Chapter 1

70 4 0
                                    

[Chapter 1]

"Late kana naman, ang sabi mo hindi mo na uulitin. Bagong taon na, magbago kana rin. Alam mo darating ang araw na pasasalamatan mo ako kapag nakinig ka sa mga pangaral ko.. blah.. blah.. blah.."

Tahimik akong naghihintay sa labas ng Principal's office habang sinisermunan ni Sir Katigbak ang isang estudyante na nasa loob. Yakap-yakap ko ang isang makapal na folder na ipinadala sakin ni Mam Cruz. Sinipa-sipa ko pa ang maliliit na batong nasa paanan ko habang nakasandal sa pader. May ilang beses ko na ring tinitingnan ang relo ko dahil sa inip.

8:31am
8:34am
8:36am

Patuloy ang pag-andar ng oras sa kulay pula kong relo. Si Papa mismo ang pumili nito kaya kahit mukhang panlalaki ay palagi ko itong suot.

Napahinga ako ng malalim dahil sa sobrang inip. Kung alam lang ni Sir Katigbak na labas-pasok lang sa tenga ng estudyante ang mga sinasabi niya ay hindi na mangangalay ang paa ko ng ganito. Naubos ko narin ang mga bato sa sahig, pwede na nga ata akong magtry-out sa soccer.

Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang estudyanteng kanina pang ginigisa ng Prinsipal. Nakatakip ang isang kamay sa bibig na parang naiiyak. Hindi ko alam kung nagpipigil ng tae o kung masama ang pakiramdam. Napakunot nalang ako ng noo dahil sa kakaibang ikinikilos niya.

Nakasuot siya ng puting tshirt, maong na pantalon at asul na rubber shoes. Lunes na lunes ay hindi siya nakaproper uniform. Gulo din ang buhok niya na halatang hindi niya sinuklay pagkatapos niyang maligo (kung naligo man siya)

Bigla siyang napatingin sa akin, sumenyas siya na huwag akong maingay at saka dahan-dahang tumuro sa kinaroroonan ng prinsipal. Kusa namang sumunod ang mga mata ko na para ba akong na-hypnotize. Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip ng lalaking ito?

Una ko agad napansin ang itim na wig ng prinsipal na wala na sa tamang posisyon. Nahahanginan ito ng electric fan na nakatutok sa kanya. Pitong hibla nalang yata ng wig ang nakakapit at konti nalang ay tuluyan na itong bibitaw sa makintab na bunbunan ni Sir Katigbak.

Bigla akong natawa pero mabilis rin akong nagtakip ng bibig. Pilit akong nagseryoso dahil napagtanto kong ang prinsipal pala namin ang pinagtatawanan ng estudyante. Kinurot ko pa ang braso ko dahil nahihirapan akong magpigil ng tawa.

Sa gilid ko ay tuluyan nang tumawa ng malakas ang estudyante. Nakaturo pa siya sa akin habang humahagalpak ng tawa. Para siyang siraulo na hindi naturukan ng gamot. "Natawa ka! Nakita ko natawa ka!" sambit niya habang patuloy parin sa pagtawa. Naghanap lang siya ng idadamay niya sa pagtawa niya.

Kinabahan ako dahil sa naging reaksyon niya. Ang lakas ng loob niyang mag-eskandalo sa labas ng Principal's office, ngayon pa na katatapos lang ng sermon niya. Nag-isip ako ng paraan kung paano siya patitigilin sa pagtawa niya.

Tumingin ako sa paligid para maghanap ng kahit na anong bagay na pwedeng makapagpatigil sa kanya. Hindi kami pwedeng basta tumakbo nalang dahil iaabot ko pa ang folder kay Sir Katigbak. Ako naman ang malalagot kay Mam Cruz.

Wala na akong ibang naisip na paraan kundi ang pukpukin siya ng makapal na folder. Sunod-sunod ang paghampas ko sa kanya pero walang epekto. Hinila ko siya, sinakal, sinuntok at tinaekwondo kahit hindi ako marunong mag-taekwondo. Lahat ginawa ko na pero patuloy parin siya sa pagtawa. Kanina pa siguro siyang nagpipigil ng tawa kaya naging ganito ang resulta.

Maya-maya pa ay nagulat ako nang biglang may lumagabog. Sabay kaming napatingin sa loob ng office kung saan nanggaling sa ingay. Kitang-kita ko ang panlilisik ng mata ni Sir Katigbak na nakatayo at nakapamewang pa. Ngayon ko lang napagtanto na pati pala ako ay nag-eeskandalo narin sa harap mismo ng Principal's office.

Reaching YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt