyang seatbelt at nasa harap siya katabi ni Avery, halos sumigaw na si Aki para ipaalam na lumampas na kami.

"Can I park in front Aki?"

"Hell no!"

Pagbaba namin sa harap ng entrance ay kinuha ni Aki ang susi at binigay sa valet na naroon, umangal pa si Ave pero wala rin siyang nagawa ng hinila siya ni Akira papasok, may dalawang bouncer na bumati kay Aki hindi pa nga kami nakakapasok ay hawak na ni Akira ang braso ko at ang kay Avery na para bang mga bata pa rin kami.

Sinalubong kami ng malakas na music, usok at mga taong halos magwala na dahil sa tugtog. Umatras ako I think mas mabuting matulog nalang--

"Kels!"

Shit

Hinila ako ni Avery papasok, nabitawan na kami ni Aki dahil bungad palang ay marami na ang kumausap sa kanya, nung nakausad na kami ay syaka ko pa nakita na galing sa bandang tumutugtog ang music, nasa gilid sila katabi ng mga naglalakihang sound system. Akala ko ba mga DJ ang madalas responsible sa music sa ganitong lugar?

Tumingala ako, may second floor ang lugar na ito, marami rin ang nasa taas at nakadungaw sa baba kumunot ang noo ko habang nakamasid dun, feeling ko lang ba or nakatingin sila sa akin?Well..

Syempre hindi sa dami ng tao bakit naman sila titingin sa akin? Pero pakiramdam ko talaga may nakamasid sa akin, bumuntong hininga ako I'm just paranoid.

Nagpahila ako kay Avery sa isang sulok kung saan may mga high chair at lamesang maliliit, sa kabiling dako kung saan may ilaw ay may mga sofa naman doon, madilim sa napiling lugar ni Ave pero mas mabuti nga iyon, pakiramdam ko talaga may nakatingin sa akin.

Iginala ko ang tingin sa buong lugar baka sakaling may makita akong kakilala. 

"Yes! I said yes" Avery said almost screaming.

Bumaling ako sa kanya, kausap niya ang isang lalaking tingin ko nagtatrabaho dito, nagtataka itong tumingin kay Ave at sa akin bago umalis, I asked Avery just by looking.

"I order one shot of everything available drink here..since wala akong alam sa alak bukod sa wine"

What?

UnwantedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora